7

627 27 0
                                    

Yoongi's POV

"Oh baka may laway na tumulo ah." Tumawa si Jimin.

"Shut up.." sabi ko na nahihiya.

~

Y/N's POV

*RINGG*

Sa wakas! Makakauwi na rin ako!

Nag unat ako ng aking katawan at humikab. Pinandirian naman ako ng tingin ni Yoonmi at tumawa. "Grabe gurl, ang lakas mo parin humikab." Ngumiti lang ako. "Di ka pa ba sanay? Palagi naman ako inaantok eh." Sabi ko at nag-stretching.

"Halika na nga, uwi na tayo! Nagugutom na rin ako eh." Saad ni Yoonmi. "Palagi ka namang gutom, tumataba ka na nga eh." Sulpot ni Jimin. "Ikaw talaga! Kaya ka nagiging pandak eh! Palagi kang--" bilang natigilan si Yoonmi.

"Palaging ano?" Ngisi ni Jimin.

"Basta! Umalis ka nga sa harap ko!" Agad sinukbit ni Yoonmi ang bag niya.

"Y/N, kain muna tayo sa cafe sa tapat nitong campus natin. I'm craving for cake!" Sabi niya sabay himas sa tiyan niya.

"Yoonmi! P-pwede rin ba ako sumama? I-i mean, kami?" Saad ni Yoongi. "Sure! Pero ilayo mo saakin yang pandak na yan." Inirapan niya si Jimin.

"So ano? Tatayo nalang tayo dito? Halika na!" Sabi ko.

~

Sinamahan ni Jimin si Yoonmi mag-order sa cashier. So kami lang ni Yoongi sa upuan.

... ang awkward, but i decided to kill the silence.

"Bakit wala ka kasama kagabi nung umuwi ka?." Tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya. Inayos naman niya ang salamin niya at ngumiti. "W-wala kasi ako kasabay eh, tsaka si Jimin busy siya kaya ako lang mag-isa." Sabi niya at yumuko ng kaunti. Cute

"Ahh ganon ba? Eh siya lang ba yung kaibigan mo sa campus?." Tanong ko ulit. "Actually, oo. Siya lang yung lumapit saakin nung wala akong kaibigan nung magkaklase kami nang Kinder. Until now." Saad niya at ngumiti.

"Sobrang sakitin ko talaga kasi noon, kahit tumakbo ako ng mabilis, naninikip dibdib ko. Minsan nga may nang-bubully saakin dahil wala daw akong kaibigan at sa kondisyon ko. Umiyak ako noon sa playground habang pinupulot ko yung pagkain ko sa sahig. Pero nagulat ako nung may tumulong saakin mag-pulot, pag-tingin ko si Jimin. Siya lang talaga yung naging kaibigan ko na maaasahan ko." Kwento niya. Ang sweet naman ng pandak na yun. Akala ko pang-lalandi lang ang alam.

"Ganon talaga kayo ka-close noh?" Tumango siya.

"Nako, pag hindi talaga kita nakita kagabi. Malamang tigok ka na nun." Biro ko at tumawa siya. Pota bakit ang cute?

"Alam mo? Bakit hindi nalang tayo sabay umuwi? Tutal medyo malapit lang bahay natin. Kasabay natin sila Jimin and yung kapatid mo." Sabi ko. Nanlaki naman yung mata niya. May mali ba sa sinabi ko?

"Sige! Basta friends na tayo?" Sabi niya na ikinagulat ko. Friends? Sure, why not? Wala naman mali sa kaniya, right?

"Friends." I said and smiled.

~•~
Happiest Birthday to our Mochi,
Park Jimin

We'll always love you! 💜💜💜

 Soft // m.y.g ✔Where stories live. Discover now