Kabanata 4

65.7K 2.7K 141
                                    

FORGET

Puti.

Puting kisame ang bumungad sa akin nang inimulat ko ang aking mata. Ang unang naramdaman ko ay sakit. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at halos hindi ko maigalaw ang kamay ko. Binalingan ko ang gilid ko at nakita ko ang dextrose. Kumirot ang puso ko nang napagtanto ko na naaksidente pala ako. Sa sobrang desperada ko na makawala sa kasal, ito ang naging resulta. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na ngayo'y buhay pa ako. Sana namatay na lang ako.

 Sila ba ang nagligtas sa akin? Sila ba? Kung gano'n, sana namatay na lang talaga ako para hindi na ako maghirap. Kasi kahit ano pa man ang gagawin ko, kapag nasa kamay pa rin nila ako, wala akong magawa kundi ang sundin ang gusto nila.

I hate myself for being weak. I hate myself for being kind and obedient to them. Sana malakas at matatag ako para malabanan ko ang lahat ng ito. Sana ay may lakas-loob akong sabihin ang lahat ng hinanakit ko. Sana marunong akong tumanggi.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang pagpihit ng pinto. Hindi ko rin maibangon ang sarili ko at may bandage pa ang ulo ko. Nang nagbaba ang tingin ko sa braso ko, may natamo akong mga sugat na mukhang nagamot na. Nangilid ang luha ko. Sana pala ay tuluyang nabagok ang ulo ko. Sana ay hindi na lang ako makaalala.

Being cheated by the one you love is the scariest thing that every human will experience. At totoo nga na masakit. Totoo nga na nakatatakot. Hindi ko in-expect ang lahat. Sobrang kampante ako na hindi iyon magagawa ni Gregory sa akin.

Natigil ako sa aking iniisip nang biglang pumasok ang isang ginang na may dalang walis. Mahina siyang kumakanta habang nagwawalis sa sahig. Hindi niya siguro napansin na gising na ako kaya hindi niya ako nilingon. Huminga ako nang malalim at iginala ang paningin sa buong kuwarto. Kumunot ang noo ko at na-realize kalaunan na hindi ito ospital. Nang binalingan ko ng tingin ang ginang, hindi siya pamilyar sa akin. 

May ibang bahay ba sila Gregory? Sila Dad? Bigla akong naguluhan dahil wala naman akong alam na secret house ng dalawa.

Nasaan ako?

Nakatalikod pa rin sa akin ang ginang na ngayon ay inaayos na ang malaking kurtina sa kuwartong ito. Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob na tanungin siya. Nagdadalawang-isip ako dahil baka tama ang hinala ko na si Dad at Greg ang naglagay sa akin dito.

"E-Excuse m-me," namamaos ko na sambit. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Nilingon ako ng ginang at namilog ang mata niya nang nakita niya akong gising. Nabitiwan niya ang walis na hawak niya at tarantang umalis. Umawang ang labi ko at bahagyang nadismaya. Hindi ko rin maiwasan na magtaka sa kanyang reaksyon. Siguro ay pupuntahan niya si Greg o si Dad para balitaan na gising na ako. Kung sila nga ang nagligtas sa akin, ililigtas nila ako kahit ano'ng mangyari. They will continue the wedding kahit ganito na ang kalagayan ko.

Naaawa ako sa sarili ko.

Hindi gaano katagal simula nang lumabas ang ginang ay narinig ko muli ang pagpihit ng pinto. Bumilis muli ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Humigpit ang kapit ko sa bed sheet. Nanginig ako at halos pumikit na ako sa sobrang takot. Umaasa ako na sana hindi sila ang makita ko. Patuloy sa pagtulo ang luha ko at kulang na lang, mag-iingay na ako sa sobrang takot na naramdaman.

Kahit blurry, isang lalaki na naka-sweater at sweatpants ang naaninag ko. Nakapamulsa siya habang papalapit sa puwesto ko. Nang lumabas ang hikbi sa bibig ko, natigil siya sa paglalakad. Kinagat ko ang ibabang labi ko at kinurap-kurap ang mata. Nang naging malinaw na ang paningin ko, umurong ang luha sa aking mata dahil sa pagtataka. Saglit na nawala ang takot ko at napalitan ng matinding pagtataka.  

"You're awake."

Ang kanyang boses ay malalim at kalmado. Hindi sigaw ni Daddy at hindi malambing na boses ni Gregory. Ibang lalaki ang nakikita ko ngayon. Magkasingtangkad sila ni Gregory ngunit mas hulma ang katawan niya sa suot niya. Clean-cut ang buhok niya na kulay abo. May eyeglasses siya na suot at malamig ang tingin niya sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok.

"B-Bakit ako n-narito?" nauutal ko na tanong.

