Kabanata 28

44.5K 1.9K 306
                                    

WANNA BE

Ilang buwan na ang nakalipas simula nang naging kami. Ang masasabi ko lang ay ang saya-saya ko at ngayon lang ako nakaramdam ng kontento sa buong buhay ko. Minsan, namamasyal kami sa ibang lugar at pinapakita niya sa akin ang ibang destinasyon na hindi ko pa napupuntahan kahit may takot pa rin sa akin na baka may makakilala sa akin. Naging kampante ako nang dahil kay Brent. Siniguro niya sa akin na hinding-hindi ako makukuha ni Gregory at ng Daddy ko.

"Masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Brent habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Dinig na dinig ko ang kanyang malalim na hininga. 

Dinatnan kasi ako at sobrang sakit ng puson ko. Binilhan niya ako ng sanitary pad at pain reliever.

"Masakit." At pumikit ako.

Hindi ko maiwasan na sabihin iyon sa kanya dahil parang binibiyak at sinasaksak ang puson ko dahil sa hapdi at sakit.

Nakahiga lang ako sa kama habang ang mukha ko ay nakasubsob na sa malambot na unan. Halos maluha na ako dahil minsan ay ganito talaga kapag nireregla ako.

"Shit! Should I take you to a doctor?"

"Hijo!" tawag ni Manang Eula na nakapasok na sa kwarto. "Hindi na kailangang dalhin sa ospital ang ganiyan."

"Manang, paano mawala ang sakit? My girlfriend is hurting!" Hindi na mapakali si Brent at paulit-ulit na hinahalikan ang likod ng kamay ko.

Hindi naman ako mamamatay. Sinabi ko lang na masakit. Ang OA naman nito! Gusto ko makita ang reaksyon niya pero masakit talaga ang puson ko ngayon. Bakit ngayon pa?

"Hijo, dysmenorrhea ang tawag sa masakit na menstruation. Kaya masakit talaga iyan! Painumin mo lang ng pain reliever. Mawawala din iyan," ani Manang sa kalmadong boses.

Tumango ako, sang-ayon sa sinabi ni Manang. Pero masyado yata itong nag-aalala si Brent.

"Manang, can you tell me a solution for this fucking problem? I bet you have an idea."

 Umalis ako mula sa pagkasubsob sa unan at gulat na binalingan si Brent na ngayon ay naka-upo na sa kama ko.

Tumawa si Manang. "Ikaw talaga hijo! Syempre meron!"

"That’s it! Paano? Tell me, Manang Eula!”

Ngumisi nang nakaloloko si Manang Eula at tiningnan si Brent na naghihintay ng sagot.

"Buntisin mo ang girlfriend mo, hijo. Nine months iyang hindi magkakaregla."

Nanlaki ang mata ko at umusbong ang init sa buong mukha ko. Binawi ko ang kamay ko kay Brent at sumubsob sa unan sa sobrang hiya. Umalis na si Manang pagkatapos at biglang tumahimik si Brent. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Naiilang ako at the same time ay kinakabahan. Bakit ba kasi wrong timing ang lahat?

"Should I make love to you right now?"

Nanlaki ang mata ko at gulat na nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Mas lalong namula ang buong mukha ko. Ano ba ang iniisip ng lalaking ito?

Humarap siya ng buo sa akin. "Para hindi ka na mahirapan!"

Inis ko siyang tinalikuran at humiga patagilid. Naiinis ako sa kanya. Naramdaman ko ang paglubog ng kama at ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

"Kidding! Can we sleep a bit? Alam kong masakit pa rin. Sana ako na lang ang nakaranas niyang sakit mo para hindi ka na iiyak. I hate seeing you cry, Louise," bulong niya sa tainga ko at yumakap lalo sa akin.

Tumango ako at pumikit. Ilang oras kaming gano’n bago niya ako pinag-isipan na lutuan. Gano’n si Brent. Sobrang maalaga siya sa akin at nirerespeto niya ako. Hindi siya katulad ng iba dahil ibang-iba siya. Hindi niya ako pinipilit sa anuman. Sabi niya kapag gagawin na namin ang bagay na iyon, dapat handa na ako at hindi pilit. Sabi niya hindi naman iyon ang habol niya sa akin.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now