Liham

4.1K 90 13
                                    

Mahabang panahon na rin ng huli siyang tumapak sa sementeryong ito upang bisitahin ang ina, iyon ay noong bago niya tuluyang lisanin ang Sto. Cristo halos sampung taon na ang nakararaan. Gayon man ay di sapat iyon upang hindi niya mapansin ang mga patunay na maayos na namamantine ang puntod ng ina. Sa isip ay umusal siya ng pasasalamat sa mga taong may gawa niyon. Unti-unti siyang humakbang palapit sa sementadong puntod ng ina. Bagamat malaon na niyang natanggap na wala na si Henrietta ay hindi niya mapigil ang paghikbi. Kung sana ay nahintay sya ng ina. Kung sana'y hindi nito pinabayaan ang kalusugan at hinayaang gupuin ng sakit ay di sana'y kasama niya itong tinatamasa ang mabuting buhay sa ngayon ang buhay kung saan nalilibot ng karangyaan, Karangyaang noon pa ma'y alam niyang hangad na ng ina para sa kanya. 'Masaya ako para sayo, Elisse. Sana'y maging masaya ka na ng tuluyan, Anak.'  Sa gitna ng katahimikang iyon sa himlayan ay tila narinig niya ang tinig ng ina sa bulong na iyon. Napapikit siya at tuluyang pinakawalan ang mga luhang para lamang sa ina.
"Nay..." ang tanging nasambit niya bago pakawalan ang mga luha. Hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan ngunit alam niyang nasaan man ang ina ay masaya ito para sa kanya. 'Patawad, Inay..." sa isip ay hinihingi ng tawad ang mahabang panahong hindi ito nabisita at tila dahil doo'y tuluyang bumuhos ang mga luha sa mahabang panahong pangungulila sa ina.

Mula sa kinatatayuan ay bahagya na niyang nadidinig ang hikbi ng babae. Right there and then he wanted to grab her and wrap her in his arms. Tila ba lahat ng kung ano mang panibughong naramdaman niya para sa babae ay natakpan ng pagnanais na ikulong ito sa mga bisig niya at sa abot ng makakaya ay di na pahihintulutan pang masaktan muli. Patuloy sa mahinang pag-alog ang balikat ng babae senyales na patuloy ang pag-iyak nito ngunit di rin nagtagal sa ganoong anyo at unti-unti nitong pinahid ang mga luha bago inayos ang sarili at pumihit patalikod. There's something telling him that from now on, he'll do anything to keep this woman from hurting. Nang tuluyang makaharap sa kanya ang babae ay muling pumatak ang mga luha nito. Suddenly he was alert. He moved closer to her.

"Elisse..." His voice brought comfort in her. Too much of a comfort that it made her cry even more. Ang huling pagkakataong umiyak siya ng ganito ay noong panahong inihahatid sa huling hantungan ang ina. Nangako siyang hindi na muli pang iiyak. Na mas magiging matatag at matapang siya ano man ang pagdaanan sa hinaharap. She never let her guard down since then. Ngunit sa puntod ng ina ay hindi niya mapigil ang sariling umiyak bunga ng mga ala-ala ng panahong kasama pa niya ang ina at ng isiping nabigo siyang ipalasap rito ang mabuting buhay bago ito lumisan sa mundo. Patuloy sa pagpatak ang mga luha niya nang hindi niya namamalayang tuluyan ng nasa harap niya ang lalaki. Sa nang-aamot ng lakas ay hinayaan niyang bumagsak sa dibdib ng lalaki ang mukha.
"Baby please stop crying. Halika na at iuuwi na kita." Noo'y nag-angat siya ng paningin mula sa pagkakasubsob ng mukha sa mga dibdib ng lalaki.
"Zach...I'm sorry."

Zach...I'm sorry. That was the last words he heard her say before he could realize they were out of the cemetery. Kung para saan ay may ideya na sya ngunit wala na siyang planong ungkatin pa iyon. Isa ang natitiyak niya sa pagkakataong iyon. Hindi niya kayang supilin ang panunumbalik ng damdaming umusbong may ilang taon na rin ang nakararaan para sa babaeng ilang taon na ring laman ng kanyang isipan. Damdaming ano mang pilit niyang supilin ay di niya magawa.
"Hey..." his hand move to touch her face caressing it softly.
"Are you okay?" Pathetic. How pathetic asking her if she's okay gayong kagagaling lang niya sa puntod ng ina. Sa nagugulumihanang tingin ay nagtatanong ang mga mata nito. Hindi niya napigil ang sarili. Gaya ng matagal ng nais gawin ay ikinulong niya sa mga bisig ang babae. Tila may sariling isip ang mga kamay na kusang humahaplos sa mukha ni Elisse. Muling nag-angat ng tingin si Elisse. Walang pag-alinlangang inilapat niya ang labi sa mga labi ng babae. And he was rewarded with a soft cry of moan the moment he went deeper. As his tongue explores hers, naramdaman niya ang pag-angat ng mga kamay ni Elisse at pumailalim sa kanyang buhok. And just like that, his body ached for more but cut short when he felt her hands pressed against his chest.
"What are we doing?" Her breathing heavy and hands trembling. He went still. Pinaghugpong ang kanilang mga noo.
"Zach..."

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now