Chapter 1

1.2K 20 0
                                    

Nagtatrabaho ako bilang Graphic Designer sa isang advertising company. Bata palang ako, alam kong (bukod sa babae) nasa sining na talaga ang puso ko. Kaya kahit sinabi noon ni Mama na magiging magta-tatak lang ako ng t-shirts, I still pursued my passion and took up Fine Arts.

Pumukaw ng atensyon ko ang matabang babaeng naka-pustura kasama ng Head Artist namin na si Miss D.

"Guys, this is Madilyn and she's new." anito.

Nag-Hi kaming lahat sa ipinakilala ni Miss D at ngumiti naman yung Madilyn bilang pagbating pabalik.

"That's your working table right there." turo ni Miss D sakanya.

Ibabalik ko na sana ang buong atensyon ko sa tinatrabaho kong design ng bigla akong tawagin ni Miss D.

"Lee, paki-assist naman yung laptop ni Madilyn tapos gawan mo na din siya ng Skype." utos niya sa'kin bago tuluyang pumasok ng office niya.

Katabi lang ng table ko ang magiging table ni Madilyn kaya binuksan ko na ang laptop niya.

"Ay, nag u-update pa. Wait mo nalang." sabi ko.

Ngumiti siya "Sige, thank you erm. . . Lee right?"

"Oo. Madilyn?" banggit ko sa pangalan niya, kung tama ba ang pagkarinig ko kay Miss D kanina.

Tumango siya "Madz nalang."

BOOTYFULWhere stories live. Discover now