14

431 17 5
                                    

Y/N's POV

"Wag ka na umiyak. Please." cinomfort ako ni Yoonmi. Pero hindi ko talaga kaya. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.

Andito kami ngayon sa rooftop ng school building namin. Lunch time ngayon at kasama ko si Yoonmi. Dito narin kami kumain dahil wala ako sa mood makakita ng tao ngayon.

"Kamusta kapatid mo? Okay na ba siya?" Tanong ko sa kanya. Ininom niya yung strawberry milk niya habang naka-yuko.

"Galit parin ba siya sakin?" Tanong ko ng paiyak. Tumingin siya saakin at umiling.

"No, never siya naging galit sayo. But, he's diappointed, tho.." Sagot niya. Pinunas ko ang luha ko at ngumiti.

"Tuloy ba talaga yung punta niya sa London?" I asked desperately. Pero hindi siya sumagot. I chuckled.

"Hay nako. Bumaba nalang tayo. Baka ma-late tayo sa next subject." Sabi ko at tumayo.

"Y/N! Sorry talaga! Bakit ba kasi namin 'to ginawa?" Sabi ni Yoonmi. Huh? Anong sorry?

"Hoy, ano 'bang pinagsasabi mo? Halika na-"

"Hindi totoo yung pupunta si kuya sa London. Ginawa lang namin 'yon kase.." Sabi niya habang kinakamot yung ulo niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Yoonmi. Ano?!

"A-ano?! Hindi totoo..?" Sigaw ko.

"Oo, hehe peace. Si kuya may kasalanan ah! Siya kasi eh, sabi niya para malaman kung.. mahal mo siya."

Napanganga ako.

"So, hindi siya pupunta sa London? Hindi siya tutuloy?" Tanong ko. She nodded. Ngumiti ako at tumalon.

"Jusko kayo! Dapat sinabi niyo nalang sakin.. mahal ko rin naman siya eh."

"You're not mad?" Tanong niya.

"Syempre hindi! Ang saya ko nga ngayon eh." Ngayon lang ako naging masigla ng ganito. I feel alive.

"Sigurado ka ah. Baka sabunutan mo ako basta-basta." She pouted

"Oo nga, tara na. Baba na tayo, tsaka tayo pupunta sa kuya mo."

----
Bell rings

Nagmadali akong ligpitin lahat ng gamit ko at hinintay si Yoonmi na ayusin ang sakanya.

"Bilisan mo! Baka wala na 'yon sa hospital. Hindi natin maabutan." Sabi ko sa kanya at nagmadali.

"Actually, wala na si kuya sa hospital. Nasa bahay siya nagpapahinga. Pero pwede rin tayong pumunta 'don. Kung okay lang sayo." Sabi niya at sinukbit ang bag niya.

"Syempre, ayos lang sakin noh! Andon ba ang mommy niyo?" Nagsimula na kaming maglakad. Absent si Jimin dahil nasa house siya ng grandma niya. Inaalagaan niya kasi may sakit.

"Wala sila, nasa office pa siguro. Talking about bussiness." Sabi niya.

"Bilisan mo! Baka naghihintay na 'yon sayo." Sabi ko.

"Atat na atat, girl? Eto na nga." Tumawa ako.

Nakadating na kami sa bahay nila. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito.

Nang makapasok kami, agad-agad naglibot ang mata ko para hanapin si Yoongi. Parang wala dito sa sala.

"Chill, nasa bedroom niya si kuya. Ipupunta kita 'don para magkausap kayo." Hinatak niya ang kamay ko at umakyat kami sa taas. We stopped infront of the light blue colored door. Siguro ito na yung room niya.

"Kakatok ako ah, ready ka na ba?" Tanong niya. Kinakabahan ako pero kaya ko toh. I nodded. She smiled and knocked.

"Kuya, andito na ako. Please open the door, my special guest ka." Ngumiti siya at tumingin sakin. Hinampas ko ang balikat niya ng dahan-dahan.

"Sino? Teka lang." I heard footsteps. Ito na, wag 'kang kabahan, Y/N! Sasabihin mo lang ang nararamdaman mo and you're done.

Unti-unting nagbukas ang pintuan, nakita ko si Yoongi in his blue pajamas with dolphins on it. Nakyutan ako. Magulo ang buhok niya at ang salamin niya. Siguro natulog.

Nakita niya ako at nanlaki bigla ang mata niya, parang nagising ang diwa niya.

"Y-Y/N?! Bakit ka andito?!" Tanong niya, gulat na gulat.

"Hi, Yoongi." Ngumit ako.

~



 Soft // m.y.g ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon