chapter 9 warning spg🤣🤣

578 4 0
                                    

Makalipas ang tatlong oras ay natapos ko din ang litrato ni Madz, pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at madahan kong inilapag ang Sketch Pad at lapis para hindi niya marinig. Nilapitan ko siya na nakapiring padin, dahan-dahan akong yumuko sa harapan niya. Pinigilan kong huminga dahil ilang pulgada nalang ang layo ng mukha naming dalawa, siguradong mararamdaman niya ang paghinga ko pag nagkataon.

"Gosh, nangangawit na ulit ako." pagsasalita niyang ikinagulat ko. Buti na lamang at nakontrol ko ang sariling mapaigtad lang ng kaunti.

Nakatitig na ako sa labi niyang tila ba naghihintay na mahalikan ko. "Lee?" at matapos niyang sambitin ang pangalan ko ay tuluyan ko na nga itong tinaniman ng halik. Naramdaman kong nabigla siya ngunit hindi siya nagprotesta sa pagdampi ng aking mga labi, bagkus ay ginantihan niya ako ng malambing na halik. Hindi nagtagal ay naging mapupusok na ang pagpapalitan namin ng mga halik. Tatanggalin na dapat niya ang kanyang blindfold pero pinigilan ko siya. Pumatong ako sakanyang kahubaran at sabik na sabik na sinalat ang mga kurba sa kanyang bewang, pababa ng nakakagigil niyang malaman at bilugang mga hita. Pinadapa ko siya at sumambulat sa'kin ang pwet niyang malaman. Dumadagundong ang mundo ko sa tuwing pinapalo ko siya sa pwet, nakakabaliw ang bawat pag-alog nito na mas lalong nagpapagising ng libido ko.

"Shit! You're so bootyful!" naibubulas ko nalang habang nilalamutak ang dalawang pisngi ng pwet niya.

Hindi malaman ni Madz kung mahihiya o matatawa. "Seryoso ka ba?" Hindi ko siya sinagot, instead I kissed her butt cheeks at saka sinimulan na ang paggawa ng milagro.

BOOTYFULWhere stories live. Discover now