Chapter 21

612 28 7
                                    

Hi co-A'tins!!! Namiss ko nanaman kayo kaya, Update ulit! Binabasa ko kasi yung outline na ginawa ko for Boy Torpe and nararamdaman ko na ang bawat chapter na magiging mas interesting . hehehe


Anyway, Enjoy!!!

***

JUSTIN'S POV

Nandito kami ngayon sa may reception area ng theater council. Since sinamahan ako ni Ken sa pamimigay ng flyers last time at nangako ako sa mga binigyan namin na siya ang magbebenta, eto kasama ko siya ngayon. Sabi ko naman sa inyo. chick magnet tong si Ken. 

"Kuya~ Excited na ako sa musical niyo po~ kyaaa~" sabi nung isang student na nakakatapos lang bumili ng ticket at mag lista ng name sa registration.


"Nako, wag ka masyado ma-excite, baka mabaliw ka nyan hahahaha" pang aasar ko. tumawa siya na parang kinikilig tapos umalis na siya tapos. Tuloy tuloy lang ang pagbebenta namin.Halos hindi na namin napansin yung oras. Sa kakadaldal ko sa mga bumibili ng ticket,  hindi ko napansin na halos wala nang bente yung hawak kong mga tickets. Wala na ding extra. Nagkatinginan kami ni Ken sa moment na yun. 


"Pre" sabi ni Ken sabay alis sa tabi ko tapos lumabas ng council. Maya maya, bumalik siya tapos tumabi ulit sa akin


"Yare." sambit niya. 


"Bakit?" tanong ko


*blaaaaaaaaaaaag*


"Huy! May relief goods ba dito? Bat parang may pila ng NFA rice sa labas?" tanong ni Kuya Stell tapos pumunta sa harap namin ni Ken. 

Sinilip ko yung labas ng council at nagulat ako sa dami ng tao. Jusko po. Hindi ko inexpect na sobrang daming bibili ng ticket. Sa haba ng pila, parang umabot na ata sa kabilang building yung pila. 


"Bakit ang dami nilaaa~" pagpapanic ko. 


"feel ko kasalanan ko." Sambit naman ni Ken habang nakaturo yung hintuturo niyang daliri sa dibdib niya. 


"Bakit? May ginawa ka bang kasalanan?" tanong naman ni Kuya Stell na napaka-seryoso na ng mukha at halata sa kanya yung concern.


"Sabi mo kasi sa akin Jah, tumulong ako sa pag promote." Sabi naman ni Ken.



nako, yari na talaga." Napa face palm nalang si Kuya Stell. Alam niya kasing chick magnet si Ken since isa siyang inahin na manok. Hindi pa namin nakikita kung anong pinost niya, ramdam na namin kung anong pwedeng mangyari.


 Pag nag popost kasi si Ken, laging trending sa campus since madami ngang nagkakagusto sa kanya. Hindi lang halata kasi matunog ang basketball player kesa sa dancer pero mas madaming nagkakagusto kay Ken kesa kay David dito sa campus. Si David kasi may konting yabang feels kaya syempre, merong mga naiinis sa kanya. Si Ken naman, low-key cool. Alam mo na. 



Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano tong ineexplain ko kasi gulong gulo na yung utak ko. Parang hindi ko kayang makita ang sad faces ng mga tao na nakapila sa labas pag sinabi kong ubos na yung ticket......  MAMAAAAAAA

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Where stories live. Discover now