Chapter 39.2

3.5K 53 1
                                    

AGAD na napatayo si Rachel Leigh mula sa pagkakaupo sa isang couch sa waiting lounge ng Azcarraga Hospital nang makita ang paglapit sa kanya ni Christopher. Tinawagan niya ito kanina at sinabing naririto siya.
“Baby, bakit ka nandito? May nangyari ba sa’yo?” puno ng pag-aalalang tanong nito. “Damn, may sakit ka ba? Hindi na dapat ako pumasok kanina,” sinalat pa nito ang noo niya.
Malawak siyang ngumiti at ikinawit ang mga kamay sa leeg nito. Tinitigan niya ang nag-aalala nitong mukha. “Wala akong sakit,” sabi niya. Ilang sandali siyang nag-alangan bago nagpatuloy. “I-I-I’m pregnant, Christopher. E-Eight weeks,” pagbabalita niya dito ng resulta ng pregnancy test niya kanina.
Para itong natuklaw ng ahas ng mga oras na iyon, nakatigil lang ito ng ilang saglit, tila pilit iniintindi ang sinabi niya. Maya-maya ay narinig niya na ang malakas na pagtawa nito. Binuhat siya nito at ipinaikot. Napatili siya at marahang hinampas ito sa balikat.
Pareho pa silang patuloy sa pagtawa nang maibaba ulit siya nito at tinitigan ng buong pagmamahal. “Magkaka-anak na tayo?” puno ng pagkasabik na tanong nito. “Oh, baby, hindi mo alam kung gaano ako kasaya. Gusto kong sumigaw at magtatalon. Kailangan natin itong ipaalam sa mga magulang natin, siguradong matutuwa sila,” mariin nitong hinagkan ang mga labi niya.
Wala na siyang pakialam kung nasaan man silang lugar at mainit na tinugon ang halik nito. Mahal na mahal niya ito. Gusto niyang pasalamatan ang Diyos dahil sa lahat ng biyayang ito na ibinigay Nito sa kanya… sa kanila.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Where stories live. Discover now