Simula

145K 3.1K 405
                                    

Hindi niyo man lang ba naitanong sa inyong sarili kung bakit ang unfair ng mundo? Kung bakit may mga tao pa ring nasasaktan? Kung bakit may mga tao pa ring gumagawa ng kamalian kahit alam naman nila na mali sa simula pa lang?

Ako, araw-araw ko iyon tinatanong sa sarili ko. May mali ba sa akin? May kulang ba sa akin? Hindi ba ako sapat para maging masaya siya at makontento? Hindi ba ako sapat para maging loyal siya sa akin?

Kulang ba ako?

Gregory Sanchez, my boyfriend for two years and now my fiance, cheated on me. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin. Dahil ba hindi ko maibigay ang gusto niya kaya naghanap siya ng iba? 

Naitanong ko na lang sa sarili ko kung mahal ba talaga ako ni Gregory o sadyang nagtiis lang siya dahil boring ako. Wala akong maibigay sa kanya kundi ang pagmamahal ko. Hindi ko maibigay ang gusto niyang mangyari dahil natatakot ako at hindi pa ako handa sa bagay na iyon.

Handa na akong pakasalan siya kahit alam ko na pinagkasundo lang kami para maligtas ang negosyo ni daddy. Handa na akong harapin ang buhay kasama siya kahit alam ko na bata pa kami. Pero ngayon na ginago niya pala ako, nawalan ako ng ganang pakasalan siya. Hindi ko kayang pakasalan ang lalaking bumasag sa puso't tiwala ko.   

Halos ayaw ko nang imulat ang mata ko dahil paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang eksena na iyon. Kitang-kita ng sariling mata ko kung paano ako ginago ni Gregory. Kung paano siya nakadagan sa babaeng iyon. Kung paano biniyak ang puso ko sa mga ungol na narinig ko.

Nakakadiri.

Naimulat ko ang aking mata nang marinig ko na tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at sinilip kung sino. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang nakita ko ang pangalan ni Gregory sa linya. Isang linggo na simula nang nahuli ko siya sa kagaguhan niya at isang linggo ko na rin siyang hindi kinausap.

Isang linggo kong dinama ang sakit. Hindi ko pinaalam sa lahat dahil alam ko naman na walang makikinig sa akin sa pamamahay na ito. Alam kong hindi magiging madali ang buhay mag-asawa. Alam kong maraming pagdadaanan pero masyado akong nagtiwala kay Gregory. Masyadong mataas ang tingin ko sa kanya dahil alam ko na siya lang ang lalaking mamahalin ko at hindi niya ako magawang lokohin.

Pero nagkamali pala ako. Ako lang pala itong kumapit. Ako lang pala itong may tiwala sa kanya at sigurado ako na ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Hindi ako sapat para sa kanya.

Cheating is a choice, and I am not his choice.

Hindi niya inisip ang naramdaman ko. Hindi niya ako inisip nang napagdesisyonan niyang maghanap ng iba. Choice niya iyon. Choice niya na gaguhin ako.

Bumangon ako sa kama at naisipan na puntahan si dad sa kanyang opisina. Gulong-gulo ang buhok ko at hindi pa ako naliligo. Kanina ko pa ito pinag-isipan at nagdarasal ako na sana ay pakinggan niya ako. Humugot ako ng malalim na hininga nang nasa tapat na ako ng pinto. Nanginig ang kamay ko nang hinawakan ko ang door knob. Nagdadalawang-isip ako pero kailangan kong gumawa ng paraan. Huminga ako nang malalim at pinihit ang door knob.

Bumungad sa akin ang malamig niyang opisina na kasing lamig ng tingin ni Dad sa akin na ngayon ay nagtataka sa aking presensya. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinagat ko ang ibabang labi ko. Mahina kong sinara ang pinto at saka mahinang naglakad patungo sa kanya habang nakayuko.

"Ano ang ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong sa akin nang mag-angat ako ng tingin.

Nanindig ang balahibo ko sa tono ng kanyang pananalita. Kaya natatakot ako na mag-approach sa kanya dahil palaging galit o hindi kaya dahil sa boses niya na para kang tinatakot. Nakaupo siya sa swivel chair habang busy sa pagbabasa sa papel na hawak niya.  

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now