8

210 2 0
                                    

🌹Tyrontroy

marahas akong kinaladkad ni ty papalabas ng bar at itinulak papasok sa loob ng kanyang sasakyan.
"aray! ano bang problema mo!?"

"pwede ba y/n! may asawa kana for fuck's sake!"
Nagsimula na siyang magmaneho habang patuloy pa rin kaming dalawa sa pagbabangayan.
"eh bakit? sino bang may sabing gusto kong makasal sayo? kung hindi jan sa pamimilit mo edi sana masaya ako kasama ang taong mahal ko!"

"hindi mo man lang ba naisip na kaya kita pinilit na mapakasalan ay dahil ganun kita kamahal?"
natigilan ako sa tanong niya. nang mapansin kong nasa tapat na ako ng bahay namin ay mabilis akong lumabas ng kotse at padabog na nagmartsa papasok sa loob ng bahay habang ngumangawa.

"ang sabihin mo makasarili ka! pinilit mo ko para mas mapalawak yang kompanya mo!"
"baka nakakalimutan mo kung sino ako? I can run my own company with or without yours."

natigil ako sa paglalakad at humarap kay ty para sana sumbatan siya pero dinunggol niya lang ang balikat ko at nauna ng nagpunta sa aming kwarto.

limang taon na kaming kasal ni ty. sa loob ng limang taon ay hindi ko siya minahal. magkasama kami sa iisang kwarto pero kahit kailan ay hindi niya ako pinilit gawin ang bagay na dapat ay ginagawa ng mag-asawa. araw araw sa bawat umaga ay mayroong naiiwang sulat sa bedside table para sa akin ngunit hindi ko pinag aaksayahang basahin ito. tuwing gabi naman ay pupunta ako sa bar. marami akong kalokohang ginagawa at maraming dahilan para iwan ako ni ty ngunit di niya ginawa.

- - - - -

nasa bar ako ngayon at laking gulat ko na makita ang lalaking iniwan ko para kay ty.

"y/n"

"g-gael"
nabigla ako ng yakapin ako ni gael ng mahigpit.

"damn. i miss you baby"

"i miss you too"

niyakap ko siyang pabalik. makalipas ang ilang minuto ay naupo kami sa may stool at nag inuman. di nagtagal ay nagsayaw kami sa gitna ngunit natigilan ako ng mahagip ng mata ko si ty.

"uuwi na tayo"

hinila ako ni ty pero pinigilan ito ni gael sa paghawak niya sa kabila ko namang kamay.

"y/n?"

napalingon ako kay gael na may nangungusap na mga mata.

"bibitaw naba ako?"

alam kong doble ang ibig niyang sabihin kaya napalunok ako.

"y/n"

napalinga naman ako kay ty na nananatiling malamig ang titig sa akin.

"bibitawan naba kita?"

hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. namalayan ko na lang na unti-unti ko ng binibitawan ang kamay ni ty

- - - - -

hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. binitawan ko ang kamay ni ty para sumama kay gael pero noong paalis na kami ay mas pinili kong umuwi sa bahay namin ni gael.
pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay sumalubong sa akin ang mahigpit na yakap ni ty. sobrang higpit

"akala ko hindi mo na ko babalikan y/n hon, please? a-ano bang gusto mo?"

hnawakan niya ang mukha ko pero nakayuko naman siya. bakas sa boses niya ang lungkot at sa di malamang dahilan ay nalulungkot din ako

"g-gusto mong makipag date sa iba? sige. a-ayos lang. gusto mo bang m-makipag balikan kay gael? s-sige lang. kailangan mo ba ng pera don? huh? b-bibigyan kita. pero please"

marahan siyang humarap sa akin at halos madurog ang puso ko ng masilayan ko ang lumuluha niyang mga mata.

"please. h-Hilingin mo na ang lahat..."

kasabay ng pagbagsak ng tuhod niya sa sahig ang pagbagsak ng luha ko.

"ask me anything but not to let you go. because I can't"

mag-iisang linggo na simula ng umalis si ty sa bansa dahil sa inaasikaso niyang business. isang linggo ko na rin hindi maintindihan ang sarili ko. hinahanap hanap ko ang sulat na iniiwan nya tuwing umaga, ang almusal na nakahanda sa lamesa, wala ng nagmamasahe ng paa ko tuwing gabi kapag pagod ako galing trabaho. Hinahanap ko na yung.. yung asawa ko

"y/n"

gulat kong nilingon ang lalaking tumawag sa pangalan ko. pero hindi ko maikakaila ang sobrang saya na nararamdaman ko.

"t-ty..."

natigilan ako ng ibato niya sa lamesang nakapagitan sa amin ang isang envelope.

"sign it. annulment papers yan."

"a-ano? p-pero bakit?"

"malaya kana."

natulala ako at hindi napigilan ang pagpatak ng luha ko. parang sinasaksak ang puso ko matapos marinig iyon mula kay ty. hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. kusang lumabas ang hagulhol at hikbi sa bibig ko sa di ko malamang dahilan.

"b-bakit mo ko iiwan? Ha? kadadating m-mo lang tapos... bakit ka n-nakikipaghiwalay? a..akala ko mahal mo ko? Huh?"

muli akong napahagulhol at tuluyang napaupo habang sapo ang mukha ko.

"bakit ka umiiyak?

"k-kasi ang sakit. hindi ko m-mapigilan."

"bakit ka nasasaktan?"

"nalilito rin ako p-pero sigurado akong... s-sigurado akong hindi ko kayang wala ka. ayoko, ayaw"

para akong batang umiiyak habang umiiling. patuloy ako sa paghikbi at sumisinok-sinok na rin ako habang umiiyak. naramdaman ko na lang na niyakap ako ni ty at yumakap din naman ako pabalik ng sobrang higpit.

"isa lang naman ang gusto kong marinig. alam mo kung ano yun."

isinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni ty at mas kinabig pa siya palapit sa akin

"i love you ty. mahal na mahal kita. w-wag mo naman akong iwan please, hindi ko k-kaya, ayoko"

hindi ko alam kung nasasakal na si ty pero mas humigpit ang yakap ko sa kanya. ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot na malamang mawawala ang isang tao. ngayon lang ako nadurog ng ganito. Ngayon ko lang hindi kinayang iiwan ako.

"hon"

nagbigay ako ng space sa pagitan naming dalawa para makita ko ang nakangiting mukha ni ty

"blank papers ang laman nung envelope"

Random LibraryWhere stories live. Discover now