Kabanata 37

43.7K 1.7K 33
                                    

WEDDING

Bumalik muli ang tiwala ko kay Brent at masaya ako nang sinabi niya sa akin na mahal ako at kasinungalingan lang ang sinabi niya sa tawag na iyon. Pinaniwala niya lang si Greg at hindi ko alam kung naniwala ba talaga si Greg sa kanya. Pero gano'n pa man, bumalik muli ang tiwala ko sa kanya.

Kahit walang kasiguraduhan, pumayag ako sa kagustuhan niya na pakasalan ko si Gregory. Na maglalakad ako patungo kay Greg sa harap mismo ng altar.

Ang sabi niya sa akin ay hindi niya ako pababayaan at gagawin niya ang lahat upang hindi matuloy ang kasal. Kaya tataagan ko ang sarili ko sa plano na ito. Kung kailangan kong magpanggap, gagawin ko basta lang maisagawa kung ano man ang balak ni Brent.

Kinabukasan, masaya at tagumpay na ngiti ni Daddy ang sumalubong sa akin. Sinuri niya ako at lumaki ang ngisi niya nang makita na suot ko na ang gown at kasalukuyan na akong inaayusan. Naka-tuxedo siya at ayos na ayos ang buhok. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lamang sa salamin. Nakita ko sa repleksyon ng salamin ang pag-irap ni Hailey habang kinikilayan siya ng makeup artist.

"Mabuti at matutuloy na talaga ang kasal ninyo ni Gregory, anak!" masayang sambit ni Daddy at lumapit sa banda ko. "Wala na namang balak tumakas sa akin, hindi ba?"

Ngumisi ako sa kanya at saka tiningnan muli ang salamin kung saan nakita kong nakatingin na sa akin si Hailey. Tiningnan ko si Daddy.

"Wala na po akong balak tumakas pa, Daddy," sambit ko at ngumiti pa. "Pakakasalan ko si Gregory gaya ng gusto niyong mangyari."

Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Brent at hindi ako mapapanatag. Ano ang gagawin niya?

Tumawa si Daddy at ngumiti rin pabalik sa akin. "Gano'n nga, anak. Paligayahin mo ako para mas lalo akong papabor sa iyo. Huwag kang mag-alala, makukuha mo na ang kotse mo pagkatapos ng kasal at puwedeng-puwede mo siyang dalhin sa ibang bansa. Hindi lang naman ang kompanya ang magkakabenepisyo sa gagawin mo, anak. Pati na rin ang kinabukasan ni Hailey at ang kabuhayan ng mommy mo."

Hindi na ako sumagot at pinagtagpo ko ang aking labi. Mabuti at tinawag si Dadd kaya nilubayan na niya ako. Wala akong panahon para makipaglokohan ngayon. Ngayon ay ang araw ng kasal ko at sigurado akong mahigpit ang sekyuridad para hindi na maulit ang ginawa ko noon.

Matapos akong ayusan ay iniwan ako ng makeup artist kasama si Hailey na nagsusuot na ng kanyang heels. Ang motif ng kasal na ito ay pink. Hindi ko alam kung bakit pink pero hindi naman sa akin ang desisyon. Sila lahat ang nag-asikaso.

"Wala ka bang balak tumakas?" tanong bigla ni Hailey matapos niyang suotin ang kanyang heels.

Nakaharap na ako sa kanya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Alam mo, Hailey? Ang gulo mo."

Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. Humalukipkip naman siya at hinayaan akong lumapit.

"Ikaw mismo ang nagbalik sa akin dito sa impyernong ito tapos ngayon ay tatanungin mo ako ng ganiyan? Are you okay?"

Umirap siya. "Whatever bitch! Nagtatanong lang ako. I am not concern or something! Taman ga na nandito ka na para bumalik na sa dati ang buhay ko. At para mawala ka na rin nang tuluyan sa buhay ni Mommy! Simula nang ibinalik kita rito ay hindi na niya ako masyadong pinagtuunan ng pansin. I hate you for that!"

"Mommy ko siya, Hailey," ani ko at saka seryoso siyang tiningnan. "Kaya hindi lang ikaw ang pagtuunan ng pansin."

