Chapter Twenty One

486 20 9
                                    


Tahimik na naka-upo lang kami ni Karen. Walang nagsasalita at mugto ang mga matang nakatingin lang sa dagat. Pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Des," tawag niya sa akin pero nasa harap pa rin ang tingin, "gusto ko lang sabihin na bilib na bilib ako sa 'yo."

Hindi ako kumibo pero alam niyang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

"Gusto ko rin magpasalamat na sa akin mo ibinahagi ang past mo," dagdag niya pa, "susubukan kong maging pinaka the best na bestfriend mo."

"Hindi nga kita bestfriend," biro ko sa kanya at tumawa nang bahagya. Gusto ko lang pagaanin ang atmosphere. Masyado na kaming madrama.

"Sige special friend na lang," sagot niya.

"Ewan ko sa 'yo Karedad." Natatawa na lang ako sa persistence niya.

"Pero thank you talaga Des sa pagtitiwala sa akin." Nilingon ko siya at nakangiting nakatitig lang siya sa akin.

"Thank you rin for staying at tiyaga mo sa akin," sukling ngiti ko sa kanya.

Ibinalik ko ang tingin sa dagat. I still couldn't believe na mailalabas ko sa ibang tao ang matagal na bigat na nararamdamang dala ko.

Hanga rin ako kay Karen for staying kahit ilang beses ko siyang tinutulak papalayo. I even showed her my worst side. Pero mapilit talaga siya at lapit nang lapit sa akin.

Isang minutong katahimikan nang biglang nag-ring cellphone ko. Nakita kong si Chino ang tumatawag.

"Oh?"

"Des! Nasaan kayo? Nandito na kami sa mall."

"Nasa Bay kami ni Karen."

"Sige, papunta na kami diyan." Binaba niya ang tawag bago ako makasagot.

Kapal talaga ng mukha ng Chinito na 'yon. Hindi niya ba alam na ayaw ng mga babae ang unang binabaan ng tawag? Sabagay, hindi pa kasi nagkaka-girlfriend. Tsk.

Maya-maya pa ay namataan ko na si Chino at Brave na palinga-linga sa paligid. Hinahanap kung saang banda kami naka-upo.

Kahit naka-shorts, plain t-shirts at tsinelas lang sila, ang lakas pa rin ng dating. Halatang mga anak mayaman.

"Des!" tawag niya sa akin nang nakita nila kami. Naka-spread ang dalawang kamay, naghihintay na yakapin. Pero hindi ako lumapit sa kanya.

"Dali na Des!" parang tangang pagmamaktol niya, "yakap na!"

"Ulol!" reklamo ko sa kalokohan niya.

"Ako na lang, Oppa! Hihi," malanding tumakbo si Karen at niyakap si Chino. Napailing na lang ako sa kaabnoyan nilang dalawa.

"Ikaw Des?" tanong pa ni Chino sa akin, "ayaw mong yumakap?"

"They are already waiting for us inside," biglang sabi ni Brave. Naka-bored face lang.

"Sus, selos ka lang diyan eh," bulong ni Chino pero rinig pa rin namin.

"Shut up."

Pinagmasdan ko ang mukha ni Brave. Kaya naiilang na napaiwas siya ng tingin. Namumula ang tenga.

"What are you looking at?!" pagmamaldito niya pa sa akin.

Hindi ko pinansin ang pag-aattitude niya at tinitigan pa rin siya sa mukha. "Wala na ang pasa mo?" Hindi na kasi halata ang pasa sa gilid ng labi niya. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

Hindi siya sumagot at nagsalubong lang ang kilay habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Namumula pa rin ang tenga.

"Hinay-hinay lang sa pag-alala Des, baka may mahulog. Haha," pagtutukso pa ni Chino.

"Ang cute niyong dalawa," panggagatong pa ni Karen.

Kinunutan ko sila ng noo. Ano bang pinagsasabi ng dalawang abnormal na 'to? Hindi ko na lang pinatulan.

Biglang tumalikod si Brave at naglakad papalayo sa amin.

"May regla na naman si Matapang. Haha," pahayag ni Chino at sinundan ang tinatahak ni Brave.

Hindi na namin nakita saan nagtungo si Brave. Pero sabi ni Chino na baka dumeretso na 'yon sa Boutique ni Gareth. Kasi nandoon na rin si Angel. Naglakad na lang kaming tatlo patungo sa Boutique.

"Bakit namumugto ang mga mata niyo?" biglang tanong niya sa amin, "nakagat ba 'yan ng ipis?"

"Ahh nagk--" naputol ang sasabihin ni Karen dahil sumabat ako.

"Kulang lang sa tulog. Ang aga kasi namin nagising kanina." Baka kasi kung ano-ano na ang masasabi ni Karen sa kadaldalan niya kaya ako na lang ang sumagot. Mukhang naniwala naman si Chino kasi tumango lang siya at hindi na nagtanong.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa sinasabi ni Chino na Boutique ni Gareth. Nagtatakang tiningnan ko si Chino dahil mga mamahaling gowns at tuxedos ang mga display na kita sa labas.

"Kay Gareth 'to, Oppa?" tanong ni Karen kay Chino.

"Oo. Gareth is a fashion designer."

"Wow. Ang galing," manghang pahayag ni Karen.

Hindi na ako nagtaka kasi alam kong butterfly si Gareth. Kaya hindi rin palaisipan sa akin bakit magaling na fashion designer siya.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Chino.

"Pumasok na tayo. Naghihintay na sila sa atin." Hindi niya sinagot ang tanong ko at dumeretsong pumasok sa loob. Napasunod na lang kami ni Karen.

Pagkapasok sa loob ay sinalubong kami ng dalawang babaeng naka-uniporme. Mukhang nagtatrabaho sila sa Boutique. Nakangiting bumati sila sa amin. Sinuklian lang namin ng ngiti.

Pinagmasdan ko ang kabuoan ng Boutique. Malaki ito at halatang mamahalin sa klase ng mga gowns na naka-display. Napakaganda ng interior designs at parang babae ang may-ari sa sobrang sosyal ng dating. Nakita ko sa kabilang side na nag-uusap si Chino, Angel at Brave habang namimili ng suits.

Kumaway si Chino sa amin, kaya lumapit kami ni Karen sa kanila.

"Hi Des. Hi Karen." ngiting bati sa amin ni Angel. Nakapambahay na suot din siya pero ang gwapo pa rin.

"Hello," sabay na bati pabalik namin sa kanya.

"Pili na kayo, Des," sabi ni Chino, "sabi ni Gareth pumili kayo ng gown na magugustuhan niyo para suotin bukas."

Sabay kaming nagkatinginan ni Karen dahil sa huling sinabi ni Chino. Wala kaming idea sa sinabi niyang susuotin namin para bukas.

"Teka lang," apila ko, "anong susuotin?"

"Gareth didn't tell you yet?" tanong ni Angel si amin.

Umiling ako sa kanya. "Wala siyang sinabi sa akin. At Hindi rin naman namin kayo nakita ng isang linggo," sagot ko sa kanya. Except siguro kay Brave at Chino. Pero hindi naman kami nagkausap ng matino sa gabing 'yon.

"How about Jeb?" dagdag na tanong ni Angel sa amin, "hindi niya ba sinabi sa inyo na may party bukas?"

Muli kaming umiling.

"Birthday ng Mommy ni Gareth bukas and at the same time, celebration na rin sa 1st anniversary ni Gareth at Jeb," casual na sabi ni Chino.

Hindi ko alam saan ako mawiwindang. Ang party ba bukas na imbitado pala kami o ang alam pala nila na bakla si Gareth. Akala ko pa naman tago ang relasyon nila ni Jeb. Kaloka!

"May trabaho kami bukas," sabi ko sa kanila nang naka-recover ako sa mga nalalaman. Ayaw kong pumunta sa party.

"Na-fixed na ni Jeb ang schedule niyo para sa party bukas," ngiting sabi ni Angel, "choose na kayo ng gowns."

Hindi ko pa rin maproseso ang lahat. Pero umalis na ang tatlong lalaki para sukatin ang mga napiling suits na susuotin bukas.

Pumunta rin si Karen sa mga gowns at nagsisimulang mamili.

Ano bang nangyayari?! Bakit parang wala akong choice? Parang wala nang atrasan kasi bukas na agad ang party. Kaloka!

==========

Hating December [BOOK 1]Where stories live. Discover now