Ang muling pagkikita

12.7K 174 11
                                    

Batangas Race Track
"Yo, TayDee!" Napigil ng pagtawag na iyon ang akma niyang pagbukas ng pinto ng mamahaling sasakyan.
"What the-" di na niya naisatinig pa ang mga sumunod na kataga ng maramdaman ang bahagyang pagtama ng matigas na bagay sa ibabang bahagi ng kanyang dibdib. May bahagyang kirot siyang nadama subalit di sapat upang saktan din ang nagdulot niyon na ngayon ay todo ang ngiting kaharap na niya.
"'Forgot your helmet again, buddy! Do you want your head get crashed along with your baby?" Nakangiting biro nito. Ewan niya subalit hindi maganda ang naging hatid sa kanya ng birong iyon ng kaibigan. Sanay na siyang palaging napapaalalahanan ng mga kaibigan sa tuwing bago magsimula ang karera. Ito'y sa kadahilanang palagi nang nauuwi sa muntik muntikang aksidente ang bawat pagsali niya sa larong ito. Nitong kamakailan lang, halos tumilapon ang kanyang sasakyan sa madaliang pag tapak sa preno upang pigilang tumama ang unahang bahagi nito sa likuran ng nasa unahang sasakyan dahil sa sobrang bilis ng kanyang patakbo. Kilala siyang walang pakundangan sa pagmamaneho. Lalo na at karera ito. Bilis ang labanan kaya tama lang naman ang ginagawa niya. Tama lang na ibuhos n'ya ang lahat ng enerhiya sa accelerator.

"Get your baby ready for now, buddy, while I prep mine for later! I don't need to remind you that this is my last ride for this racing career, right? I'll have to keep it low soon." Sumaludo pa ito bago tuluyang pumasok sa sariling sasakyan. Naiwan siyang hindi maintindihan kung ano ang nararamdaman. Tuwina'y may pwersang humahatak sa kanya upang tunguhin ang sasakyan ng kaibigan. Akma na siyang hahakbang palapit dito'y s'ya namang pag ingay ng kanyang telepono. Hindi sana niya papansinin kung di lang lumalakas ang pag-vibrate nito mula sa loob ng pantalong suot.

"Ty! Ang papa!" tila lahat ng isipin ay tinangay ng hangin at ang natira lamang ay ang naging bungad ng nasa kabilang linya. Walang lingon likod na dalidali siyang pumasok ng sasakyan at saka pinaharurot ito palabas ng race track. Sa pagkakataong ito'y hindi dapat bigyang puwang ang ibang bagay, lalo ang pansariling loho para sa pansariling kaligayahan. Maya-maya pa'y tuluyan ng nakaibis palabas ng malawak na race track ang mamahaling sasakyan. Hindi pa siya tuluyang nakalalayo ng muling tumunog ang kanyang telepono. Hindi niya pinagaksayahang sagutin ang tumatawag. It was one of his friends who's probably wondering why he left in sudden. Hindi niya sinagot ang tawag. Walang ibang mahalaga sa ngayon kundi ang makarating siya sa dapat puntahan. Nang maalala ang ama'y mas lalo pang tinapakan ang gas dahilan upang lalong umibis ang luxury car. Sa makitid na kalsada'y tila s'ya nakikipagkarera bagama't wala namang kasabayang sasakyan. Muli niyang tinapakan ang silinyador. 140. 160. 180. Nang mula sa kung saan ay sumulpot ang isang sasakyan. Bigla'y kinabig niya ang manibela pakanan. Pilit na iniwasan ang papasok na sasakyan mula sa kanyang kaliwa. Halos mapugto ang hininga niya sa pwersang ibinibigay niya sa manibela. Umikot ang sasakayan at nangingibabaw ang ingay ng ingit ng mga gulong. Pilit niyang nilalabanan ang takot. Patuloy ang hindi kontroladong pag-ikot ng sasakyan. Dahan dahan niyang tinapakan ang preno kasabay ng pwersadong pagkabig pakaliwa ng manibela sa pag asang mai-stabilized nito ang takbo. Tumigil ka na. Stop! Stop! Sa isip ay naroon ang kagustuhang iwasan ang nakaambang panibagong pagdadalamhati ng ina. No! No! No! Nooooooo!

Milan, Italy.

"Yes!" Sabay sabay na napatayo sa kinauupuan ang apat na kasamahan. Ramdam niya ang lubos na kasiyahan ng mga ito. S'ya man ay ganun din. Isa itong malaking tagumpay para sa kanila. Hindi birong puyat ang dinanas ng team niya para lamang makalikha ng ganitong disenyo na tingin nila'y magugustuhan ng mga pinakamayayaman sa mundo. Ang emerald and diamond set na disenyong ito ay halos isang taon din nilang pinag ukulan ng panahon. Mula sa pag buo ng plano, hanggang sa pagpili ng mga materyales na gagamitin at hanggang sa paglikha mismo. Nang ianunsyo sa publiko ang pagnanais ng BVLGARI, isang kilalang brand ng luxury jewelry sa buong mundo, ang pagnanais nitong bigyan ng pagkakataon ang mga lokal na mang-aalahas upang mapasok ang international market para sa pinakamayayamang personalidad sa mundo ay hindi na s'ya nagdalawang isip. Ito na ang pagkakataon nila. Ito na ang pagkakataon ng Orion para makilala sa mundo. Bagama't may mga sangay na sa Hongkong at Singapore ang Orion, ay hindi iyon sapat para sa kanya. Gusto niyang higit na pumayagpag pa ang Orion. Gusto niyang maabot ang eastern at western market. At mas lalong gugustuhin niyang maisuot ng pinakamaiimpluwensyang tao sa mundo ang mga disenyo nila. Sa naisip ay di niya mapigilang mapangiti. Kahit nakapikit at bahagyang nakayuko ay di niya pinigil ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. Ngiting puno ng emosyon. Nararamdaman niyang malapit na niyang marating ang ambisyon. Nararamdaman niyang hindi magtatagal at makikilala na ang pangalan niya sa industriyang ito. Magkaganun man, pangalan lang ang makikilala ng lahat. Hindi ang kung sino s'ya sa kabuoan.

"Miss Elisse..." bagama't mababakas ang kaligayahan ay may pag-aalinlangan sa tining ng nagsalita.
"You go on." She waved her hand to dismiss her team. Bagama't nag-aalangan ay tumalima naman ang apat.

Tuwina'y sanay na sila sa amo. Sa lahat ng pagkakataon ay di nito kinahiligan ang kamera. Lalo pa at malamang sa hindi ay mailalathala sa lahat ng pahayagan ang tagumpay na ito. She's not the type. Bagaman wala namang dapat ikahiya kung pisikal na anyo rin lang naman ang titingnan ay hindi ito kailanman nagpaunlak sa kahit anong pagkuha ng larawan. Well, maliban na lang siguro kung pampamilyang pagtitipon lamang.

Tuluyan ng nakaakyat ng entablado ang apat na representatives ng Orion. Sa background ay naririnig niyang patuloy ang pagbati ng mga hosts. Umakyat din sa entablado ang mismong Vice president ng kumpanya para s'ya mismong maggawad ng plaque at cash prize na hindi rin biro ang halaga para sa isang ordinaryong tao. Nakikita niya ang lubos na kasiyahan sa mukha ng mga kasama. Hindi biro ang tagumpay na ito. Sa halos isandaang local jewelers mula sa iba't ibang panig ng mundo, sila ang nakakuha ng pinakaunang puwesto. Lima lamang ang pipiliin ng BVLGARI para maisama sa next issue ng kumpanya sa international market. At hindi lang sila isa sa limang iyon. Sila ang nangunguna! Ngayo'y kasalukuyan ng pumapanaog ng entablado ang mga kasama. Napansin niyang may kausap sa telepono ang isa sa apat at agad ang pagdako ng tingin sa kanya. Nakadama s'ya ng di maipaliwanag na kaba habang papalapit ito sa kanya.

"Miss Elisse..." mababakas sa mukha nito ang pag-aalala habang inaabot sa kanya ang telepono.
"Yes?" Halos bulong nang bigkas niya pagkalapat ng telepono sa kanyang tenga.
"Elisse, it's Mom. JD...JD is in the hospital right now. We need you here, anak..." Si Tamara De Salvo ay di kailanman niya kinakitaan ng kahinaan. Subalit may kung ano sa tinig ng ina na agad nagpangyari upang dali dali niyang lisanin ang kinaroroonan. Agad namang sumunod sa kanya ang isa sa apat na siyang nagsisilbi rin niyang sekretarya.

"Book me a flight to Manila now, Erah."
Kahit kailan talaga, JD. Sinabi nang tigilan mo na yang luhong yan. Hindi kita mapapatawad pag hindi ka pa nagising. Jacobo Daniel, bumangon ka na!...

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng sa di sinasadya'y mahagip ng paningin ang isang pamilyar na mukha. Tila ba bumagal ang bawat minuto at hindi niya magawang lagpasan ng tanaw ang mukhang iyon. His face so grim and yet full of something she can't fathom. Could it be...longing? Why so? The thought sent shiver down her spine. And just like that, the man was out of her sight...

I long for your heart (Elissedearest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon