Ang simula ng wakas

5.1K 75 14
                                    

I'm sorry. She was gaping at the parchment with intense emotion. Ang mga salitang di niya masabi ng direkta ay kay hirap ding buoin sa kapirasong papel. Sa huli pinili niyang ilapat ang mga salitang iyon. Then looked at the man resting on her bed at hindi niya mapigilang dumaan sa isip ang ilang tagpo ng nagdaang gabi. May mapait na ngiting pilit na kumawala sa kanyang mga labi pagka alala sa mga tagpong iyon. Walang kasiguruhan ang lahat ngunit isa ang natitiyak niya. Hindi madaling kalimutan ang isang pagkakamali kung pano hindi ganoon kadaling limutin ang unang pag-ibig. Ngayon ay natitiyak niya ang nararamdaman, iniibig niya ang lalaking ito. Maaaring noon pa man ay iniibig na niya ang binatilyong iyon ngunit kay hirap pakibagayan ang isang batang puso. Iniibig. Sapat ng dahilan iyon upang ang lahat ng inhibisyon ay kinalimutan niya at nagpatangay sa emosyon. Muli niyang pinagmasdan ang lalaki. Tuwina'y nais niyang humakbang palapit ngunit pinigil niya ang sarili. Hindi ito ang nararapat niyang gawin sa ngayon. Dapat na niyang iwan ang lahat sa nakaraan at tahakin ang kasalukuyang buhay patungo sa bagong hinaharap. Iyon ang mas nararapat at hindi ang magpatangay sa panandaliang tawag ng laman. Bitbit ang maleta'y tuluyan niyang inilapat pasara ang pinto at sa ilang hakbang ay tinunton ang katabing silid. Itinulak niya pabukas ang pinto at saka dahan-dahang tinungo ang kama at inilapag ang kaperasong papel. Nakahanda na siyang iwan ang silid ng may isang pamilyar na bagay ang umagaw sa kaniyang paningin. Atubili siyang humakbang patungo sa mesang nasa gilid ng kama. Kung gayo'y wala na siyang dapat na ipangamba pa. Bayad na ang matagal ng pagkakautang niya kay Zach Navarro, at ngayo'y may kasama pang interes! naipikit niya ang mga mata. How could she had been a fool letting her guard down giving the man the satisfaction of torturing her with guilt gayong sa simula pa lang naman pala ay alam na nito ang itinatago niya. Alam na nitong matagal ng wala sa pag-iingat niya ang gintong keychain kung kaya hindi niya ito magawang pakitunguhan ng walang bahid ng sundot ng konsensya. Kung gayon ay hindi lamang ang hindi niya pagtugon sa mga liham nito ang dahilan kung kaya ganoon ang naging pagtrato nito sa kanya. Marahil ay mas nananaig para dito ang katotohanang hindi niya pinahalagahan ang bagay na iniwan ni nito sa kanya. Hinayaan niyang bumagsak mula sa kamay ang gintong keychain at iniwan iyong basta na lamang. Panahon na upang iwan ang lahat sa nakaraan. Babaunin niya ang gabing iyon ngunit kalilimutan niya ang ano mang damdamin para sa lalaki. Hangal! Ang sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Magagawa mo ba? Ngayon pa. Ngayon pang inamin mo ng iniibig mo sya. Nilisan niyang tuluyan ang silid ng walang muling lingon. Ano mang damadamin ang mayroon siya ay tanging kanya na lamang.

"Don't go. Please..." Lalong humihigpit ang pagkakagapos ng mga bisig ng lalaki sa katawan niya.
"I know what you're thinking. But please, just let me hold you like this." Tumatagos sa balat niya ang init ng hininga ng lalaki at nagdudulot iyon ng masarap na kilabot sa kanyang kabuoan at tila nais niyang magpatangay sa kilabot na iyon. Pilit siyang kumakawala sa pagkakakulong sa mga bisig ng lalaki ngunit hindi ito matinag. Hindi niya tiyak ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya maikilos ang mga pa upang humakbang palayo. Nangyayari nga bang talaga ito? Unti-unti niyang inilalayo ang mukha sa dibdib ng lalaki.
"I know how I made you feel." May kung ano sa tinig ng lalaki na humahatak sa kanyang mga mata upang makatagpo ng paningin nito. Noo'y napagmasdan niya ng husto ang mukha ng lalaki at tila ba kailan lang ng una niya itong masilayan ng malapitan, ngunit hindi gaya ng unang tagpong iyon ay wala na ang bakas ng kapilyuhan at kakulitan. Bagama't hindi maikakailang ito ang mukhang bumighani sa kanyang batang puso noon, ang nakikita niya ngayo'y mukhang nagsusumamo at mga matang nangungulila. At hindi niya mapigilan ang mga daliring haplosin ang mukhang iyon. Sa ginawa'y napapikit si Zach at hinuli ang kanyang kamay bago ito dampian ng halik. At ng sumunod na magtagpo ang kanilang mga mata'y walang pag-aalinlangang dumampi ang mga labi ni Zach sa mga labi niya at sa isang iglap ay naramdaman niya ang paglalim ng halik na iyon. At unit-unti siyang natatangay sa dako paroon. Tila may sariling isip ang mga braso niyang kusang pumulupot sa batok ng lalaki na naghatid ng panibagong init sa kailaliman niya. Sa bawat pagkilos ng mga labi ni Zach ay ramdam niya ang damdaming pilit na sinusupil. Muli siyang napapikit at tuwina'y nasa isip ang mga tagpo ng gabing iyon. Mauulit bang muli ang tagpong iyon?
"Ms. Elisse-" Awtomatikong humilig ang mukha ni Zach sa balikat niya pagkarinig sa tinig ng sekretarya. Naging hudyat ito upang bumalik sa reyalidad ang isip niya.
"What is its, Erah?" Tanong niya habang unti-unting inilalayo ang sarili sa katawan ni Zach upang bigyang hudyat ang sekretaryang pumasok.
"Ma'am? The conference room is ready for you." Iyon lang at agad silang iniwan ng sekretarya.
Bago pa siya tuluyang ipagkanulo na naman ng sariling emosiyon ay kinailangan na niyang paalisin ang lalaki.
"Elise, we have to-"
"Leave. You have to leave..."

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now