chapter 5

433 5 0
                                    

Hindi ko alam, pero dahil sa sinabi niyang 'yon ay na-curious tuloy ako kung ano ang pakiramdam ng mga yakap niyang iyon?

Matapos namin kumain ay nagkayayaan naman sa videoke lounge. Nangunguna si Madz sa mikropono kaya na-excite akong marinig ang tinig niya, sabi kasi ng iba karamihang matataba magaling kumanta.

"In your heeead! In your he-yeah-head! Zo-hom-beh! Zo-hom-beh! Zo-hom-beh-eh-eh!" si Madz na kumakanta ng Zombie by Cranberries.

Napailing nalang ako dahil hindi ko inaasahan ang sintunadong pagkanta niya, pero sa kabila nito ay masaya padin siyang kumanta at nagbigay saya sa grupo. Kahanga-hanga talaga ang pangmalakasan niyang confidence.

Kakaiba talaga siyang babae.

* * *

Isang gabi ay may pina-rush pang mga layouts si Ms. D kung kaya late na kaming nakauwi.

Naglalakad na kami patungo sa sakayan, kahit halata ko ang pagod sa mga mata ni Madz ay masaya padin itong nagkukwento tungkol sa sarili niya, sa buhay niya. Totoong-totoo lang siya, walang tinatago. Hindi natatakot sa kung anong isipin sakanya ng mga tao.

"At ang sabi ba naman ng walangya sakin "Sorry, ayoko sa mataba." Ang kapal! Tapos nakita ko ngayon sa facebook, yung saksakan ng sexy niyang jowa eh mataba na din ngayon!"

Sabay kaming natawa sa kwento niyang iyon tungkol sa ex boyfriend niya nung highschool.

Mga tawanan na hindi ko namalayang tinititigan ko na pala si Madz. Napahinto siya sa pagtawa ng mapansin ang malalim kong mga tingin sakanya.

"Uy? Anyare sa'yo?" sabay pitik ng daliri sa mukha ko.

"H-ha?" Agad kong inalis ang mga mata ko sakanya at tumingin sa iba.

Sakto naman nahagip ng mata ko ang isang bukas na convinient store. "Coffee?" Agad naman niyang pinaunlakan ang imbitasyon kong mag kape.

"Uy thank you dito ah." ani Madz matapos humigop ng kape na libre ko sakanya.

"Wala yan. Nakakahiya nga hindi manlang Starbucks." sabi ko.

"Coño lang?"

Tawanan.

"So kelan ka pa naging Lesbian?"

Hindi na ako nagulat sa tanong ni Madz, madalas na kasing tinatanong sa'kin yon noon pa man. Pero imbis na sagutin ko siya ay mas pinili kong biruin siya.

"Ikaw? Kelan ka pa naging mataba?"

"Ay ang samaaa. Uwi na nga ako." aktong tatayo na siya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Biro lang! Dito ka muna." natatawang pigil ko sakanya.

BOOTYFULWhere stories live. Discover now