Lover

161 8 3
                                    

Makalipas ang ilang araw, pupunta na si Jenjie sa office ng DFA. Habang naghihintay sa MRT station sa Cubao, imemessage niya si Lalisa na nagsabing sasamahan siya.

Jenjie: Huy bilisan mo!! Mahaba pila dun. Nasan ka na ba?

Lalisa: Malapit na! Kakalabas ng farmers. Eto na.

Jenjie: May card ka ba or bibili ko ng ticket mo?

Lalisa: May card ako pero pabili ng isang ticket.

Magtataka si Jenjie. Iisipin niya na baka wala lang load yung beep card ni Lalisa kaya bibili to ng ticket. Habang nakapila siya ay saktong darating si Lalisa.

Kasama nito si Irene.

Lalisa: Hey. Sorry, natraffic kami ng konti. Magkano ba?

Jenjie: It's okay, ako na.

self to Jenjie: Bakit parang disappointed ka na kasama si Irene.

Jenjie to self: I'm just surprised, not disappointed. Sssshhhhhh.

Lilipas ang araw ng hindi namamalayan ni Jenjie. Kahit nung nagdidinner silang tatlo ay kay Irene nakafocus si Lalisa. Kinakausap siya ng dalawa pero nagmukha lang talaga siyang third wheel sa date nila Lalisa at Irene.

Hindi naman niya magawang magalit dahil nakikita niya ang saya ni Lalisa. At dahil dun, okay na rin siya. Okay na rin siya. Okay na rin siya. Isa pa para sure. Okay na rin siya.

Hindi lang ngayong araw kundi sa lahat ng mga susunod na gala nila ay lagi ng kasama si Irene. Isang beses ay mag-oovernight dapat si Lalisa sa kanila at nagulat si Jenjie dahil hindi kasama si Irene.

Ngunit nung sumapit ang gabi...

Lalisa: Jenjie, uwi na lang ako ha. Bukas na lang ako mag-oovernight.

Jenjie: Ha? Bakit naman?

Lalisa: Magbrebreakfast kasi kami ni Irene kasama family niya e. Biglaan lang din, nagyaya si tita kanina lang. Hindi naman ako makatanggi.

Jenjie: Ohhh... I guess wala kang choice. Kahit gumising ka ng sobrang aga, malayo masyado yung bahay nila.

Lalisa: Yeah. Sorry ha. Gusto mo iwan ko yung laptop at external?

Jenjie: Hindi na. Bukas na lang. Mas masaya manood pag may kasama.

Aalis na si Lalisa at medyo disappointed si Jenjie. Kinabukasan ay hindi rin makakabalik si Lalisa dahil may kelangan naman siyang ayusin sa bahay. Hindi na sila makapagkita ng maayos ngayon at medyo naiinis si Jenjie.

Hindi naman sa sinisisi ni Jenjie ang pagiging magjowa ni Irene at Lalisa pero parang ganun na nga. Kung gusto niyang makita si Lalisa ay sasama siya sa date ng dalawa or aayain niya yung dalawa.

Kaya naman ng dumating na ang araw ng uwi nila Jihyo ay hindi na nagsabi si Jenjie kay Lalisa. 9 pa lang ng umaga ay nakatambay na siya sa airport kahit 11 pa ang dating ni Jihyo. Habang nakaupo siya sa Jollibee at kumakain ng Big Breakfast ay biglang magtetext si Lalisa.

Lalisa: Yow yow yow! San ka? Gala tayo.

Jenjie: Sorry. Busy ako today. Next time na lang. :)

Lalisa: Ohhh... Sayang naman. Wala ko magawa ngayon e. Nasa korean embassy sila Irene tapos hanggang hapon na sila dun.

Jenjie: Bawal ka sumama?

Lalisa: Oo daw. Hilata lang ako sa bahay.

Jenjie: Si Jillian kulitin mo. :P

Lalisa: Minessage ko na rin. Hindi pa nagrereply o kahit seen man lang. Feeling ko napuyat na naman kakalaro sa phone.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now