Kabanata 11

49.9K 2.1K 145
                                    

DRUNK

Naisipan ko na lang na maglakad-lakad sa buhangin. Habang naglalakad, iniisip ko si Brent at kung ano ang ikinagalit niya. Siguro ay may problema siya na hindi ko alam. Siguro ay ayaw niyang makausap ang babae kasi habang nagsasalita ang babae kanina, igting na igting ang panga niya. Magkaibigan naman sila, hindi ba? Ang suwerte niya nga kasi may kaibigan siya.

Bumuntonghininga ako at saka pinatid ang maliit na bato na nadaanan ko. Ang aking kamay ay nasa likod ko.

Natigilan ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin nang marinig ko ang malakas na tawanan ng mga babae. Umawang ang labi ko nang nakita ko na naman ang tatlong magkakapatid.

"Nandito na naman..."

Namilog ang mata ko sa narinig. Akmang magsasalita na sana ako nang biglang kumaway sa akin ang babaeng may maikli na buhok. Pareho sila lahat ng itsura pero agad-agad mo silang ma-identify dahil sa style ng buhok. Itong kumakaway sa akin ay siyang may hanggang leeg ang haba ng buhok. Straight pa na bumagay sa kanya.

"Hi, Louise!"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat Ang kanyang isang kapatid ay inirapan lang ako at tumalikod.

"Hala, galit ka ba sa akin?" tanong niya sa malungkot na boses at lumapit sa akin. "Sorry, mukhang natakot yata kita. Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko, ah."

Tumango ako. "Okay lang. Naiintindihan ko lalo na't bago pa ako rito."

Ngumuso siya sa akin at binalingan ang bahay ni Brent. "Bumisita pala kanina ang bruha."

Kumunot ang noo ko. "Bruha?"

Tumango siya. "Si Nathalia! Bruha iyon! May gusto iyon sa boyfriend mo kaya bantayan mo. Nakita ko talaga kung paano lumungkot ang mukha niya nang nalamang wala si Brent dito."

Humagikhik siya pagkatapos na siyang ikinangiwi ko. Ang tawa niya ay tunog hyena kaya napangiwi talaga ako.

Ilang na tumango ako sa kanya at kinagat ang ibabang labi. Hindi ko naman boyfriend si Brent kaya malaya ang babaeng iyon na gustuhin si Brent. Brent was just helping me pero hindi ibig sabihin no'n na bawal na siyang mag-girlfriend.

Bumuntonghininga ako at umupo sa may buhangin. Kinuha ko ang stick na nakita ko at gumuhit ng bilog.

"Puwede ba akong tumabi sa iyo?" nag-aalinlangan niyang tanong.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at binalingan ang likuran niya. Umawang ang labi ko nang nakitang iniwan na siya ng mga kapatid niya.

"Oo naman," tipid kong sagot at ibinalik ang sarili sa pagguhit.

Excited siyang umupo sa tabi ko at nginitian ako.

"Ang ganda mo," pagpuri niya sa akin na ikinatigil ko sa pagguhit. "Mas lalo kang gumanda sa bagong hairstyle mo. Muntik na kitang hindi makilala."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at namula ang pisngi sa hiya. Tumikhim ako at saka sumulyap sa kanya. "S-Salamat."

"At saka, ang puti mo," dagdag niya pa. "Ano ba ang sabon mo?"

Ngumuso ako at inalala kung ano ang sabon na gamit ko noon. It was a product from Greg's company. At saka kaya ako maputi kasi maputi ang mommy ko. Namana ko yata sa kanya.

"I don't exactly remember..." I lied. Ayaw kong malaman nila na sabon gawa ng kompanya ni Greg ang ginamit ko noon. Baka pagdududahan nila ako.

Ang sabon na ginamit ko ngayon, si Brent ang bumili. Hindi ko tanda ang pangalan pero alam ko na mamahalin iyon.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now