WALANG BIBITAW

45 2 0
                                    

"Bitawan mo nga 'ko! Ayoko na sa'yo!" sigaw ni Lily sa'kin.

Si Lily ay limang taon ko nang gf pero palagi kaming nag-aaway. Oo, nakakapagod pero mahal ko 'to.

"Ba't ako bibitaw? Ano'ng rason?" seryoso kong tanong.

"B-basta! Do'n ka na sa babae mo!"

"Sino ba?" walang emosyon kong tanong.

"Ewan ko sa'yo!" Pilit siyang pumipiglas sa kamay ko pero mas lalo ko pa itong hinihigpitan sa pagkahawak. Tumingin ako nang deretso sa kanyang mga mata. Fudge, kahit ga'no ako saktan nito, hindi ko siya magawang iwan.

"Love! Ano ba? Umayos ka nga," utos ko habang hawak ang kanyang dalawang balikat.

"Ikaw ang umayos! 'Di mo na 'ko mahal! May iba ka na!" Ramdam ko ang pagtalsik ng laway niya sa mukha ko, parang bulok pa nga ito.

"Walang hiya ka niloloko mo lang ako! Ayoko na! Umalis ka na di—" Hindi ko na siya pinatapos at bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. Okay lang kahit amoy na amoy ko ang buhok niyang tatlong araw nang walang ligo.

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong, "Love, kahit gaano mo'ko ipagtabuyan, hindi iiwan."

Napatigil naman siya sa pagsigaw at may naramdaman akong tumulong luha, "Love 'di ba may sinabi ka? Susundin ko 'yon." Bumitaw ako sa yakap at sinimulang hawakan ang dalawa niyang kamay.

"Ano'ng s-sinabi ko?" taka niyang tanong habang nakatitig sa mata ko. Bigla kong naramdaman ang pagkapawis ng mga kamay namin.

"Na kahit mapasma tayong dalawa, walang bibitaw," sinsero kong sabi habang namamasa-masa na ang kamay.

Hinalikan ko siya sabay bulong, "Love, kahit ga'no kabaho ang bibig mo, ikaw lang hahalikan ko."

"Manahimik ka! Letche."

Natawa na lang ako sa sampal na ginawa niya sa'kin.

Wala eh, mahal ko talaga ang tubol na 'to.

RomCom One Shot StoriesWhere stories live. Discover now