Chapter 4

477 10 0
                                    

"Maganda ka naman Madz." papuri nito.

"Hulaan ko! Kapag pumayat ako 'no!" dugtong na ni Madz bago pa manggaling sa iba.

Nagtawanan ang lahat, except me.

"Kahit hindi ka pumayat, maganda ka parin naman." wika ko.

"Wag ka nga Leonora! Tumaba nga lang ako ng konti inaasar mo na bilbil ko!" pambubuking sa'kin ni Sally.

"Leonora?" tanong ni Madz ng nakangiti.

"Yep, that's me." sagot ko nalang.

Nagtawanan ang lahat sa napaka-classic kong pangalan.

"Maganda naman yung Leonora ah?" dipensa ni Madz.

"Oo sa kabaligtaran." sarkastikong sabi ni Sally sabay iling.

"Seryoso nga." pilit ni Madz habang nakatingin sa'kin na parang kinukumbinse pa ako.

Napangiti nalang din ako "Seryoso din ako." sabi ko.

"Ha? Saan?" naguguluhan na tanong ni Madz.

"Na maganda ka." pagbalik ko ng topic sakanya.

"Ayyiieee! Ayun naman eh!" pang-aalaska ni Crisa na narinig pala ang sinabi ko.

Halata kong namula ang pisngi ni Madz pero mas pinili niya padin idaan sa biro ang sinabi ko.

"Naku! Yupi ka sa'kin 'no!" sabay tawa.

BOOTYFULWhere stories live. Discover now