Chapter 9

696 43 4
                                    

Please dont forget to vote and spread the story mga ka-A'tins!! 

***

SEJUN'S POV

Isang linggo na rin nung nalaman kong nililigawan na ni David si Athena. Inaayos ko ngayon yung gamit ko for my next class. After ng klase ko, babalik nanaman ako sa club para ayusin yung mga details for collaboration sa foundation day. Then makikipagmeet ako kay Elise since siya na yung inassign ni Athena na mag ayos ng program for the club's collab kasi meron daw today si Athena na urgent schedule. Sinusubukan ko nang mag move on para hindi na ako masaktan once na maging si Athena na at David. Mas okay na din na hindi siya yung nakakameeting ko. Atleast, prepared na ako. Iniisip ko nalang, happy crush lang to. Tatlong taong happy crush.

"NASE!" I know that voice. It's Stell. 

"Uy, ano meron at malayo palang e, sinisigaw mo na ang pangalan ko?" 

"Hahaha. Nakalimutan mo na ba? Yung pinangako mo kay Jah? Jusko naman po Nase ha. Ngayon ka pa ba naging makakalimutin?" Stell said. Oo nga pala, Ngayon nga pala yung pinakiusap sa akin ni Jah about sa film nila. 

"Hindi ko nakalimutan. Ano ka ba, marami lang akong ginagawa at inaasikaso. Anong oras ba yun? Tapusin ko muna yung class ko tapos makikipagmeet muna ako sa Secretary ng Dance Troupe Council tapos susunod na ako sa shooting ni Jah." I told him. Naglalakad lakad lang kami ngayon ni Stell dito sa hallway. 

"Oh" tapos may inabot siyang folder, " Oh ayan na Nase ha. Sasabak ka sa gera wala namang bala." 

"ano to?" tanong ko sa kanya ssabay kuha nung folder na inaabot niya.

"Yan yung script pre, alam ko namang matalino ka so alam kong kaya mo yan kahit last minute lang. ikaw pa!" then  he tapped my left shoulder.  I scanned the script. 

"lead actor?" tanong ko kay Stell. "Alam ko, extra lang ako. hahaha" I told Stell. Medyo nagpapanic na ako kasi romance tong short film ni Justin. Hindi ko alam kung kaya ko ba umarte. Mas kinabahan pa ako habang binabasa ko yung script. 

"Ay nako, nagkasakit kasi yung lead actor kaya ikaw nalang. Tsaka ikaw lang naman yung kaclose ni Jah na pwede hatakin ng makakabisado agad yung  script. Kaya mo yan Nase!"

"Kaya kong kabisaduhin yung script Stell pero hindi ko alam kung kaya ko to iexecute. Hahahaha" I said 

JUSTIN'S POV

"Oy! Naayos na ba yung camera? Mga 3:30pm, mag uumpisa na tayo." Sabi ko sa isang kong kagrupo.

Okay, bakit ba ako kinakabahan? Kalma lang tayo De Dios. Kaya mo yan woo para sa project at para kay kuya Paulo!

"Ano na Jah. Ready na ba?" tanong sa akin ni Kuya Josh na pinapanuod mag set up yung mga kagrupo ko sa short flim. 

"Kuya~ Bakit ako kinakabahan? Baka bugbugin tayo ni Kuya Paulo neto sa pinaggagagawa natin." Kabado kong pageexplain kay kuya Josh na para bang napakachill lang niya sa mga desisyon namin sa buhay at hindi mo manlang makita ang bakas ng kaba. 

"Okay lang yan baby Justin. Kesa wala tayong gawin. Alam mo namang napakatorpe ng Sejun na yan." Sagot naman niya sa akin

Nilingon ko si Ken na unbothered pa rin sa kinauupuan niya ngayon at busy parin manuod ng anime. 

"Sana maging okay yung result. Kinumbinse ko pa si Jackson na wag muna siya mag lead ngayon at sa next film nalang. Nagrason nalang ako kahit hindi naman kapani-paniwala nung reason out ko."  Sabi ko kay Kuya

"Okay na Jah! Naka set up na. Let's start in 30 minutes!" Sigaw ng isa kong kagrupo. 

