Chapter 1

1.4K 44 25
                                    

Para sa Nameless fandom at sa boys natin


***

JUSTIN'S POV

"Sira ulo ka talaga Jah. Bakit mo naman ginawa yon? Alam mo namang matalino yang si Nase. Mapapansin niyang may nawawala sa mga sinulat niya." Paninisi sa akin ni Kuya Stell. 


"Eh kuya Stell, ang bagal kasi gumalaw ni Kuya Paulo. Eh narinig ko noong isang araw noong dumaan ako sa classroom ni Ate Athena, pinopormahan na daw ni David si Ate." Sagot ko kay Kuya Stell. 

"Sinong David?!" Sambit ni kuya Stell na parang naghahamon pa nang away. 


"Yung----" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang tinakpan ni Kuya Stell yung bibig ko 

"Oh, anong balita? Bat parang May kaaway kayo?" Sabi ni Kuya Paulo na biglang sumulpot

"Ah! Wala! Wala! Si Jah kasi, nagpapaturo sakin sa math, eh pagluluto lang ang alam ko. Parang sira no? Maling tao yung nilalapitan" sambit ni Kuya Stell. Ngumiti lang si Kuya Paulo. Lumabas pa ang dimples niya sa pag ngiti niya. 

"Ah. Hahaha Jah, kamusta yung short film na ginagawa mo?" Tanong ni kuya Paulo. Tinanggal ni kuya Stell yung kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko para makapag salita. 

"Okay naman kuya. Problema ko lang, naghahanap kami ng babaeng actress ngayon kasi na-confine si Aya. Mukhang malabong siyang makahabol play. Naghahanap naman na ang mga kagrupo namin. Magpapa audition sila next week." Sabi ko sa kanya habang sumusulyap-sulyap kay Kuya Stell at magkahawak ang dalawa kong kamay.  

"Ah. That's good." Sagot naman ni kuya Paulo sakin.

"Anong ulam? Chicken ba?" Tanong ni Ken na kararating lang. Nakasalpak pa sa tenga niya yung earphones niya. Mukhang galing pa to sa pag tuturo ng choreo sa lower batch. 

"Ano, manok nanaman tayo Ken? Baka bukas tumilaok ka na dyan kaka chicken mo ha" pang-aasar ni Kuya Stell kay Ken. 

"Hahaha dumating ka na pala. May itatanong sana ako sayo, Ken." Sabi ni kuya Paulo kay Ken

"Ano yun, pre?" Sambit naman ni Ken

"Nadaan ka ba sa kwarto ko nung isang araw? Nakasalubong kasi kita sa hallway nung nakaraan bago ako bumanyo" tanong ni Kuya Paulo

"Hmm. Wala naman. Bakit mo natanong?" tanong pabalik ni Ken


"Wala. May nawawala kasi akong envelope. Isang daang tula kasi yung nasa loob noon e.  Yung lang tinanong ko lang. Try ko nalang ulit hanapin sa kwarto ko baka na misplaced ko lang." Sabi naman ni kuya Paulo sabay ngiti kay Ken. Nag tinginan kami ni Kuya Stell. 

"Isang daang tula????" Kuya Stell murmured. 


Namamawis na ako sa kaba. Hindi ba ako nagkamali ng dampot? Envelope ba yung nadampot ko?? 100 tula????!!! Malambing si kuya Paulo at caring pero baka pulutin nalang ako sa Pasig river nang nakasako pag nalaman niyang ako yung kumuha at nilagay sa locker ni ate Athena. 


Jah. Katapusan mo na ata. 


"Ah okay. Lalabas ako. May papabili ba kayo?" Tanong sa amin ni Ken. 

"San ka ba pupunta pre?" Tanong ni kuya Paulo. 

"Sa Ministop. Bibili ng chicken. Ano, May ipapabili ba kayo?" Tanong ulit ni Ken. 

"Bilhan mo nga ako Ken nang pampakalma kasi kakaiba yung nararamdaman ko ngayon. Tsaka madaming tissue. Parang ang init ngayon dito sa theater club. Pawis na pawis ako. Nagbabayad ba ang school ng bill? Parang di ko ramdam yung lamig ng aircon."  Sabi ni kuya Stell. Siniko ko siya ng bahagya para kumalma. 

"Ahh wala wala. Charot lang yon. Sige bumili ka na ng chicken ng bukas tubuan ka na ng pakpak" pag biniro ni kuya Stell. 

Umalis na si Ken para pumuntang Ministop. Umalis na rin si kuya Paulo kasi hahanapin niya daw ulit sa kwarto niya yung nawawalang envelope. Pagkaalis na pag kaalis niya, hinatak ko agad si kuya Stell.

"Kuya naman ang ingay mo naman. Baka mahalata tayo ni kuya Paulo niyan." Sabi ko kay kuya Stell with my kabado heart. Nako po jusko!

"Panong di ako kakalma, Jah. Isang daang tula? Isang daang tula yon. Isang daang beses ka din ibabalibag ni Nase pag nalaman niyang ikaw kumupit non sa magic box niya. Alam mo namang ayaw niyang ginagalaw ng kahit na sino yung mga gamit niya lalo na yung kahon na yon." Pag rarant ni kuya Stell.

"Oo na kuya. Mali na nga ako doon. Di ko na din kasi napansin na envelope pala yung nadampot ko. Nagulat kasi ako narinig ko si Ken kumakanta. Nag panic ako. tulungan mo nalang ako kuya. kukunin ko nalang ulit sa locker ni ate Athena yung envelopeeee . Pleaseeee" pagmamakaawa ko.

"Sure ka ba dyan? Baka nakita na ni Athena yon."sabi ni kuya Stell.

"Wag ka nang nega kuya. Tulungan mo na ako please" pangungulit ko.

"Hayyy osige sige basta bibilhan mo ko ng strawberry shake ha." sabi niya sa akin

"Oo! Paramis!" Sigaw ko.

"Ano yan? Jah ah. Walang respeto. Oo lang?" Sabay ni Kuya Josh na napadaan sa kung saan kami nag uusap.

"Oo...po. " mahinang sagot ko.

***End of chapter 1


Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Where stories live. Discover now