GUSTO KITA

42 2 0
                                    

"Karl.. Karl!" tawag ko sa kanya habang nasa malayo. Si Karl kasi 'yong lalaking pangarap ko noon na ngayon ay... wala, pangarap ko pa rin.

Nakakailang tawag na 'ko sa kanya pero wala pa rin siyang kibo!

Bingi ba 'to? O sadyang bingi talaga? O baka bingi? P*ta, tawagin ko nga ulit!

"KARL! BINGI KA BA?!" Rinig na rinig ang echo ng boses ko sa buong corridor at sa wakas! Napalingon na siya!

"Oh? Ano ba 'yon?" Ngina walang emosyon?

"Wala lang hehe." Kita ko ang pagkairita sa kanyang mukha at naglakad papunta sa'kin. Myghad hala huhu Lord patawad po sa lahat huhuhu.

"Ano ba'ng problema mo ha? May gusto ka ba sa'kin kaya ka nagpapapansin?"

"U-uhh, m-meron. Meron! Sorry na po huhu eh kasi.. matagal na kitang gusto Karl," utal-utal kong paliwanag sa kanya. Taena pinagpapawisan na 'ko! Lumapit pa siya lalo, dahilan ng pag-nginig ng katawan ko.

"Alam mo kasi Sam, gusto rin kita," bulong niya sa tenga ko. Putek namumula 'yong tenga at mga pisngi ko. Ngena totoo ba 'to?!

"T-ta-talaga? G-gusto mo 'ko? 'Di nga?"

"Oo."

Ickkk!!! Gusto niya ako!!!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa tuwa. Tatalon na sana ako nang bigla siyang magsalita muli.

"Gusto kitang ihagis papuntang Mars. Ang harot-harot mo eh." Binatukan niya ako at tuluyan nang umalis sa harapan ko.

T-t*ngina? Iniwan ako rito? Pakyu bente Karl ang sakit! Huhuhu.

RomCom One Shot StoriesWhere stories live. Discover now