Chapter Twenty Four

483 22 9
                                    


Nasa banyo pa rin kaming dalawa ni Karen habang inaayos ang sarili. Tumatawa siya at ginagaya niya pa kung paano ko pinakain ng alikabok si Stacy at Chastity.

"Grabe ang mga linyahan mo d'on, Des. Lakas maka-kontrabida. Natural beauty ba naman ang panlaban. Haha," pahayag pa niya.

Tumawa na lang ako sa pinaggagawa niya. "Actually, maganda naman 'yong dalawang 'yon. Mas maganda pa nga siguro sa akin. Pero never ever let them feel na nagagandahan ka sa kanila," payo ko sa Bruha.

"Bakit naman, Des?"

"Para ma-question nila ang sarili nila kung maganda ba talaga sila. Then mawawala self confidence nila at magsisimula na silang maging insecure," dagdag ko pa.

"Ganoon ba 'yon? Sige susubukan ko," excited niyang sabi.

"Pero huwag kang mag-English ha?" banta ko sa kanya.

"Bakit naman Des?"

"Limang English words lang ang baon mo. Mauubusan ka. Haha."

"Oo nga no. Sige-sige, hindi na lang ako magsasalita. Hehe."

Tumawa na lang ako sa mga kalokohan namin. Pero sa totoo lang, natatakot ako kung ano pa ang pwedeng mangyari sa gabing 'to. Hindi pa nga kami nag-iisang oras, may ganoong eksena na.

"Prepare yourself, Karen. Napasali tayo sa contest nang hindi natin alam," seryosong sabi ko kanya.

"Contest? Anong contest, Des?"

"Beauty contest."

"Beauty contest?" takang tanong niya.

"Oo. Maraming judgers dito. Para na rin tayong sumali sa beauty contest. Kaya dapat taas noo ka lang at lumaban ka."

"Hala kinakabahan ako," sabi niya pa.

"Dapat ka talagang kabahan," seryosong sabi ko sa kanya, "kasi may criteria for judging. Fifty percent for beauty. Wala ka niyan."

Kinakabahan pa rin ang mukha ng Bruha.

Sarap tumawa nang malakas.

Niloloko ko lang naman siya. Pero parang paniwalang-paniwala siya sa pinagsasabi ko. Natatawang napailing na lang ako at nag-apply ng red lipstick.

"Tara na."

**********

Pagkabalik namin sa table ay nandoon na rin si Chino, Angel at Gareth. Tumatawang nag-uusap sila kaya hindi nila namalayang nakalapit na pala kami ni Karen.

"Hi Des. Hi Karen!" bati ni Chino sa amin.

"Hello," balik na bati namin sa kanila at umupo.

Nagbatian rin kami nila Angel at Gareth. Pinuri pa kami ni Gareth kong gaano raw kabagay sa amin ang gowns na gawa niya. Hinayaan ko na lang ang pambobola niya.
Umalis din siya agad para abangan si Jeb sa labas dahil malapit na raw itong dumating.

Iba talaga ang kamandag ni Ate Jeb mo. China oil talaga may love life. Lol.

"You look beautiful, Des." Napatigil ang lahat sa sinabi ni Angel. Kita ko kung paano nabura ang ngiti sa mukha ni Chastity.

Hmm. Lihim na napangisi ako sa naisip na kalokohan.

Hinarap ko si Angel at binigyan siya ng napakatamis na ngiti. Napakagat siya sa labi at medyo namumula ang tenga.

Hindi na ito nakasalamin at naka-brush up ang buhok. Medyo badboy ang dating niya sa porma niya ngayon. Parang maginoo pero medyo bastos na pormahan. Ganun.

Hating December [BOOK 1]Where stories live. Discover now