Mahina akong napasinghap nang nakilala ko na siya. Bumalik muli ang kaba sa sistema ko. At alam ko na kung ano ang ginagawa niya rito. Posibleng ganoon nga.

"I-Inuutusan k-ka ba ni Greg?" lakas-loob kong tanong at bumuhos muli ang luha sa mata. "I-Inuutusan ka niya?"

Akmang lalapitan na sana niya ako nang puwersahan kong inangat ang kamay ko para pigilan siya. Napapikit ako dahil sa sakit.

"H-Huwag!" nanginginig kong sabi at umiling-iling sa kanya. "Huwag kang lalapit!"

Nang nagmulat ako ay nakita ko ang kalituhan sa kanyang mukha kaya nagpatuloy ako.

"Kung nandito ka para ibalik ako kay Greg, hindi ako makakapayag! Hindi!" buong pusong sigaw ko kahit paos pa rin.  

Nagulat siya sa sigaw ko. Litaw na litaw siguro ang pagkadesperada ko. Baka nasa isip niya ay baliw na ako. Handa akong maging baliw basta maintindihan lang ako ng mga tao. Gusto kong malaman nila na may sarili rin akong desisyon. Na hindi ako sunod-sunuran. Humagulhol ako at napapikit muli. Ininda ko ang sakit sa aking katawan.

Bakit pa ba ako nabuhay? Bakit hindi na lang nila ako hinayaang mamatay sa aksidenteng iyon nang matapos na ang lahat?

Narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga niya. Nang nagmulat ako ng tingin, nagulat na lamang ako nang bigla siyang naghila ng upuan at umupo malapit sa puwesto ko. Para akong nakuryente nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko na may bandage. Pumungay ang kanyang mata at hindi katulad kanina na kasing lamig ng yelo ang kanyang tingin.  

"What do you want me to do?" mahinang tanong niya at direkta akong tiningnan sa mata.  

"Please don't tell Greg," pagmamakaawa ko. "Ayokong bumalik sa kanya, sa pamilya ko. Please let me go..."

Isang beses lang akong nagmamakaawa at ngayon ang pangalawang beses. Noon pa man, sinunod ko na sila sa gusto nila. Pinagbigyan ko sila sa lahat pero ako, hindi nila ako kayang pagbigyan sa gusto ko. Sino naman ang gustong maikasal sa taksil na lalaki? Tanga lang siguro ang gagawa no'n at hindi ako tanga sa kanya.

Kung sana noon pa, sinabi na niya sa akin na ayaw na niya. Mas matatanggap ko pa iyon at pipiliin ko na mag-move on at magpatuloy sa buhay. Pero iba ang ginawa niya. Mas pinili niyang ipagpatuloy ang relasyon namin habang may patago siyang kinakama. Kaya niya akong ipagpalit sa tawag ng laman. Hindi sapat ang pagmamahal ko sa kanya.

Nag-iba ang kanyang ekspresyon nang sinabi ko iyon. Hindi ko na muli siya halos maaninag dahil sa luhang humaharang. Mahina akong napasinghap nang naramdaman ko ang kanyang malamig na kamay sa aking pisngi. Salubong ang kanyang kilay at kasing lamig ng kanyang boses ang kanyang matang nakatingin sa akin ngayon.

"Don't cry and don't beg," malamig niyang sinabi. "Kung ano man ang ginawa sa iyo ni Gregory, hindi niya deserve ang luha mo."

Umawang ang labi ko. "P-Pero ayoko nang bumalik doon. H-He cheated on me," pag-amin ko at nag-iwas ng tingin. "I caught him...doing that thing with a girl...at masakit iyon sa akin."

Hinayaan ko na tumulo ang luha ko. Bakit ba hindi maubos-ubos ang luha ko?

Umigting ang kanyang panga sa narinig. Tumaas-baba rin ang kanyang adam's apple. Nang nagtama ang paningin namin ay binigyan niya muli ako ng isang malamig na tingin.

"I will help you," sambit niya at umayos ng upo. "But with a condition..."

Umawang ang labi ko at dali-daling tumango. Wala akong ibang maisip na paraan. Kung aalis ako at tatakasan siya ay baka isumbong niya ako kay Gregory. Dating magkaibigan sila ni Gregory. Kahit alam ko na hindi na sila masyadong close ay may posibilidad pa rin na sasabihin niya kay Greg ang lokasyon ko.

Dumilim saglit ang kanyang tingin pero agad ding nawala. Bumuntonghininga siya at pinagtagpo ang sariling kamay. Seryoso niya akong tiningnan.

"Forget about him. Forget Greg and heal yourself. A cheater will always be a cheater, Khadijah. He's not worthy of your precious tears."

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now