13

672 37 3
                                    

"..."

"Ayaw mo ba?"

"Nako hindi po! A-ano lang kase. Hindi na po ako sanay may tinatawag na mama..."

"Nasan nanay mo nak?"

"Di naman po ako tinuturing na anak ng magulang ko eh"

"Ha??"

"Mula bata po ako ang tingin lang nila saken walang kwenta saka malas kaya di ko na naisip na magulang ko sila..."

"Ha?! May ganun bang magulang?! Nako jusko. Grabe pala pinagdaanan mo"

"Hanggang ngayon po andyan sila pero para lang humingi ng pera"

"Alam nila san ka nakatira?"

"Opo. Hiwalay ako ng bahay sa kanila. Nagsikap ako magisa. Awa ng Diyos naman po naging maayos negosyo ko kaya nakaahon ng kaunti kahit papaano"

"May negosyo ka na?! Wow. Turuan mo nga anak ko sa ganyan baka mas sumipag haha"

"Ahh ehh opo haha"

"Nabanggit mo lagi pa rin sila nagpapakita sayo. Pano kaya kung ikaw yung magtago?"

"Po?"

"Lumipat ka ng bahay. Yung di matutunton ng magulang mo kung magulang man tawag sa mga yon. Dito samen, dito ka muna!"

"Ha? Nako po wag na nakakahiya"

"Ano ka ba wag ka na mahiya. Di ka na naman iba samen. Saka para din makilala mo na yung ate ni Matthew. Magkakasundo kayo nun"

"May ate po si Mattmatt?"

"Anubayan kinikilig ako sa pa Mattmatt mo sa anak ko hahaha oo may ate yan kaso madalang umuwi kase malayo ang school dito"

"Ahh siguro po dadalaw na lang ako. Pero sa pagtira po..."

"Pag-isipan mo nak. Delikado na din mag-isa ka sa bahay. At least dito madami kang kasama"

Hala siya. Dito ako titira sa kanila?! Pano ba to😣 nagulat naman ako ng biglang may yumakap sa likod ko.

"Tapos tabi tayo matutulog..."

"Hoy Matthew! Hiwalay! Magtapos muna kayo nako jusko!"

"Joke lang ma! Hahaha"

"Nako nak Kat, hanap na lang kita ng malapit dito kinakabahan ako sa sarili kong anak ehh"

"Ma! Grabe ka saken!"

"Hahaha" natawa na lang ako sa kanila ni... ni mama. Ang saya nila. Sobrang close. Pero ako...

Di ko namalayan naiyak na pala ako

"Oh nak bakit?! Matthew di na yata makahinga girlfriend mo! Kumalas ka nga!"

"Kat, are you ok?"

"Wag niyo na po ako pansinin. Natutuwa lang ako makakita ng pamilya na gaya ninyo..."

"Lika nga dito nak..."

Lumapit naman ako kay tita... ay mama pala. Niyakap naman niya ko pagkatapos.

"Pabayaan mo na yung mga magulang mo nak. Kami ng asawa ko, kami na ituring mong magulang, ha? Tahan na"

Lalo lang ako naiyak. Hala ano ba yan bat ba ako naiyak.

"T-thank you po... Ma"

Yayakap din sana si Matthew kaso pinigilan siya ni Mama.

"Maaaa. Girlfriend ko yaaan!"

"Nanay mo ko aangal ka?!"

"Ma naman ehh!! 😣"

"Hahahaha"

Say You Won't Let GoWhere stories live. Discover now