SOON TO BE MINE

62 2 0
                                    

Mag-isa akong nagsusulat ng notes dito sa upuan ko nang masilayan ko si crush na nakatingin sa'kin! Bigla naman siyang tumayo at tumungo rito sa puwesto ko.

"Hi future!" Nagtaka naman ako sa inasta niya. Future? Ano'ng kalokohan 'to?

"A-anong future?" taka kong tanong dito.

"Ayaw mo? Future kita? Soon to be mine?" Aaackk!! Totoo ba ito?! Soon to be his? "By the way, can I court you?" dagdag niya pa.

"R-raid, yes!" excited kong sagot sa kanya. Hindi na dapat pinalalampas 'to 'no!

Umabot siya ng limang buwan sa panliligaw sa'kin at sa wakas ay sinagot ko na siya! Ang saya ko!

Hanggang sa nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

Raid
:We need to talk. Asap.

Kaya dali-dali akong pumunta sa meeting place at doon nasilayang iba ang tingin niya.

"Zai, I'm breaking up with you," walang emosyon niyang sabi. F-f*ck??

"Anong break?! Pa'no 'yong soon to be yours? Ano na lang 'yon? Ha?"

"Oo, soon to be mine. My ex."

'My ex.'
'My ex.'
'My ex.'

Paulit-ulit nagplay sa utak ko ang mga katagang iyon.

P*tang future ex pala 'yon!?

"What the f*ck? G*go!" Iniwan ko siyang mag-isa sa parking lot at tumakbo palayo.

"Limang buwan! Ano'ng trip niya? Siraulo!" sigaw ko sa kalawakan at ipinagpatuloy ang pagtakbo patungong malayo.

Taenang soon to be mine 'yan, ang witty mong g*go ka.

RomCom One Shot StoriesWhere stories live. Discover now