Chapter 14

676 28 5
                                    

Nabitin ba kayo sa last chapter? Si Ken talaga yung tipong tamihik pero parang may ibig sabihin, ano po? Hahaha.
Anyway, Please also support 'Kenji'. Yung isa ko pa pong book na sinusulat na Fanfic ng SB19. Also, please don't forget to click the vote button and share the story <3
Happy readings A'tins and moonlovers <3
Update~

***

STELL'S POV

Linggo ngayon. Walang pasok pero nandito kami sa school dahil may pa-meeting ng club si Pinunong Nase. From President down to sa mga salingkit lang, nandito kami sa gymnasium dahil dito ang Agenda ng meeting namin. Madami dami nang tao. Si Nase eh nasa stage kasama si Kuya Josh at kinakausap yung ibang officers ng club namin.

Si Ken, wala pa. Syempre, as always and forever, late nanaman yung pambato nating manok. Si Jah naman, busy kausapin yung ibang club members na humaling na humaling sa mga ngiti niya. Iba talaga yung kagwapuhan ng bunso namin. Iba magpatibok ng puso ng babae. Ang alam ko nga, nagsipagsali lang yang iba dyan dahil gusto nila makasama sa iisang club si Jah. At eto ako, inutusan ni Nase na mag head count. Jusmiyo.

"Oy! Oy! 'Wag nga kayo magulo, nagugulo yung bilang ko. Nasa 47 na ako. Upo! Upo!" Sabi ko sa mga freshies na palipat lipat ng pwesto.

"Upo na po kayo. Nagagalit na po si Kuya Stell. Naninipa po yan pag di kayo nakinig hahahaha" Sabi naman ni Jah sabay flash nanaman ng gummy smile niya. Nakatingin sa kanya lahat ng freshies na girls at naaliw sa mga pinagsasabi niya. Siguro mga kaklase niya.

"49, 50, 51...tapos pang 52 ako. Nase!!! 52 lahat ng umattend!" Sigaw ko kay Nase na nasa stage. Nag thumbs up lang siya tapos balik sa pakikipag usapan sa ibang officers. Nang matapos na sila magusap usap, bumaba na sa stage lahat ng officers maliban kay Pinunong Nase.

"mic..check...mic..check." Testing ni Nase sa mic. Nagumpisa nang magsi-upuan ang lahat sa kanya kanya nilang upuan. Aba, Nag mic check lang si Nase, kumalma na sila. Pag ako, akala mo may sabong sa sobrang gulo. Speaking of sabong, dumating na si Ken at umupo sa tabi ko. Mukhang galing to sa practice ng sayaw dahil ang bango bango niya at mukhang kapapalit lang ng damit.

"Saan ka galing? Late ka nanaman." Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman kung saan siya galing. Tinanggal niya yung backpack niya sa likod niya sabay tingin sa stage at hindi manlang ako pinansin. Uhm.. Hello? I exist? Baka naman uso mamansin ng tao dito oh.

Nag wave ako ng kamay kay Ken sabay sabi na, "Bingi ka ba?" tapos nginitian ko siya

"Ha?" Tapos tinanggal niya yung earbuds niya sa tenga. Jusko, kaya pala wala siyang marinig. Kelan pa to nauso?

"Wala. Sabi ko magpagupit ka, hindi ko na nakikita yung tenga mo." Pilosopong sagot sa ha ha hatdog na tanong niya sabay ngiti ng slight.

"lahat ba nandito na?" Tanong ni Sejun

"Yes po!" Sagot ng lahat

Aba aba ang mga suwail, mabait pag kay Sejun.

"Okay hahaha" Pa-cute din tong pinuno namin e.

"Kaya ko kayo pinatawag lahat because of some announcements. First is our Foundation Day. Second, yung collaboration to other clubs and last but not the least, preparations." Sabi ni Sejun.

Narinig ko na yung tungkol dyan sa foundation day at collab pero wala pa ring details. Si Nase at si Kuya Josh lang kasi yung laging naguusap pag tungkol sa mga ganyang issue sa club namin. Tsaka wala naman akong maambag kundi yung kagwapuhan ko lang.

"Our foundation day is happening in 3 weeks so I want everyone to cooperate. Maasahan ko ba yung cooperation ng theater club members?" Tanong ni Sejun

"Yes po!!!!" Sigaw naman ng mga theater members. Sus, crush niyo lang si Nase eh.

"So una sa lahat, gusto ng school na maging memorable itong foundation day so kinausap nila all the president of different clubs na mag come up with some 'pakulo' Napag meeting-an namin na why not collaboration ng two clubs para naman fresh and also, hindi pa talaga nangyayari yon sa history ng school natin." Sejun said tapos nag scan siya doon sa papers na hawak niya.

"Ang ka-collaborate nating club is dance troupe." He continued. Nagumpisang mag mag usap usap ang mga members sa kanya kanya nilang mga katabi ng naging dahilan ng paggawa nila ng ingay. Hindi naman siya violent reactions. Nagulat lang siguro sila kasi ang club na yun eh club ng mga Dyosa. I mean, kita naman sa mukha ni at Athena diba kung anong ibig sabihin ko. Hindi lang din nila expected na pwede pala mangyari yun. Kita din sa mukha ng mga lalakeng club members ang excite. Hahahaha

"shhhh." saway ko sa mga club members ng tumahimik at matuloy na ni Nase yung announcement at makauwi na kami kasi alam mo na. Rest day!

"Una muna for our club, tradition na yung mga booths sa foundation day. Napag botohan ng club officers na ang magiging booth natin is Korean street food booth. Our vice president ang mag de-decide kung sino ang i-assign niya sa booth." Tapos biglang ngumiti si Nase. HAHAHAHAHAHA parang natutunugan ko na to.

"Tapos, for the collaboration, musical ang napag usapan ng both parties. Wala pang theme pero nagpapa-audition kami sa mga gustong gumanap for the musical." Mag audition ba ako? Tumingin ako kay Ken at para bang nababasa niya yung nasa utak ko. Bigla siyang umiling. Bwisit namang manok to, wala manlang moral support.

"Lastly, for the preparation, hahatiin namin ng mga officers kung sino sino yung maa-assign for props, performers, promotion, sound system, budget etc. Syempre hindi naman to basta basta musical lang. We'll make an effort para maging maganda yung kalalabasan ng musical lalo na 50th anniversary ng school plus meron tayong ka-collab which is new. Also, May budget tayong nakalaan dito at para mabawi yun, may bayad yung ticket" He said then tiningnan niya yung crowd. Masasabi kong mukha namang agree yung mga members sa mga desisyon ng officers at aminin na natin, magaling talaga sa leadership si Nase.

"May tanong ba kayo?" Tanong niya sa mga members. Wala namang naglakas loob na mag tanong.

"So mukhang walang tanong. I'll post sa bulletin later yung form for the audition ng musical, yung mga assigned sa booth and sa production ng Musical. I hope everyone will cooperate." Sabi ni Nase. Tumingin siya sa amin at nag thumbs up kami ni Ken na naging dahilan ng pag ngiti ng aming pinuno.

"Okay, are you guys excited?!" Tanong niya

"Yes!!!!!" Sigaw ng lahat.

****
End of Chapter 14.

Ako din excited! HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Where stories live. Discover now