Kabanata 22

42.3K 2K 81
                                    

HEAR

Takot ang naramdaman ko sa disco na iyon. Takot na baka makita ako at mahuli. Nakita ko talaga si Jacob, isa sa mga tauhan na pinagkatiwalaan ni Gregory.

“Don’t worry. Hindi sila makakaabot dito,” he assured me. “I already told some of my men to roam the whole area.”

Wala sa sariling tumango ako habang hawak ko ang kamay kong nanlalamig na sa kaba. Narito na sila sa Badian at kapag gagala pa ako ay baka makita nila ako. Hindi ko kakayanin iyon.

Balisang-balisa ako rito sa sala habang pinagmamasdan ako ni Brent. Narinig ko ang kanyang mahinang paghinga at hinawakan niya ang mukha ko. Ang kanyang mata ay seryosong-seryoso na nakatingin sa akin at ang kanyang kilay ay nakasalubong.

“Hindi ka nila mahahanap. Trust me, Louise. Hindi mo alam, pero I am more than just Brent Jackson. Hindi mo pa ako kilala.”

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Alam ko naman na hindi ko pa siya masyadong kilala bukod sa pangalan niya at kaunting impormasyon sa kanya pero pinapasok ko na siya sa buhay ko, sa puso ko.

“B-Brent, aalis ba tayo rito?” kinakabahan kong tanong.

Hindi ko rin maiwasan ang isipin si Pempem dahil baka nag-alala na iyon sa akin. Hindi ko maiwasan ang malungkot kung aalis kami rito. Masyado ko na yatang inabala si Brent. Sobrang hiyang-hiya na ako dahil pati siya ay damay na sa kalokohang ito.

Piniga ko ang kanyang kamay na walang pahintulot kaya nagulat siya sa ginawa ko. Napalunok ako at tiningnan siya.

“Brent, m-maybe I should go alone—”

“No!” Tumayo siya kaya nabitiwan ko ang kamay niya.

Busangot ang mukha niya at parang nainis pa yata sa sinabi ko. Tumayo rin ako at tiningnan siya.

“Masyado na kitang naabala. Hindi mo na ako kailangan tulungan pa. Sobrang salamat ko na kasi ang laki nang naitulong mo pero ayokong madamay ka dahil sa akin.”

“I don’t fucking care if I die just to make your dreams come true, Khadijah Louise,” malamig niyang sabi. “I will do anything just to make you happy, para maging malaya ka na sa kanila, sa lahat! I will die with a smile, baby.”

Humakbang siya palapit sa akin at hinaplos ang pisngi kong basa na dahil sa luhang tumutulo sa mata ko.

“Simula no’ng sinabi mong gusto mo rin ako, sa’yong sa’yo na ang buhay ko. Simula nang tumibok iyang puso mo sa akin, wala na akong balak na bitiwan at ibalik ka sa lalaking dumurog sa puso mo. Gano’n kita kamahal, Khadijah Louise. Wala akong pakialam kung sino ang babanggain ko, huwag ka lang bumalik sa kanya.”

Gusto kong itanong kung ano ang pangarap niya, kung bakit niya ito ginagawa bukod sa mahal niya ako.

“Ako naman talaga ang nauna…” aniya at tumingala, hindi niya halos mabigkas ang huling salita. “Siya lang ang unang napansin mo.”

Napasinghap ako sa narinig. Nagbaba siya sa akin ng tingin. Ang kanyang mata ay halo-halo na ang emosyon. 

“Ako ang unang nagkagusto sa ’yo noon pa man. Inagaw ka lang sa akin. Inagaw ka lang niya sa akin.”

Kumunot ang noo ko. “Brent, what are you—”

“Wala pa mang kayo ni Gregory ay sira na ang pagkakaibigan namin pero alam niyang gusto kita. That’s why he used you against me. Nilapitan ka niya para mas pagalitin ako. He was my best of friends but sadly, we ended it with a fight. Pero mas lalong lumala dahil sa sobrang pagka-competitive niya.”

Hindi pa rin maproseso sa akin ang mga sinabi sa akin ngayon ni Brent. Napaupo ulit ako at napahaplos sa tuhod. Sinabi niya na sa akin na matagal na siyang may gusto sa akin pero hindi ko mapigilan ang manghina dahil sa narinig. Pero minahal naman talaga ako ni Greg, hindi ba?  

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant