Chapter 5

816 33 1
                                    

Please don't forget to vote, share and follow my instagram account _moonsandsmiles

***

SEJUN'S POV

Kanina pa ako nakatayo sa harap ng salamin at tinititigan ang sarili ko kung presentable na ba ako. Nakatatlong palit na rin ako ng pantaas. Tatlong polo na yung sinubukan kong sukatin na pwedeng bumagay sa akin. I ended up wearing an orange polo shirt. Nagpagupit pa ako kagabi bago umuwi.


 Gwapo na ba? Bakit ko ba to ginagawa?


Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nag ayos. Magkakaroon kasi ng meeting kami ni Athena. Ang president ng dance troupe club. Yung club kasi niya yung nabunot ko for foundation day collaboration. Kinakabahan na ako kasi first time to na kami lang dalawa. Usually kasi pag nakakasama ko siya, kasama ang other presidents or di kaya pag kasama namin ang mga tropa ko na sina Josh, Justin, Stell and Ken. Never na kami lang dalawa. 


Kalma Paulo. kalma. 


I took my perfume and put a few spray around my body then I put it back on the table. Sinuot ko yung backpack ko tapos tiningnan ulit ang sarili ko sa salamin. Okay. Kaya ko to. 


Let's go Nase!


Lumabas ako ng bahay. Coding yung car ko today so wala akong ibang choice kundi mag commute. LRT ang sinasakyan ko pag ganitong coding ako kasi mas mabilis ang byahe kahit siksikan. Minsan pag swerte, nakakaupo naman ako sa LRT lalo na pag hindi rush hour. 


Nakarating na ako sa LRT station at nag aantay ng tren. Suot suot ko ang earphones ko at nakikinig ng music. Sakto pag dating ng train, wala masyadong tao kaya nakaupo ako. 


Bothered pa rin ako sa nawawalang envelope ko. Ilang araw na din hindi ko makita. Nasasayangan lang ako na yung binuhos kong feelings, mababasura lang. Lahat kasi ng bagay na hindi ko mailabas o masabi, isinusulat ko sila. One hundred poems yun na Naka envelope. 


I have my reasons why I complied it together. hindi ko maalala kung saan ko nabitawan pero ang huling tanda ko, nasa loob lang yung box ko. Pero baka nagkakamali din ako. Sinubukan kong hanapin pero hindi ko talaga makita.


Nagulat ako nang may biglang nag alis ng kanang earphones ko. Pag tingin ko, si Ken. 


"Pogi mo ngayon Sejun ah. Anong meron?" Tanong ni Ken sa akin. Nakita kong may hawak nanaman siyang paper bag ng Ministop. 


"Manok yan no? Hahahahaha" Tanong ko sabay turo sa paper bag na hawak niya 


"Iba ka talaga, pre. Paano mo nahulaan? Hahaha" sagot niya. 


"Pero hindi mo parin sinagot yung tanong ko, anong meron at nakaayos ka?" Tanong ulit ni Ken


Nagdadalawang isip ako if sasabihin ko pero tropa ko naman si Ken e. Tsaka alam naman ng tropa na matagal ko nang nagugustuhan si Athena.


"Do I look different than usual? Halata bang nag ayos ako? Hahaha. Wala naman. Gusto ko lang mag mukhang presentable. May meeting kami ni Athena today. I'll meet her at the coffee shop sa katabi ng school." I answered. I saw Ken's face na parang nang-aasar kaya siniko ko siya. 


"So, May plano ka ba?" Tanong niya sa akin. 


"Plano saan? Sa foundation day? Hindi ko pa naii--" pinutol ni Ken yung sasabihin ko


"Kay Athena." Sambit niya. 


"Bakit?"tanong ko. Tinitigan niya lang ako ng para bang confused. Pati ako confused din sa tanong niya. Iniisip ko na baka tungkol nanaman to sa attempts na panliligaw ko kay Athena noon.


"Wala naman. Pero kung ako sayo pre, gagalaw na ako. Maganda si ate Athena. Ikaw rin, baka mawalan ka ng chance lalo niyan. tsaka ang tagal na rin pre. Tatlong taon" Sagot ni Ken sa tanong ko.  Nagbigla ako kasi ang seryoso ni Ken. 

Huminto na ang LRT sa station na bababaan namin ni Ken. Naglakad kami papa ng station. 


"Pre una na ako ha. Late nanaman ako sa klase na tinuturuan ko ng sayaw eh" sabi ni Ken sa akin habang nagkakamot ng ulo. 


"Sige pre. Una na din ako. Nakakahiya kay Athena pag ako pa yung nalate." Sabi ko kay kay Ken. 


Naghiwalay kami ni Ken at nagtungo na ako agad sa cafe na pagmi-meetingan namin ni Athena. Habang naglalakad, iniisip ko paano ko siya babatiin pagdating niya. Ngingiti ba ako or aantayin ko siyang mauna bumati? 


Kinakabahan ako. Ano ba to? Bago ako pumasok sa pintuan ng cafe, humawak muna ako sa dibdib ko para pakalmahin yung puso ko na kanina pa tumitibok ng napakabilis. Kape pa Paulo. kape pa. 


Kaya ko ito. Kaya ko 'to. 


Pag pasok ko sa loob ng cafe, I scanned the place. Mukhang wala pa si Athena. I looked for a empty spot and doon ako umupo para antayin siya. Tama lang na nauna ako. Nakakahiya naman if babae pa ang mauuna sa akin at mag antay. 

Patingin tingin ako sa relo ko. 10 minutes na dumaan pero wala pa rin siya. 


"Kuya Paulo." Boses ng babae na galing sa likod ko. Agad akong napalingon. 

"Athe--"


"Sorry kuya Paulo. Hindi makakapunta si Athena kasi may kailangan siya gawin ngayon. Biglaan kasi kaya ako muna yung sinabihan niyang pumunta. Humihingi siya ng sorry kasi hindi siya nakapag abiso." 


"Ah. It's-- it's okay." Napatayo ako at inabot yung kamay ko for a shake hands 


"I'm Paulo.. and you are?" Tanong ko. 


"Yes. I know you. Ah! I'm Elise. Secretary ng Dance troupe. Ako pinadala ni Athena kasi wala rin si Lea, yung----"

"VP niyo. Yeah. I know her too." Athena's bestfriend. 


"Ah ayun. So, uhm. Can we start the meeting?" Tanong ni Elise. 


Bigla akong nalungkot. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasalanan ko rin. Nag expect kasi ako na makikita ko siya.

***

End of chapter 5





Boy Torpe (SB19 FANFIC STORY)Where stories live. Discover now