Chapter 34

470 35 27
                                    

Hello co-A'tin and moon readers. Alam niyo ba na sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ng chapter na ito eh napapasayaw ako. Malalaman niyo mamaya kung bakit. hahaha.

 Anyway, Sana mag enjoy kayo~

Please, don't forget to vote, share, put some comments (if meron kayong gusto i-comment) and follow me on my IG account ( @/_moonsandsmiles)

Happy reading~

***

JOSH'S POV


"Okay game. So, makinig ang lahat. Ganito ang mangyayari. Diba sabi ko sa inyo, uupo tayo ng naka bilog." Pag eexplain ni Stell.


"eto na nga diba? Nakabilog na tayo." Pang aasar ni Ken. 


"Oo nga. Teka naman. Patapusin niyo muna ako. Talaga naman itong mga to. Okay game." Okay. napipikon na si Stell hahahaha


"Kanina pa yang game na yan." Sabi ko naman na hindi niya pinansin hahahaha


 "Tatawagin natin ang game na ito na Spin the bottle, Truth or Dare edition." Ang ganda pakinggan diba?" Tuwang tuwang pag eexplain ni Stell.


"Oo nga. Napakalupet niyan hahaha. Yan ang mga gusto ko e. May thrill. hehe Sige ituloy mo" Sabi ko naman


"So ganito na nga. Etong bote na to..." Tapos pinakita niya sa akin yung walang laman na bote ng Pepsi "Ilalagay natin sa gitna. Ngayon, Syempre, spin the bottle nga diba? So papaikutin natin. Tutal ako naman ang nag aya, ako mauunang magpaikot." dagdag niya. 


"Kunyari pinaikot ko na, kung kanino man tumapat yung bibig ng bote, Isang shot ng alak tapos papapiliin natin if truth or dare. Pag truth, syempre, magtatanong ang isa sa atin kung anong gusto niyang itanong. If Dare, naman.... alam niyo naman na yung larong yun. Hindi ko na kailangan iexplain. Tsaka bawal KJ ah. Minsan lang 'to, okay?" 


Ang dami nang sinasabi ni Stell. Ganito yan pag naeexcite eh. Hahahaha


"Wow. Yan ba nagagawa ng alak? hahaha Well, that idea is really cool, Stell." Compliment ni Jennie kay Stell. Binigyan lang ni Stell si Jennie ng finger heart. Natawa nalang kaming lahat. hahaha 


"Oh, game na ha. Pag tumapat sayo, isang shot tapos Truth or Dare. Okay? Naintindihan ba? May tanong?" tanong niya sa amin


"Wala wala. game na game na." Sabi naman ni Justin na excited na rin pero wala na to. Lasing na to si Justin.


Ayos to. Maganda to, lasingan. Labasan ng totoong nararamdaman. Medyo may tama na ako kaya kung ano anong trip na yung naiisip ko. hehehe


Bali ang position namin, syempre ang napakagwapong AKO, tapos sa kanan ko naman si Jennie then katabi niya sa kanan niya si Stell, then Ken, tapos si Elise. Next to Elise is Paulo, then Athena tapos katabi ko si Justin. Sinadya kong tumabi kay Justin kasi mabilis to malasing. Pag wala na siya sa sarili, kung ano anong ginagawa kaya mas mabuti nang nasa tabi ko at baka makasira pa ng mga plano 'tong batang hindi marunong mag kontrol ng alak sa katawan. Nakadalawang bote na yan ng beer kaya medyo malapit na to mawala sa sarili. Mababa lang kasi ang alcohol tolerance ni Justin. Na-frustrate kasi siya kanina sa laro namin dahil talo kaya ayun, ginawang juice yung dalawang bote ng beer.

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Where stories live. Discover now