Ang pagbabalik

4.5K 106 1
                                    


"Still the same yet so different. Welcome home, Elissedearest..." tila bumagal ang sigundo ng mga sandaling iyon. She came face to face with a familiar man who is now holding her left hand while his other hand wraping her waist sa paraang nagdadala ng kakaibang kilabot sa kabuuan niya. Sa isang iglap ay tila ba nawalang tuluyan ang kanyang balanse gayong hakab ng isang kamay nito ang likuran ng kanyang bewang na pumipigil upang tuluyan siyang bumuwal. Pakiramdam niya'y nanlalambot ang mga tuhod niya dahil lamang sa pagkakadanti ng kanilang mga balat. Their faces so close to each other that she can smell his aftershave and again, the thought of that brought shiver down her spine. Such a familiar feeling! Those eyes. That look. She remembered it from somewhere. Napasinghap siya ng may maalala. Italy!

"Ganoon ba ka laki ang ipinagbago ko para hindi mo ako makilala agad, Elisse?" May kung ano sa tinig nito na naghahatid ng kaba sa kanyang kabuuan. May ibinabadiya ang tono ng lalaki. Kalakip ng pagbitaw nito ng mga salita ay paninikip ng pakiramdam niya dahil sa pa higpit nitong paghawak na nagdudulot upang lalo pang mag dikit ang kanilang mga katawan. Again, an unfamiliar electricity flowed down to her trembling toes at the thought of their bodies being so close to each other. At bago pa tuluyang ipagkanulo ng sariling katawan ay pilit siyang kumawala sa pagkakahulagpos mula sa mga kamay ng lalaki.
Zach...

"Mr. Navarro..." Isa iyong malinaw na pagkilala. Bahagya niyang naikuyom ang mga palad ng hindi ipinapahalata sa kaharap. Mataman niyang pinagmasdan ang kaharap. Baby blue long sleeve polo blouse na naka rolyo ang manggas hangang siko tucked in a Navy blue circle pleated skirt na isang pulgada ang kulang bago umabot ng tuhod ang haba exposing those very feminine legs that only God knows how much he's trying not to lay eyes on. A two-inch casual red steletto shoes completed the simple classy look. He noticed the set of jewels that adorned her wrist, neck and ears na bagamat pilit itago ng maalong buhok nito ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata. Simple, yet the package shows sophistication in all angles. Mr. Navarro, indeed. So the woman is trying to be civil eh. Somehow that sent pressure in his chest but he'll be damned if he'll let this woman know what he is feeling at the moment.
"So it's true. You're returning home." It's more of a statement than a question.
"Are you ready to claim what you think is rightfully yours?"

Did she really heard him say that? Are you ready to claim what you think is rightfully yours? Anong ibig palabasin ng lalaking ito? Inaakusahan ba siyang-
"I'm not sure I heard you right, Mr. Navarro, I wouldn't want to think you meant it the way I understood what you were insinuating earlier." Pilit niyang ikinukubli ang nadaramang iritasyon. Sa isip ay gahibla na lamang ang pagtitimpi upang huwag bumigay ang kumposisyon. Sa nakikita niya'y tila walang planong maging kaibigan sa kanya ang lalaking nasa harap. Pakiwari pa nga niya'y may kung anong himig pangungutya ang mga salita ng lalaki at kung wawariin nyang lubos ay may nahihimigan syang galit sa paraan ng pagsasalita nito. Galit? Subalit bakit? Dahil ba sa hindi niya nagawang tugunin ang mga sulat nito para sa kanya noon? Dream on, Elisse! Talaga bang naiisip mong pinagkaabalahan niyang sulatan ka ng mga panahong iyon?