Tumawa siya at ngumisi nang nakakaloko sa akin. "But I am her favorite."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Oh, are you hurt?" Ngumuso siya at maya-maya ay tumawa. "Don't worry. I am sure naman na magbabago na si Gregory para sa iyo. Hindi naman kasi all cheaters ay magiging cheaters na forever. Pero alam mo..." Kumalas siya sa pagkahalukipkip at tinuro niya ang buhok ko. "Better change your hair color. Ang babae ni Gregory ay blonde ang buhok."

May napagtanto ako sa huli niyang sinabi. Kaya siguro ayaw ni Gregory sa kulay ng buhok ko dahil may naalala siya. Bakit? Binibisita na ba siya ng konsensya niya? Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari pero wala akong masyadong naramdaman na galit sa babae. Mas galit ako kay Greg at sa sarili ko dahil nagpakatanga ako sa lalaking lolokohin lang pala ako sa huli.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka tiningnan siya. "What if I don't? Hailey, wala ka na bang magagawa sa buhay mo kundi ang pakialaman ang buhay ko? Pakiayos mo naman ang sarili mo bago mo ako pakialaman. Araw ng kasal ko ngayon. Huwag mong sirain ang araw ko dahil sa akin nakasalalay ang magandang buhay mo."

Natawa siya sa sinabi ko. "Hello! Hindi ko na kailangang pakialaman ang buhay mo dahil matagal ka nang sira dahil sunod-sunuran ka. Kaya ang dali mong mauto eh."

"Mag-ingat ka sa pananalita mo, Hailey. Baka ito na ang huling araw na humihiga ka ng salapi."

Hindi ko alam bakit ko iyon nasabi. Basta lumabas na lamang iyon sa bibig ko dahil sa iritasyon. Akmang magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang kasambahay.

"Ma'am, lumabas na raw kayo," aniya sabay punta sa may likuran ko upang iangat ang gown ko.

"Good luck to your wedding, sister! Sana nga't kontento na nga si Gregory sa iyo. Ang mga kagaya pa naman niya ay hindi marunong makontento lalo na sa isang katulad mo. But then again, wala ka nang magagawa kundi ang mag 'I do' sa kanya." Kinindatan niya ako at saka ngumisi.

Pinagtagpo ko ang aking labi habang papalabas sa room. Narinig ko ang masayang tawa ni Daddy habang kausap ang isang lalaki. Nakita ko si Mommy na may lungkot at pagkabahala sa kanyang mga mata. Nakabihis na rin siya at hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa kanyang kagandahan.

"Mommy," ani ko nang lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Anak, tutulungan kita sa pagtakas."

Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa paligid. Nakita ko na umatras ang kasambahay na humawak sa laylayan ng gown ko at tumango kay Mommy.

"Mom-"

"W-Wala nang panahon, anak! Hindi ko hahayaan na matali ka sa lalaking nanakit sa iyo." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Gusto ko na maging masaya ka, anak. Wala na akong ibang hangarin kundi iyon lang."

"Mom..." Lumayo ako sa kanya kaya nabitiwan niya ang kamay ko. "Wala na ring oras para tumakas. Ano ba ang nasa isip mo?"

Napasinghap siya. "Anak-"

"Maraming mga tauhan si Daddy! Hindi na ako makakatakas. And I'm sure kapag tatakas ulit ako, hindi lang sampal ang makukuha ko," pagputol ko sa kanya.

"Pero-"

"Mommy!"

Umalingawngaw ang boses ni Hailey habang papalapit siya sa amin. Mabilis na lumapit si Hailey kay Mommy na ngayon ay nasa akin pa rin ang tingin.

"Mommy! Sabay na tayo sa van. Tatabi ako sa iyo, Mommy!"

Umiwas ako ng tingin sa kanila at naglakad na patungo sa labas. Nakita ko pa na pinagmamasdan ng bodyguard ni Daddy ang bawat hakbang ko kaya hindi ko maiwasan ang mapairap. Hindi naman ako tatakas dahil kung may balak man ako, alam ko na hindi ako magtatagumpay kaya susundin ko na lang ang sinabi ni Brent sa akin. Ang pakasalan si Gregory Sanchez.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon