12

717 37 3
                                    

"Oh sino yun?"

"Di ko alam. Tingnan naten?"

"Tara"

Pagkabukas ko ng pinto yung magaling kong mga magulang pala. 🙄

"Oh mukhang nagkakasayahan kayo ah. Bahay bahayan na ba?"

"Pake mo? Bat ba kayo andito?"

"Hah. Panigurado nanghuhuthot ka lang ng pera sa batang to no? Tutoy kawawa ka lang dyan. Malas yan"

Matthew's PoV

Natawa na lang ako sa sinabi ng "nanay" ni Kat. Mas mayaman pa saken si Kat tapos ako yung peperahan? Grabe talaga utak ng mga to. May ganto palang magulang talaga.

"Ano namang pake niyo kung pineperahan ko lang to? Ha?"

Hindi ako umiimik kase usapang pamilya nila to. Saka mukhang kaya pa naman ni Kat. Nakahawak lang ako sa kamay niya ngayon.

"Mamahagi ka naman! Wala kang utang na loob di ka man lang nagbibigay sa magulang mo!"

"Sabe ko babalik ako di ba? Hah. Andito pa rin pala yang pakialamerong yan"

"Bat ako magbibigay sa inyo aber?"

"Aba't"

"Bye. Tss"

Sinaraduhan lang sila ni Kat ng pinto pagkatapos

"Hoy bata ka nakikipag-usap pa kame sayo! Bastos!"

"Makipagusap kayo sa pinto!"

"Hindi pa tayo tapos!!"

"Edi hindi! Pake ko!!! Aish"

"Ok ka lang?"

"Oo Matt. Ok lang ako"

"Bat ba di mo pa sila ireport sa pulis?"

"At what offense? Wag na abala pa"

"Madami Kat. Verbal abuse, physical. Tapos namemera pa"

"Pabayaan mo na sila. Mauumay din mga yan"

"Pero hanggang kelan yan Kat?"

"Hanggang mamatay na siguro ako"

"KAT!"

"Totoo naman Matt haha. Nabuhay ako lahat lahat di naman ako nakaramdam na may magulang binuhay ko sarili ko. Kaya din maaga ako natuto magbusiness. Buti na rin lang sinwerte ako sa online na pinasok ko kaya unti unti nakaraos"

"Kasama mo na ko ngayon Kat"

"Alam ko yon. Kaya nga thankful ako dumating ka sa buhay ko haha"

"Di ba sabi mo di mo naranasan ang aruga ng magulang?"

"Oh?"

"Tara sa bahay dali"

"H-ha?! Bakit???"

"Basta mag-ayos ka na!!"

"Ha? Ehh ano. Hay oo na teka! Mattmatt naman pabigla bigla eh!"

"Hahaha. Dali na!"

"Eto na nga!"

I just hope this helps :)

Nang matapos mag-ayos si Kat, napatingin ako sa suot niya. She's not wearing her usual all black getup. Kaso bat labas tiyaann?!

"Ano Matt tara?"

"Bakit ganyan suot mo??"

"Bakit pangit ba? Hinanap ko pa to sa kabinet ko para di naman ako mukhang ewan. Panget din pala. Teka paltan ko na lang"

Say You Won't Let GoWhere stories live. Discover now