Prologue

21.2K 229 17
                                    

"Hindi pa ba natin iuuwi ang bata, Juling?"

Mula sa tinatanaw ay nabaling ang kanyang atensyon sa banang nasa likuran. Wala sa loob na nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga.

"Baka magkasakit ang bata kung magpapatuloy siyang maliligo sa ulan" dagdag pa nito. Noo'y nag angat ng tingin si Juling sa asawa. Nakatanaw rin ito sa batang si Elisse. Tuwina'y nararamdaman din niyang ito man ay mabigat ang pakiramdam. Muli niyang nilinga ang paligid. Hindi pa rin tumitila ang pagbuhos ng ulan na tila ba nakikisabay rin sa pagdadalamhati ng batang tuluyan nang naulila. Muli ay nakadama siya ng simpatiya para dito. Kanina pa nangawala ang mga iilang nakipaglibing. Ang ilan sa mga iyon ay kasamahan ng yumao sa alahasang pinagtrabahuan nito, ang ilan nama'y mga kalapit bahay ng mag-inang Henrietta at Elisse na kung di lang marahil sa kadahilanang pinaniniwalaan nilang ang bata ay bunga ng kalapastanganan ng yumaong si Grant at ang kaalamang si sir Leandro ang nag-asikaso ng lahat para sa libing, ay hindi man lang makikidalamhati sa naulila. Hindi niya mapigilang makadama ng habag para sa bata.

"May tawag na ba mula kay Leandro, Manuel?" Sa halip na palawigin pa ang nadaramang awa para sa bata ay ungkat niya sa bana.

"Katatanggap ko lang ng tawag sa telepono. Si Ms. Drew ay nasa ospital na sa mga oras na ito at ano mang oras ay maaari ng masilayan ang bagong magmamana ng Del Mare Woods, juling." Bagamat nakangiti ay makikita ang bahid ng pait sa mukha ng bana. Pait na tuluyan ng nauwi sa lumbay ng muling ituon ang tingin sa batang hanggang sa mga oras na iyon ay nakatunghay pa rin sa puntod ng yumaong ina.

"Iniuutos niyang wag hayaang umuwi ang bata ng mag-isa. Mainam daw kung iuwi natin sa mansyon at doon muna pansamantala." Di na niya ikinagulat iyon. Alam niyang hindi hahayaan ni Leandro ang bata, bagaman hindi nito ito kadugo ay tiyak niyang nag-aalala ito para sa kalagayan ni Elisse at sa malao't madali ay gagawa ito ng solusyon upang mapabuti ang bata.

"May dumarating." Maya-maya'y sambit ni Manuel.

Sino kaya ito? Noon di'y iniluwa ng magarang sasakyan ang isang babae. Kasunod na pumanaog ng sasakyan ay isang lalaki, sa hinuha niya'y mag-asawa ang mga bagong dating. Wala siyang alam na may kakilala ang mag-inang may sinasabi sa buhay. Base sa kasuotan ng mga papalapit ay hindi basta basta ang mga ito. At papalapit ang mga ito sa kanila.

"Magandang araw ho..." ang bungad ng babae. Bagaman mainam ang pagbati nito'y mababakas sa tinig nitong hindi ito nakatitiyak kung tama bang iyon ang naging pagbati niya.

"Narito po kami upang iuwi ang bata..." Kunot ang noong marahas na dumako ang tingin niya sa mukha ng babae.

"Narito po ang mga papeles..."

Iyon lang ang kailangan niya upang masagot ang mga katanungang nasa isip at di maisatinig...


Mr. and Mrs. Sean De Salvo. 

Ang nakatakdang mag aruga at kumalinga sa batang si Elisse...

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now