WAWA

31 2 2
                                    

"Babe, uy. Sorry na kasi." Tanging iling lang ang ipinakita ni Steph sa'kin.

Takteng 'yan, ayaw nanaman akong pansinin! Kasalanan ko ba kasing 'di siya marunong mag-skateboard kaya siya nadapa?

"Babe naman oh, tuturuan na nga kita eh. Sorry na, I love you," pagpapa-cute ko sa harapan niya kahit nagmumukha na akong bakla.

Hays. Wala pa ring talab!

"Babe? May tanong ako sa'yo."

"Hm?" Ramdam ko pa rin ang inis sa tono ng boses niya.

"'Di mo na 'ko lab?" Tinapat ko ang nguso ko sa kanya na nagsisilbing pagpapa-cute.

"Tumigil ka nga. 'Wag mo 'kong ginaganyan." Hinarap niya nang konti ang mukha niya nang sabihin niya 'yon. Akma na sana siyang tatalikod pero pinigilan ko ito at tumitig sa mata niya.

"Babe, sorry na kasi. Sorry kasi nadapa ka kanina, pero nasalo naman kita 'di ba? Tulad ng pagsalo mo sa puso ko," banat ko sa kanya na siya namang kinakilig niya patago.

"B-bwiset tumigil ka nga!"

"Ayoko nga, 'di kita titigilan. Mahal kita eh." Namula naman siya sa mga sinabi ko.

"Tsk! Ewan ko sa'yo. D'yan ka na nga!" Tatayo na sana siya pero hinila ko siya at kinandong.

"Anak ng pot—" Hinalikan ko siya bago pa man matapos ang sasabihin.

"Shh babe, I love you. Please 'wag ka nang magalit sa'kin."

"Hmm babe.." ungol niya dulot sa sarap ng halik ko sa kanya, "Hays, makakatanggi pa ba 'ko sa halik mo? Oo na," dagdag pa niya.

"Yiiee I love you babe."

"I love you more."

"I love you most."

"I love y—"

"Babe haha tama na baka mainggit siya." Halatang nagtaka si Steph sa sinabi ko.

"Huh? Sinong siya?"

"Siya, ayan oh. 'Yong nagbabasa nito. Baka mainggit sa ka-sweetan natin, walang jowa eh," sabi ko at hinalikan siya muli.

A/N: Mainggit ka lang, wawa walang jowa. HAHAHA!

RomCom One Shot StoriesWhere stories live. Discover now