SI CASSIE KA BA?

93 2 1
                                    

Mag-isa akong nag-ccp dito sa kwarto ko. Ang lakas kasi ng ulan at ang lamig pa, edi masarap magmahal este magkulong at magkumot.

Jusko magmahal!? Lamporeber naman!

Ang boring-boring kaya as usual ay inistalk ko nalang 'yong crush ko, si Shaun. Seryoso, 'di buo ang araw ko nang 'di ko nakikita mukha niya kahit sa fb man lang.

Nakita ko active siya! Huwaaaah crush ko active! Ma-harot nga 'to ay este maichat lang hehe. Oo bitter ako pero pakshet nevermind.

                                         Samantha
                                         :Hi, Shaun.

Shaun •Active Now•
:Hi Sam! Musta?

Tae! Ang sigla ha at agad-agad, gano'n na ba 'ko ka-special sa'yo Shaun?

Samantha
:Wow! Ambilis ah? Parang tibok ng puso ko pag kausap ka.


Taena handa akong magpakakorni, makuha lang si Shaunie ko!

Matagal-tagal kong pinagmasdan ang "Typing.." niya, grabe lsm na ba itech? Haba 'te ah, ang haba.

Shaun
:Ay. Naks HAHAHA korni man pero pwede na yiieee.

Ay jusko may pa-yiiee pa siya, 'di niya ba alam na sa simpleng gano'n kinikilig na ako?? Myghad Cassie.

Samantha
:Myghaaaad si Cassie ka ba?? Ha?

Shaun
:Huh? Hindi, bakit?

Samantha
:Pwede bang ikaw nalang yung CASSIEntahan ko?


All out na 'to Sam! Ilabas mo na ang iyong powers!

Shaun
:Woah okay kalang Sam? HAHAHA!

Samantha
:So pede ba yun? Seryoso ako.


Matagal nanaman bago siya magreply. Taena naman bilisan mo huhu pinagpapawisan na 'ko rito!

Hanggang sa nagreply na siya! Ayan na! Yes 'to yes 'to! Please!!

Shaun
:G*go ka ba Sam? Natatawa ako sayo! HAHAHAHAAHA!

Huh? Natawa pa 'tong mokong na 'to! Hayup!

Samantha
:Seryoso kasi ako Shaun. Gusto kita. Oo ako dapat naghihintay pero please?

Shaun
:Baliw! Magpinsan tayo! HAHAHAHA pero salamat sa banat, magagamit ko yon sa nililigawan ko. Salamat Sam!!

'Magpinsan tayo...'
'Magpinsan tayo...'
'Magpinsan tayo...'

Paulit-ulit nagplay sa utak ko 'yong "Magpinsan tayo." Taena oo nga pala. Magpinsan kami.

Huhuhuhu lupa lamunin mo na 'ko!! Ayoko na nga! Lamporeber!

RomCom One Shot StoriesWhere stories live. Discover now