Good Day

143 8 20
                                    

Biglang magigising si Jenjie dahil may bagay na tumutulak sa kanyang dibdib. Pagkapunas niya ng kanyang mata ay una niyang makikita ang tuktok ng ulo ni IU.

Nakadikit ito sa kanyang dibdib at parang maliit na aso na pilit sumisiksik sa kanya upang matulog.

Hawak ni IU sa pagitan ng dalawang kamay niya ang isang kamay ni Jenjie. Ang kabilang braso ni Jenjie ay nakayakap sa first year na parang nanginginig.

IU: Hindi nga ako... Wala akong ginawa...

Bumubulong si IU ng mahina at ngayon lang mapapansin ni Jenjie na para bang umiiyak ito.

IU: Bakit ba laging ako?

Jenjie: Jieun, gising na. Binabangungot ka.

Dahan-dahang hahaplusin ni Jenjie ang buhok at likod ng ulo ni IU. Ngunit imbes na magising ito ay lalo lang lalapit kay Jenjie. Titingala si IU at magugulat si Jenjie dahil halos magtama ang noo ni IU at ang labi niya.

Nakapikit pa rin ito. Nakapikit at umiiyak. Tutuyuin ni Jenjie ang mga luha ni Jieun at magugulat siya dahil biglang didilat ito.

Jieun to self: Ate... Kahit ba sa panag-inip ko, ikaw magliligtas sakin?

Walang magagawa si Jenjie ng pumikit ulit si IU at dahan-dahan siyang halikan sa labi. Pagkatapos ay hihiga ito sa kanyang braso at pawang tulog lang ulit. Pero hihinto na ang panginginig at pag-iyak ni IU.

Jenjie to self: What? Wait... Was she awake?

Hahaplusin lang ni Jenjie ang ulo ni IU. At bago pa nya mamalayan ay makakatulog na rin siyang muli.


Bigla na lang silang magigising pareho ng may kumatok sa pinto ni Jenjie. Ng makita ni IU ang pwesto niya ay agad siyang rorolyo palayo.

IU: Sorry! Kasi... Ano. M-malikot ako matulog e.

Jenjie: Sobra. Nanghahalik ka nga e.

IU: HA??? ATE!!!

Jenjie: Wala. Maligo ka na. Magbrebreakfast tayo. At magtoothbrush ka. Amoy coffee jelly yung hininga mo e.

Pagkapasok ni IU sa banyo ay saka bubuksan ni Jenjie ang pinto. Ang sasalubong sa kanya ay si Kai na bihis na at biglang manlalaki ang mata. Tatalikod bigla si Kai.

Kai: Uhmm.... B-b-butones po. Yung pang-itaas mo Jenjie. Uhmmm...

Pagtingin ni Jenjie sa suot niya ay naunbutton pala ang top 2 buttons nito. At dahil nasa kwarto lang siya at walang bra, imagine niyo na lang.

Jenjie: Good morning Kai. What can I do for you?

Kai: Pinapunta ko ni Lalisa para itanong kung paano daw natin icocover yung events ngayon. May cameras din kasi kami galing kay Ate Nayeon. Sabi nila Sir Simon, sayo daw kami lumapit.

Jenjie: Oh... Oo nga. Come in. Kunin ko yung schedule ng field trip.

Pagpasok ni Kai ay mapapansin niya ang estado ng kama at na may naliligo sa banyo.

Kai: Whose the lucky roommate?

Jenjie: None of your business.

Titignan ni Jenjie ang schedule at habang nag-iisip ay may maririnig siyang tunog sa may pinto. Isang pamilyar na pag-ubo.

Jenjie: Kai, tell her that she can come inside. Official business naman.

Kai: Jenjie, I don't get it. Magkaaway ba kayo?

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now