"Okay!"

SEJUN'S POV

Tapos na yung class ko at niresched nalang yung meeting namin ni Elise kasi may kailangan siyang ipick up na materials para sa different event naman ng club nila. So ngayon, nagkakabisado nalang ako ng script sa short film for Justin. Atleast mas mabilis ko ito makakabisado dahil mas mahaba yung time ko mag memorize ng script. Dumaan muna ako sa locker ko dahil doon namin tinabi ni Stell yung dadamitin ko for the shooting. 

Pag bukas ko ng locker ko, may isang pink na papel na nahulog, Pinulot ko to. Nakatupi siya ng napakaayos.Pag bukas ko, nagulat ako sa nabasa ko

"I have your envelope. The poems and a love letter. They're with me. Meet me at the school's lobby sa foundation day." - A.

Oo nga pala. I almost forgot na nawawala nga pala yung envelope ko na puno ng tula. Sino nakapulot ng envelope ko? A? Sino si A? At paano napunta sa kanya yung envelope ko? Nabitawan ko ba yun somewhere? I can't even remember. 

"Nase! Tara na!" Napalingon ako kay Stell na tumatakbo sa hallway papunta sa direction ko. 

"Talagang sinusundo mo ako?" tanong ko 

"Ah oo. Kasi naka set up na yung set. Teka ano yan?" tanong ni Stell sabay turo sa papel na hawak ko.

"Ah wala. I crumpled the paper at nilagay sa bulsa ko. Kinuha ko sa locker yung susuotin kong damit for the shoot at umalis na papunta sa set.

'''

Nakarating na kami sa set at nakaready na lahat ng gagamitin sa film. Buti nalang at nakabisado ko na ang script. 

"Uy pre. Balita ko lead actor ka ah. Nagdala ako ng support group oh." Si Josh na tinuturo si Ken na nanunuod ngayon ng Anime.

"Hahaha oo nga e. Kanina ko lang nalaman na lead na pala yung role ko dito. hahaha" Sabi ko naman kay Josh. 

"Oo nga daw sabi sa akin ni Jah. Nandun siya sa prep room, inaasikaso yung iba pang props. Pogi natin dyan sa damit mo ah. Ano bang first scene mo pre" tanong sa akin ni Josh. 

"First scene?  base kasi sa nabasa ko kanina sa script, its a break up scene. Coffee shop. hahaha. Hindi ko talaga alam pano ko yan iaarte." sabi ko kay Josh

"Nako pre, para saan pang naging theater president ka kung di mo maarte yan? Sure akong kayang kaya mo yan." 

"oh game na!!!" Narinig kong sigaw ng isang kaklase siguro ni Justin. "Ready na ba yung actor and actress natin?" dagdag niya

"Im ready." I said

"I'm ready, too." sagot ng isang babaeng may pamilyar na boses. Paglingon ko, Nakita ko si Athena. 

"Athena?" Tanong ko kay Josh na nasa tabi ko lang.

"uy, ang ganda naman ng lead actress natin. Mukhang nalambing ni Justin ah." Pangaasar ni Josh kay Athena. Nanigas ang paa ko sa kinatatayuan ko. Parang nakalimutan ko lahat ng linya sa script na kinabisado ko kanina. Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil kay Athena o dahil sa kinakabahan lang ako. 

"Hahaha thanks Josh. Oo nga e, nasingit ko lang sa sched ko. Syempre, malakas kayo sa akin." She told Josh

Unti unti akong humarap sa kanya 

"Hi Paulo." She told me

"Hi--Hi Athena." Sagot ko sa kanya

"Pasensya ka na last time, hindi ako nakaattend sa meeting natin. I hope okay naman si Elise." She told me

"Ahh yeah.. yeah, it--- it's okay. No problem"

"So, shall we start?" tanong niya sa akin. Nakita kong inaabot niya yung kamay niya sa akin. 

Hindi ko na alam. nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

****

End of Chapter 9

Okay. kalmahan lang natin. Bakit pati ako kinakabahan para kay Sejun? hahahaha Hope nag enjoy kayo sa update ko!! 

Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Where stories live. Discover now