SIGE LANDI

30 2 0
                                    

"Taena ang boring!" sigaw ko habang nasa loob ng classroom. Wala kasing teacher na papasok eh tae ba't pa kami pinapasok amp. May mga nagsitinginan sakin at WALA AKONG PAKE BASTA BORING!

"Manahimik ka nga d'yan. Kung tinatamad ka lang ba't ka pa pumasok?" sambit ni Zed habang nakakunot noo. Emeged si Zed lang naman 'yong crush ko mula pa no'ng elem kami hehehe pero ang sungit.

"Alam mo, aabsent talaga ako kung 'di lang dahil sa'yo! 'Di kasi kita makikita kung umabsent ako. 'Di ba 'di ba??" nagsihiyawan naman mga kaklase kong echepwera. Oh sige kiligin lang kayo good 'yan!

"Wala akong pake."

Ay taena naman netong si crush. Panira!? Pasalamat siya crush ko siya kundi hinulog ko na sa bowl 'to hmp!

"Okay lang, atlis may pake ako sa'yo duh," banat ko muli at nagflip hair. Oh ano Zed?? Akin ka na kase!

Kita kong tumayo si Zed sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin.

Emeged! Aykenat! Bes palapit nang palapit si krass!

"Titigil ka o titigil ka?" Ang lapit na ng mukha niya. Humaygahd ayan na seryoso na siya.

Ikaw kasi Faye eh! Ang landi mo!

"Ba't ako titigil? 'Di ako titigil sa'yo hangga't 'di mo 'ko mamah—"

"Gusto kita Faye," pagputol niya sa sinasabi ko.

T-tae?? G-gusto niya ako?? Maygaaahd totoo ba 'to?!

"H-ha?"

Adik! Ba't ka nautal Faye?!

"Oh? Wala ka bang sasabihin? Ha? Kasalanan mo 'to eh. Ang kulit mo, liligawan na kita," aniya.

Watdapakeneng shete?! Hoy magiging jowa na ba kita Zed??

"S-seryoso ka? Hala seryoso ka ba Zed? Gusto mo na rin ako??"

Pak! Pak! Pak! Kilig na ako!! Hooooooy!

Bigla naman akong nakaramdam ng isang malakas na batok galing sa kanya.

"A-aray! Ba't mo ginawa 'yon?!" sigaw ko habang nakahawak sa batok ko. Tae masakit crush ha!

"Ayan ang landi mo. Asa ka pang liligawan kita, ang kulit-kulit mo. 'Wag ka nang umasa," walang emosyon niyang sabi sa'kin bago tuluyang lumabas ng room.

Tae naman eh huhuhu. Busted na ako! Wala na! Ende nemen mesheket. Ende telege huhuhu ayan landi pa more Faye.

RomCom One Shot StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt