Chapter 27.3

2.6K 39 1
                                    

MARAHANG hinaplos ni Rachel Leigh ang buhok ng asawang nakatulog na sa ibabaw niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi pero hindi niya pa rin napigilan ang mapaluha. Mahal na mahal niya ito. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kung magalit ito sa kanya at iwanan siya. Ayaw man niyang isipin pero patuloy pa rin iyong sumisingit sa utak niya. Natatakot siya.
Naalala niya ang nangyari kina Thaddeus at Elij. Nagkahiwalay ang mga ito dahil lumayo na si Elij para maprotektahan si Thaddeus. Kahit nakausap niya na si Anthony ay may posibilidad pa ring magbago ang isip nito. Natatakot siya na baka mangyari rin iyon sa kanya.
Tinitigan niya ang asawa. Ano kayang gagawin nito kapag nalaman nito ang tungkol sa lihim niya? Mapapatawad ba siya nito? Hahayaan pa rin ba siya nitong manatili sa tabi nito katulad ng ginawa noon ni Thaddeus kay Elij? Ipinikit niya ang mga mata at niyakap ito ng mahigpit. Umaasa ang puso niyang mauunawaan siya nito pero may parte niyon ang natatakot at nangangamba.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Where stories live. Discover now