Chapter 02

710 16 5
                                    

Chapter 02:

Mayko POV

Hello everyone 😊 I am Alexa Figueroa. Nice meeting you

"p..pare sino yan?" tanong ko sa classmate kong si Tim. Isa isa kasi kaming nagpapakilala at ang ganda ng bago naming classmate.

Chinita sya na maputi. Ang hinhin din at cute ng dimples. Ganyan mga bet ko.

"ahh sya ba? Si Alexa yan. Section b dati. Nagreshufle at sa section natin napunta" si Tim.

"talaga? Bakit ngayon ko lang sya nakita?"

" Mukha mu! Ikaw pa dakilang chicboy ka walang nakakaligtas sa mga mata mo" pang-aasar ni Tim.

"oo nga, di ko naman kilala mga taga section B eh" sabi ko.

"sa bagay.. Di naman natin sila nakakasabay ng sched at alam ko parit parito yan sa estates kaya siguro di mo madalas makita. Bakit type mo?"

Hindi ko talaga kilala yung mga nasa ibang section dahil never namin sila nakasabay ng schedule. Kung alam ko lang na may maganda dun.

"oo.. Ligawan ko kaya?" sabi ko.

"siraulo ka pre.. Magpapaasa ka na naman. Nung nakaraan nilagawan mo si Jamie tapos nagghosting ka tapos si Ella tapos ngayon yan naman"

"uy hindi ah.. Ang ganda nya kasi. Seryoso ako"

"tss. Bahala ka" si Tim.

----------------

Zinni POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa taas ng puno, tamang kuyakoy lang habang pinanonood ang paglubog ng araw. Ang sarap kasi talaga magpahinga dito. Presko at wala akong paki kahit sabihan pa nila akong unggoy.

Kinuha ko ang papel at gumuhit.
Matagal tagal na din ng huli akong makaguhit.

Matagal tagal na din ng huli akong makaguhit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ampangit. Agad ko itong nilukot. Ewan ko mabilis akong mapangitan sa mga gawa ko samantalang halos bilhin ng mga classmate ko at teachers ko ang mga drawings ko? Ok lang naman. Nakukulangan lang siguro ako.

Dumako ang paningin ko sa baba at nakita ko ang padating na si Alexa.

Napabalikwas ako sa pagkakasandal sa puno. Bumilis agad ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya. Napakaganda talaga nya.

"hoy bruha bumaba ka nga dyan" si Kuya Zanti.

Mabilis kong tinalon yung puno pababa. Ewan ko di naman ako takot sa heights.

"haysss baliw ka talaga pano pag napilayan ka?? Blah blah" di ko sya pinansin. Agad kong pinuntahan si Alexa.

"Hi Alexa. Pauwi ka na ba? Sabay na tayo" nakangiting sabi ko.

"ahmm susunduin kasi ako ni Daddy kaya di pwede" sabi nya.

"ahh ganun ba? Sige ok lang.." nakakalungkot naman na di ko sya pwede sabayan "nga pala.." may inabot ako sa kanya "para sayo 😊" sabi ko.

Inabot ko ang isang maliit na box. Laman nun ay kwintas. Yun yung pinambili ko ng napanalunan ko kanina.

"sana magustuhan mo 😊😊" ika ko.

"thanks" nginitian nya ko tyaka sya umalis. Hayyyyy ang bait nya talaga.

"hoy babaita tumigil tigil ka nga dyan sa mga kalokohan mo. Pag nalaman yan ni papa" biglang singit ni Kuya Zanti. Andyan pala sya.

"tumigil ka din sa kabaklaan mo kuya, titigil din ako" naglakad na ko palayo sa kanya. At sya ay sumunod na sakin.

"di ako bakla ah.. Babae ako and don't call me kuya. Ate mo ko pag nasa labas tayo" si kuya Zanti.

------------------

Alexa POV

"wow mamahalin ang kwintas na yan!" si Gretchen Bff ko. Andito kami at naghihintay sa pagdating ng sundo ko.

"eto ba?" itinaas ko yung box na bigay ni Zinni. Tyaka ko tinapon sa basurahan. "don't care"

"huy grabe ka naman. Bakit mo tinapon? Sana binigay mo na lang sakin" si Gretchen.

"hello naiirita na ko sa tomboy na yun? As if namang sasagutin ko sya. Edi tomboy na din ako? No way"

"hindi naman. Sayang naman mga bigay nya kung itatapon mo lang. Edi benta natin"

"I don't need it. Hindi naman ako mahirap para magbenta. Basta ayoko sa kanya. Super yuck"

Biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Pagbaba ng window.
Sya yung classmate kong kanina pa ang tingin at kindat sakin?

"Hi Girls" bati nya.

"OMG Mayko ng Oasis band!! Hii.." halos wagwagin ako ni Gretchen sa kilig nya. Sino ba yan?

"sino yan?" bulong ko kay Gretchen

"boobita ka! Yan yung bahista ng Oasis Band. Member nila Terrence! Hay naku teh. Puro ka kasi aral eh. Landi landi din" si Gretchen.

"hatid ko na kayo" sabi nung guy. In fairness gwapo.

"Omygaaadddd bet nya ko Alexaa" Mamatay matay na sya sa harap ko.

Tss. Napatingin ako sa guy sabay kindat sakin. Anong trip neto?

------------

Ang Karibal kong Maangas (Complete)Where stories live. Discover now