"Hindi nga ba, Elisse, or should I address you now more properly with Miss?" Sa pagkakataong iyon ay hindi na itinago ng lalaki ang sarkasmo sa tinig.
"I don't think calling you by first name suits this "reunion" since I can't see any trace of the old...Elisse. The years did you good, I can see. At ngayon, natitiyak kong mas kinapananabikan mo ang muli mong pagbabalik sa sa Sto. Cristo, sa kadahilanang alam nating pareho." The corner of his lips twisted upward na tila ba nagpapahiwatig ng katiyakang nauunawaan niya ang tinutukoy nito.
"Mr. Na-"
"Señorito Zach. Kayo nga!" Nang mula sa kung saan ay isang may edad na babae ang humati sa pagitan nilang dalawa at sa namamanghang tinig ay buong-buo ang pagbati sa batang Navarro.
"Señorito, si Juling po ito, ang asawa po ni Manuel na katiwala sa villa ng mga Del Mare..." pagpapakilala ng matanda. Agad namang sumilay ang pagkilala sa mata ng lalaki at tila ba maamong tupang nagpakawala ng isang sinserong ngiti.

"Manang Juling, magandang araw ho. Kumusta ho kaho?" Inabot nito ang kamay ng babae at nagmano. Napangiti naman ang matanda at saka nagsalita.
"Mabuti naman po Señorito. Hindi ho nabanggit ng Ms. Drew na ferry ho pala ang sasakyan ninyo patungong Sto. Cristo kung gayon sana'y naipahanda ko ho ang mas malaking sasakyan upang maisabay na ho kayo sa pagbyahe patungong Alta Tiera. Isang tao lang ho kasi ang ipinasusundo sa akin. Katunayan ay huli na ng maipaalam sa aking makakasaba'y ko sa byaheng ito ang bisitang iyon. At sa ngayon nga'y siyang sadya kong hinahagilap sa mga oras na ito." Bahagya pa nitong nilinga ang likurang bahagi niya na tila ba maaaring mahagip ng mga mata ang hinahanap.
"Siya ho ba ang hinahanap ninyo, manang?"

His fingers now pointing at her.
"May hinala akong siya ang bisitang tinutukoy ninyo, manang Juling. Bueno, ihahabilin na kita sa kanya, Miss Elisse..." paalam nito sa seryosong tinig, agad itong tumalikod at saka tuluyang humakbang palayo.

"Elisse, Hija! Nakuh, at nariyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap. Tayo nang pumasok sa loob ng kamarote at kuhanin ang iyong mga gamit. Maya-maya lang ay nakahanda ng magbabaan ang mga pasahero. Halika na at nakahanda na ang sasakyan. Siya nga pala..." Bahagyang bumagal ang pagkahbang ng matandang babae.
"Maligayang pagbabalik sa Sto. Cristo, Elisse..." Dapat nga bang ikaligaya niya ang pagbisitang ito. Oo, pagbisita pagkat natitiyak niyang wala siyang planong magtagal sa lugar na ito lalo pa at ngayo'y nasagot na ang katanungang ilang taon ng gumugulo sa isip niya at puso, kung papano siya pakikitunguhan ng isang Zach Navarro!

Sa kabilang banda'y may isang pares ng mga matang nakasunod ng tingin sa papalayong babae. Bagama't pinili niyang siyang tumapos sa maikling pagtatagpo nilang muli ay hindi niya mapigilang hindi ito muling sulyapan. Ang babaeng ito, wala nga bang ideya kung ano ang nagawa sa kanya? Humanda ka, Elisse. Humanda kang magbayad. Dahil nakahanda na akong maningil sa naging pagkakautang mo, at sa pagkakataong ito sisingilin ko hanggang sa kahulihulihang interes nito...

******

Hanggang dito nalang po muna sa ngayon:-)

Abangan po ninyo ang susunod na mga kaganapan. Ano nga kaya ang tunay na nararamdaman ng ating mga pangunahing tauhan para sa isa't-isa. Sa paanong paraan kaya maniningil si Zach para sa pagkakautang na isang palaisipan pa kung may ideya nga ba si Elisse.

Hanggang sa muling update! Sana po ay patuloy po ninyong tangkilikin at suportahan. Shoutout po pala sa "Kapatid" kong inglesera jan, wag mo ng punahin ng husto ang mga grammar ko. Hahahah... wag din masyadong harsh mga comment at feedback mo ah? Be gentle with my heart, pleaseee:-)

Thank you po!

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now