chapter 8

371 5 0
                                    

Magkahalong excitement at kaba.

"Okay, game." narinig ko ng sabi niya kalakip ang isang malalim na hinga.

Umikot na ako paharap kung nasaan siya. Nakita ko ang malusog na kahubaran ni Madz na nakahigang patagilid sa aking kama. Hindi ko tuloy maiwasang mapa-mura sa isip ko *Shit, sana ako nalang yung kama!*

"Lee?" sambit niya sa pangalan ko na gumising sa aking pagpapantasya. Tumikhim ako, "Uhm, medyo i-tilt mo ng konti yung head mo." sabi ko nalang. Mabuti na lamang pala at naka-piring siya dahil kung hindi ay makikita niya ang pakikipagbuno ko sa pagkasabik ko sakanya.

Nagsimula ko ng iguhit si Madz, mula sa maganda niyang mukha, na kahit ilong, labi at pisngi lang ang kita ko gawa ng kanyang piring ay nagbibigay padin sa'kin ito ng ligaya. Ang labi niyang palagi kong tinititigan kapag nagsasalita siya. Ang natural na alon-alon niyang buhok, mala-bida sa teleserye ang datingan. Palipat-lipat ang tingin ko kay Madz at sa Sketch Pad hanggang sa nakarating na ako sa parte ng malulusog at makinis niyang dibdib.

Napalunok ako ng laway, sabay punas ng pawis sa noo bago ko sinimulang iguhit ang kabuuan ng kanyang katawan. Sinundan ng lapis ko ang bawat kurba niyang kung maaari lang ay gusto ko ng lakbayin at mahagkan.

"Ahm. . . pwede gumalaw saglit? Nakakangawit pala 'to." sabay hagikgik ni Madz na mas lalong nagpa-adorable sakanya.

"S-Sure. Mag water break muna tayo." Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nagkumot na muna si Madz at inalis ang blindfold.

Pagbalik ko ay aktong aabutin na dapat niya ang Sketch Pad, mabuti na lamang at napigilan ko siya.

"No! Hindi pa tapos." sabi ko.

Nakangiti lang siya "Oops, sorry muntik ko ng basagin ang element of surprise."

Nagtawanan kami.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik na ulit siya sa kanina niyang posisyon. Ang sarap niyang titigan, lalo na ang malaki niyang hita na iginuguhit ko na ngayon. Tagaktak ang pawis ko kahit nakatutok naman sa'kin yung electric fan.

BOOTYFULWhere stories live. Discover now