Chapter 124: Assistants

101 9 6
                                    

Rows: WHAT?!! MAAM, SERYOSO BA KAYO?
Principal Irene: Pwede ka ba maghandle ng demonstrations sa mga freshmen students? And yes, I'm serious. Pagsasabayin natin yung laboratory noong dalawang sections tapos tutulong ka sa pagluluto.
Rows: BAKIT PO AKO?
Principal Irene: Iha, akala ko ba nacure mo na yung pagsigaw mo.
Jisu: Nagulat po kasi siya maam. She was expecting a more hands-off role.
Principal Irene: Well, Miss Roseanne, ikaw ang pinakamagaling sa batch niyo. Kung mas mataas nga lang sana yung ibang subjects mo, then nasa top ka rin ng batch.
Rows: Hindi ko po kasalanan yun maam. Wala pa rin pong sense na may math at world history kung magluluto lang ako. Bakit kailangan ko po malaman ang pagbagsak ng Roman Empire at angles ng right triangle kung magmamasa lang po ako ng pandesal at maggrigrill ng steak balang araw?


Mapapaface-palm na lang si Principal Irene dahil seryoso ang pagkakatanong ni Rows. Magsosorry si Jisu at pag-uusapan nila ang magiging duties naman ni Jisu.

Pinuntahan ni Principal Irene ang bawat student na nagvolunteer para ibigay ang kanilang mga teaching assignments/duties. Natapos na niyang kausapin ang halos lahat. Kailangan na lang niyang puntahan si Jenjie na matatapos ang klase mamayang 5 PM.


4:30 PM, sa CR malapit sa classroom ni Jenjie.

Nasa cubicle si Principal Irene at kasalukuyang nagmumuni-muni ng bumukas ang pinto at may marinig siyang pamilyar na boses.

Jenjie: I know you told me not to call but I'm just worried, okay?
...
Jenjie: Well, did you remember anything? How's your therapy going?
...
Jenjie: Sorry. I forgot that it's 3 AM there. I really miss you, Jieun. Hello? Jieun, hello? Tsk...


Bubuksan ni Jenjie ang gripo at maghihilamos. Magugulat siya ng biglang bumukas ang isang cubicle at lumabas si Principal Irene.

Jenjie: Maam. Hello po.
Principal Irene: Tapos na ba yung class mo, iha? I was waiting for you.
Jenjie: Tapos na po maam.
Principal Irene: Ididiscuss ko lang yung mga duties mo as an assistant.

Lalabas ang dalawa ng banyo. After 2 minutes ay bubukas ulit ang isa pang cubicle at lalabas si Lalisa. Maghuhugas siya ng kamay at haharap sa salamin.

Lalisa to self: Kaya mo yan, Lalisa. Just show Nini how much you care for her. You can help her through this. Kaya mo yan.


Sa Principal's Office.

Pagkatapos ayusin ang schedule ni Jenjie at iassign to na mag-assist sa ilang subjects ng first year ECE students, magpapaalam na ito at lalabas na sana si Jenjie.

Principal Irene: Jenjie? If I may ask. Regarding Jieun's condition. Kumusta na siya?
Jenjie: She's... Sabi po ng mga doctors pagdating ko dun last year ay it would take a year daw for her to walk again.
Principal Irene: It's been more than a year na. Can she walk?
Jenjie: She's already dancing. She has superhealing, maam.
Principal Irene: Superhealing?


Mapapangiti si Jenjie. Mararamdaman niyang tatagal pa ang pag-uusap na to kaya't uupo siya ulit.

Jenjie: Her body somehow heals very fast. When she woke up from the coma, they had to operate immediately. There was a high chance na maging gulay siya. I mean, uhmmm... mentally handicapped. But she was too special, I think. Her brain functions were normal. Yung memory lang po talaga.
Principal Irene: And how's her amnesia? Is it permanent?
Jenjie: That's the one thing that her superhealing seems to be having trouble with. She recognizes some things as part of her past. She recognizes Mina although she doesn't remember her completely. The doctors said that there's a part of her brain that has a scar. But they don't know if the amnesia is permanent.
Principal Irene: And you? Does she recognize you?
Jenjie: No... Not yet maam. She doesn't remember the school or anyone in it.
Principal Irene: I'm sorry to hear that, Jenjie.
Jenjie: It's okay, maam.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now