chapter 6

391 8 0
                                    

Muli siyang umupo at humalukipkip "Bakit kasi ang bully mo?"

"Luh? Ngayon nga lang kita biniro samantalang sina Crisa at Sally wagas kung mang-asar sa'yo pero 'di ka nagagalit sakanila."

Bigla akong napa-isip at napatingin ng diretso sakanya "Bakit nga ba? Hindi ka manlang ba nasasaktan kapag ginagawa nilang joke yung size mo?" seryosong tanong ko.

Ngumiti si Madz pero nahalata ko ang seryoso niyang mga mata.

"Syempre nasasaktan, pero ikakapayat ko ba 'yon kung lagi akong magre-react sa mga sinasabi nila? Hindi naman diba."

Sumunod ang isang malalim na buntong hininga.

"Kasalanan ko din naman kung bakit ako ganito, ang sarap kumain eh. Di ko kinontrol yung sarili ko. Kaya dapat lang na handa din ako sa panlalait nila."

Pilit ang mga ngiti ni Madz habang nagsasalita, hindi ko tuloy mapigilang makonsensya sa mga kaklase kong matataba noon na palagi kong inaalaska at pinagtatawanan.

"I'm sorry." nasabi ko nalang.

"Ha? For what?"

"For asking that stupid question." sabi ko.

"Ano ka ba, okay lang."

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Naramdaman ko ang mga maliliit na kuryenteng kumikiliti sa damdamin kong hindi maintindihan.

"I like you, no matter what shape or size you have. I admire you for who you are."

Muli kong naibalik ang tunay na ngiti sa kanyang mga mata. Nagpumilit akong ihatid siya sa kaniyang bahay ng gabing 'yon.

Simula nun ay palihim ko na siyang china-chat sa work. Palihim kaming nagpapalitan ng mga tinginan at ngiti. Araw-araw ay mas lalong gumaganda si Madz sa paningin ko. Hanggang sa isang gabi ay niyaya ko na siyang mag-dinner sa lugar ko.

"Hey pasensya na ha, medyo magulo dito." sabi ko habang hinahawi ang mga balat ng chips at lata ng softdrinks na nakakalat sa lamesita at sahig ng maliit kong apartment.

Ngumiti lang si Madz "Ang cute ng apartment mo, muntik na akong 'di magkasya." aniya.

"Dito nga nagkasya ka eh." sabay turo ko sa puso ko.

"Psh, bola! Ay! Ako pala yun hehe." sabay lait sa sarili.

BOOTYFULWhere stories live. Discover now