Ang muling paghaharap (huling bahagi)

5.2K 107 15
                                    

"Pssst... bata, ikaw na naman?" Halos bulong lamang iyon sa pandinig niya sapagkat ang buong atensyon ay nasa pagpapasya kung tutuloy ba o hindi. Nag-angat siya ng tingin. Tamara's. Iyon ang nakasulat sa may kalakihang karatulang bumubungad sa bawat mapapatapat sa gusaling iyon. Ang Tamara's ay isang kakatayong isang palapag na gusali na may tatlong silid. Pumapagitna sa tatlong silid na ito ay ang eleganteng salon at spa na nasa pagitan ng maliit na tindahan ng alahas sa kaliwa at sanglaan naman sa kanan. Lahat ay pagmamay-ari ng mag-asawang De Salvo na kamakailan lamang ay piniling mamuhunan sa Santo Cristo. Tamara. Ang kasalukuyang nagmamay-ari sa alahasang pinagtatrabahuan ng ina. Bagamat di pa niya nakikilala o nakakatagpo man lang ang ginang ay madalas na niyang marinig mula sa ina na isa itong kahanga hangang babae dahil sa taglay nitong ganda at personalidad. Minsan nga'y nagbiro pa ito na kung sakaling mabibigyan ng pagkakataon ay nanaisin nitong makasalamuha niya ang ginang upang baka sakasakali ay maambunan siya ng karangyaan nito. Ayon pa sa ina ay maikukumpara sa mga Del Mare at malamang ay pati na rin sa mga Navarro ang katayuan sa buhay ng mga De Salvo kung ang pagbabasehan ay kilos at pananalita ng mga ito. Madalas na napapabuntong hininga ang ina tuwing mapapadako ang usapan nilang mag-ina sa mga bagay na may kinalaman sa karangyaan at kayamanan na tila ba malabong makatuntong sila sa kung saan man nakatuntong ang mga De Salvo at Navarro ngayon. Tila isa iyong napaka imposibleng bagay. Marahil ay tama naman ang ina. Kaya nga siya ay hindi gaanong pinag-uukulan ng pansin ang mga mayayamang tao pagkat sa kanya ay sapat ng makapagtapos siya ng pag-aaral at magkaroon ng matinong trabaho at nang tuluyan ng maalis ang ina sa kinasasadlakang buhay sa ngayon na oo nga at masaya silang dalawa ay kapus na kapus naman at hirap na hirap idagdag pa ang pangungutya ng ilang mga kapit-bahay. Sa muling pagkaalala sa ina ay nanumbalik ang nabuong plano sa isip bago pa man magtungo sa gusaling nasa harap. Ibinuklat niya ang nakakuyom na palad, doo'y nakapaloob ang gintong keychain. Hindi dapat s'ya mawalan ng pag-asa. Magagawa niyang maipagamot ang ina sa bayan ng Quezon. Kailangan lang niya ay maipagpalit sa sapat na salapi ang bagay na ito. Dali-dali syang tumungo sa sanglaan.

"May kasama ka bang matanda, hija?" Dinig niyang tanong ng kahera sa sanglaang iyon. Agad ang pagbalot ng kaba sa mukha ng batang babae at tila ba unti unti itong pinapanawan ng pag-asa. Kanina pa niya ito pinagmamasdan. Isang pares ng kupasing uniporme, pares ng tsinelas na tila ba ilang taon nang nakikipagbuno sa malubak na daan, maliit na pangangatawan bagamat hindi naman umabot sa puntong makakantiyawan mong buto't balat na, maliit ngunit matangos na ilong, mapusyaw na batang rosas ang kulay ng labi nito na unti-unting lumalabo marahil dahil sa kung ano mang nararamdaman nito. May bilugan ngunit katamtamang laking mga mata na tila ba ano mang oras ay may papatak ng mga luha. Nakikita niya mula sa kinaroroonan na may pagka prominente ang panga ng batang babae ngunit bumagay ito sa kabuuang mukha nito.

"W-wala po..." noo'y nagyuko na ang batang babae. Nakakuyom ang mga palad nito at tila ba nagpipigil ng emosyon. Muli itong nag-angat ng tingin sa kahera.
"Kailangan ko lang ho talaga ng pera, ate. Sa akin naman po talaga itong Keychain na ito. Sige na po. Kailangang kailangan ko lang!" Lumapit na ng husto ang bata sa bintana ng kahera subalit mariin itong nanindigan.
"Pasensya na hija, pero hindi ka pa legal na edad upang makipag transact. Maaari kang bumalik na may kasamang nasa hustong gulang na upang nang sa gayon ay tanggapin ko ang transaction mo. Pasensya na."
Noo'y tuluyan nang pumatak ang mga luha sa mata ng dalagita. Dalidali itong tumalikod at tumakbo palayo.

"Teka, bata!" Habol niya sa batang babae na hindi naman na talaga bata. Ewan ba niya pero hindi niya gustong makitang umiiyak ito. Kahit papaano ay may ideya siya kung ano ang pinagdadaanan nito. Kanina sa ferry ay nadinig niyang pinaguusapan ng ilang matatanda ang sitwasyon ng batang babae. May malubhang sakit ang ina nito at sa pagkakaunawa niya'y kinakailangang dalhin sa ospital sa bayan ng Quezon upang magamot ng tama pagkat walang sapat na pasilidad at gamot ang nag iisang klinika sa Santo Cristo upang tugunan ang pangangailangan ng pasyente. Ayon pa sa nag uusap ay masama na ang lagay ng ina ng batang babae. Nakadama siya ng habag para dito.

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now