25

91 1 0
                                    

🌹Tyrontroy

"oh akala ko ba pupuntahan mo siya ngayon? sabi mo lalabas kayo." bahagya siyang umupo sa tabi ko at kumuha ng isang tasang kape

"lalabas naman kaso, may iniiwasan lang"

"iniiwasan ang?" ani niya habang bahagyang nakatingin

huminga ako ng malalim at sa di malamang dahilan, mas mabigat ang pakiramdam kesa sa kanina, "ano naman ang pinagtatalunan? baka naman iyan ay simpleng bangayan lamang ninyong dalawa dahil sa di pagkaka-unawaan"

"pagkakaunawaan na hindi naman dapat? ako'y nagtanong lamang kung bakit kailangan niyang gawin ang ganto at ganyan kasi ako'y nag-aalala pero mukhang iba ata ang kinalabasan, imbes na mangibabaw ang katagang inaalala ko siya ay mas nangingibabaw ata sa kanyang hindi ko siya maintindihan"

"baka naman ay mas dapat mong ipinaliwanag ng maayos sa kanya" hinarap niya ako at saka tinapik sa balikat "baka naman ay naguguluhan siya at ang akala niyang di mo siya pag-aalala mo ay hindi pag-intindi ang parating sa kanya, baka masyado mo siyang sinisita, baka akala niya mahigpit ka"

"hindi ako ganun, sinasabihan ko lamang siya, baka kasi mapahamak, baka mauwi pa sa kung ano sapagkat minsan ang galaw niya ay di niya napag-iisipan, hangga't maari, mahinahon akong nakikiusap, nagsasabi sapagkat kapakanan niya lamang ang iniisip ko" napabuntong hiningi na lamang ako at saka sinapo ang noo, "hindi mo ba tinanong sa kanya ang dahilan?"

"hindi niya sasabihin sapagkat sarado siya, sarado sa kagustuhan kong masilip kung ano ang nararamdaman at naiisip niya na para bang ako'y isang badya sa pagkatao niya." bago ko pa man higputin ang kape ay sumagot siya, "pero kayo'y magkasintahan, hindi ba't parte lamang iyan ng dapat pagdaanan. na hindi sa lahat ng panahon ang pagmamahal ay sumusunod sa kagustuhan"

"nabanggit ko na yan, nangulit, nagpa-alala, kalmadong nagsabi at hinatid ang salitang mahal ko siya kaya ako'y masyadong nag-aalala, ngunit iba ata ang resulta sa aking inaasahan"

"ano naman iyon?"

"baka kasi ako'y nasobrahan at nagmukhang nangingialam, baka siya'y napagod at nabahala sa mga aksyon kong gusto lamang ipahiwatig na inaalala ko siya. mahal ko yun eh, mahal na mahal ko yun"

- mahal na mahal ko yung taong napagod na."

Random LibraryWhere stories live. Discover now