8

635 22 3
                                    

A month later~

Y/N's POV

"Hoy! Akin na nga yan!" Sigaw ko habang pilit na kinukuha ang aking notebook kay Yoongi.

"Patingin muna! Parang titignan lang eh." Sabi niya na naka-pout habang mas lalong tinataas ang notebook ko.

"Eh! Kokopyahin mo nanaman yan eh!" Tumingkayad ako para makuha yung math notebook ko pero mas lalo niya itong tinataas. Ang mga tao dito sa park ay nakatingin saming dalawa habang natatawa. Ah basta! Ito ba naman kasing si Yoongi eh!

Buti nalang at kasami namin si Yoonmi at Jimin, na nag-aaway din dahil sa pagkain. Pero hindi sila maingay tulad samin nitong si Yoongi.

"Yoongi! Akin na kasi! Isa!" Sabi ko habang naka-death glare sa kaniya. Pero walang bisa ang pagtitig ko sa kanya ng masama at tinawanan lang ako. Bigla naman tumibok ng mabilis ang puso ko ng sinabi niyang..

"Ang cute mo talaga pag galit ka." Saad niya habang naka ngiti.

Agad ko namang naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Sinabayan naman nitong puso kong tumitibok ng mabilis at malakas. Wtf? B-bakit ako nagkaka-ganito?

"Hoy? Y/N? hoy gumalaw ka naman." Kinurot ako ni Yoongi sa pisngi at mas lalo pa itong pumula. Pota yoongi ani ba ginagawa mo saakin?!.

"Teka, may sakit ka ba? Bakit sobrang mutla ng mukha mo?" Sabi ni Yoonmi at tumungo papunta sakin.

"W-wala toh... akin na nga yan." Sabi ko at kinuha kay Yoongi ang math notebook ko. Agad naman akong umupo at tinakpan ang mukha kong mala kamatis ang kulay.

Hayyy Yoongi, hindi lang ito ang unang beses na ginawa mo akong ganto..

~

Nag-lakad ako patungo sa school. Nagulat ako nang makita ko ang mga tao ay naka-tingin saakin. Wtf is wrong with them? May dumi ba ako sa mukha?

Binalewala ko nalang ang mga iyon at nag-patuloy sa aking pag-lalakad.

Habang papunta sa locker ko, ramdam ko ang pag-tingin ulit saakin ng mga tao. Seriously? Ano ba talaga problema?

Bubuksan ko na sana ang locker ko nang biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"Y/N-AH!!! HALIKA DITO BILIS!" Sigaw ni Yoonmi na parang natataranta. Nanlaki naman ang mata ko at bigla siyang napatigil na hinihingal.

"Hoy Yoonmi, ano ba talaga nangyayari? Tsaka bakit parang hinahabol ka ng sampung dosenang aso? Tsaka bakit pawis na--hmphh!!" Tinakpan niya ang bibig ko at tumawa.

"Hay sis! Dami mong tanong. Sasagutin ko yan, pag-susundan mo ako." Saad nito habang nakangisi. Ano nanamang sumapi sa gagang toh?

"Yoonmi naman, ayoko ngang maki-sama sa mga kalokohan mo! Halika na't baka ma-late na tayo sa klase." Sabi ko at pilit siyang hinili, pero bumitaw siya at sinabing..

"Sige na Unnie! I'm sure you're gonna have fun when you see this!~" Nae-excite niyang sabi. Isa nanaman ba itong prank? Hays bahala na, para matahimik na 'tong babaeng toh.

"Hays, sige na! Basta pag-ito walang kwentang laro, alam mo na mangyayari sayo." I threatened her, making her laugh. "Halika na bilis!" Hinila niya ako at sabay kaming tumakbo.

~

"Y-yoons! B-bakit tayo a-andito?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ngumiti lang siya saakin at binuksan ang pinto ng malawak na gym.

Agad namang bumungad saakin ang maraming tao, hawak hawak ang bulaklakna baby breath, my favorite.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita ko silang pumupunta palapit saakin, at ibinibigay ang bulaklak sakin. Syempre kinuha ko ito at nagpasalamat.

So many questions are on my mind, ano ba itong pakulo na ito?! And wait.... asan si Yoongi?

Hinawakan ako ni Yoonmi sa aking balikat at tinulungan ako sa paglalakad papunta sa harap. Ang daming nag-hihiyawan.

Then, Jimin came out of nowhere holding a blue balloon. My favorite color.

Naglapit ang kilay ko. Napangiti naman ang dalawa at nag-step aside, ganun din sa mga tao sa paligid.

Everything was like a slow motion, dahan-dahan akong napatingin sa gitna. At nadatnan si Yoongi.... with a blue hair?!

Tumingin siya sa aking bilog na mata, at ngumiti.

*dug dug, dug dug*

Palapit siya ng palapit saakin, hawak hawak ang boquet ng baby breaths. He looks so good with blue hair.

Parang walang tao sa paligid, parang kaming dalawa lang. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang lumalapit siya. He stopped infront of me.

"Hi, Y/N." Bati nito saakin, which made me look like a tomato.

"M-may gusto..ehem.. sana akong sabihin." Sabi niya na may pagka-nginig sa boses niya. I just look at him like a lost puppy.

Ito na ba? Is this called.. being inlove?

"May gusto ako sa'yo."

~

 Soft // m.y.g ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang