WAKAS

664 17 13
                                    


"Mommy, where are we going?"

Nilingon ko ang tatlong taong gulang na anak kong babae na nakaupo sa backseat habang busy sa kakalaro ng barbie doll niya.

Lahat ata ng phycial features niya ay namana niya sa papa niya. She's so cute and smart. Pero medyo maldita rin minsan. But I love her so much.

"We are going to visit your Grandpa and Tito, baby." Binigyan ko ng matamis na ngiti ang anak.

"Yehey! I'm going to talk to them again. I miss talking to Tito and Grandpa. Will Uncle Agosto and Grandma Feb be there as well, Mommy?"

"No, baby. But we are going to visit them this weekend," sagot ko sa anak.

"Okay, Mommy," sagot nito sa akin at muling naglaro sa barbie doll niya habang kinakausap ito.

"Pati pagiging madaldal, namana niya sa 'yo," natatawang sabi ko kay Tristan na nagmamaneho ng sasakyan.

He chuckled. "I have strong genes, perhaps."

Natatawang inirapan ko na lang ito. "Sana hindi 'yan mag-abogado paglaki kagaya mo."

"What's wrong being a lawyer, Ember?" Nilingon niya ako na may multong ngiti sa labi.

"Masyadong stress ang trabahong 'yan. Nakakabawas ng kagandahan niya," natatawa kong saad sa kanya.

"So I looked stress?" Kunwaring pagtatampo niya habang nakanguso.

"Slight..." sagot ko sa kanya. Kaya mas lalong tumulis ang pagnguso niya. Natawa na lang ako sa kakulitan niya.

"Sus, nagpapalambing ka lang eh," tukso ko pa.

"Give me a kiss para mawala na ang tampo ko," ngising pahayag niya habang diretso ang tingin sa daan.

"Ang daya mo!"

Tumawa siya nang malakas at tinuro ang pisngi niya. "Dali na. Give me a kiss..."

"Nakakahiya. Nandiyan anak mo..." I know na namumula na ang mukha ko.

"Just give Daddy a kiss, Mommy..."

"Thank you, baby." Kita ko na lumawak ang ngisi ni Tristan at kinindatan ang anak. "Give me now a kiss, Ember."

Pinagkakaisahan na talaga nila ako.

"Nakakainis ka, Tristan! Abogado ka nga talaga!"

He chuckled and muling itinuro ang pisngi. "I'm waiting, Ember."

Binasa ko muna ang labi bago inilapit ang mukha para halikan siya sa pisngi. Nang malapit nang lumapat ang labi ko sa pisngi niya ay bigla siyang lumingon sa akin kaya sa lips ko siya nahalikan.

"Tristan!" Hinampas ko siya sa braso. Pero tinawanan niya lang ako.

"Buo na ang araw ko..."

"Kainis ka talaga kahit kailan!.."

"Haha. I love you..."

"Hmph! Ewan ko sa 'yo..."

"Haha. We're already here, Ember. Pero 'I love you too' ko muna bago tayo bumaba..."

"Umaabuso ka na ha! Ginagamit mo pagiging abogado mo sa akin!"

"Haha. Come on, Ember. Joleigh and I are waiting for your 'I love you too'..."

"Wala talaga akong laban sa 'yo. O siya sige na, I love both of you..."

"I love you too, Mommy!"

Napapangiti na lang ako na bumaba sa sasakyan. Kinuha ko ang dalawang vases ng bulaklak habang bitbit ni Tristan ang plastic na may kandila, mga pagkain at kumot.

Hating December [BOOK 1]Where stories live. Discover now