Chapter 56

308 8 0
                                    

Zinni POV


Gabing gabi na pero di pa din ako umuuwi. Umupo ako sa duyan sa playground na nadaanan ko. Pinapanood ko ang mga batang naglalaro dun.

Maya maya'y pumatak ang ulan. Inilahad ko ang kamay ko at sinapo ang mga patak ng ulan.

Lumakas na ito. Nagsilungan na ang mga tao pero ako ay nananatiling nababasa.

Napakalakas ng ulan. Wala na kong pakielam kahit mabasa ako. Tumingin ako sa ulap at sinapo lahat ang pagpatak ng ulan. Tulala ako at di alam ang gagawin ko.

Kasabay ng malakas na ulan ang pagtulo ng luha ko.




Naglakad ako. Hindi ko alam kung sa'n dadalhin ng mga paa ko. May isang tao lang akong gustong makita. May isang tao lang akong gustong puntahan.










---------------

Mayko POV

Nakatayo ako sa pintuan at pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan.

Palakas ng palakas ang ulan na lalong nagpapalamig sa gabi.

Nagpadagdag lang sa kalungkutan ko ang pag-ulan.











*ding dong*

May nagdoor bell. Agad kong kinuha ang payong at pumuntang gate para tingnan kung sino ito.

Pagbukas ko ng gate. Andun si Zinni at nakatayo. Basang basa sya.


Bigla syang tumakbo at niyakap ako. Nabitawan ko ang payong na hawak ko kaya dalawa na kaming nababasa.


Iyak sya ng iyak. Galit ako sa kanya pero ayoko syang nakitang umiiyak. Kahinaan ko sya.


Eto na ang pangalawang beses na nakita ko syang basang basa sa ulan at umiiyak. Kahit kelan di nya iniisip ang sarili nya. Nung una ko syang nakilala, napakamaton nya pero napakaiyakin pala nya.



"Mayko mahal na mahal kita" sabi nya. Hinalikan nya ko sa labi. Paulit ulit. "tatandaan mo yan ha.. *kiss* mahal na mahal kita. Patawarin mo ko sa lahat ng kasalanan ko" niyakap na naman nya ko at umiyak ng umiyak sa dibdib ko. "ikaw lang ang mamahalin ko. Wala nang iba"









Hay Zinni..
Ano bang meron ka at pagdating sayo..  Nagiging malambot ako.











Hindi ko kayang umiiyak sya. Nasasaktan ako. Hindi ko sya matiis. N..Niyakap ko din sya. Hinihimas ko ang ulo nya habang umiiyak. Iniharap ko sya at pinunasan ang luha nya.
"tama na.. Wag ka na umiyak ha.." lalo syang umiyak pagkasabi ko nun "mahal din kita" sabi ko.




Niyakap nya ko ng sobrang higpit. Ang tagal naming magkayakap. Ang sarap.. Mahal na mahal ko sya. Namiss ko sya. At hindi ako magsasawang yakapin sya.



Handa naman ako patawarin sya eh. Kasi mahal ko sya.









Hanggang sa pagpasok ng bahay. Hindi nya binibitaw yakap nya sakin.



"magpalit ka na baka sipunin ka pa" sabi ko. Pero nanatili lang syang nakayakap sakin. "sige na.."





Sumunod naman sya sakin. Agad syang naligo at nagpalit. Inayos ko na mga gamit nya at pantulog.




Pagkatapos nya, ako naman ang gumamit ng banyo. Saglit lang ako nagshower at nagbihis agad. Napakalamig, sira pa naman heater ko.


Paglabas ko, nakaupo si Zinni sa kama at gumuguhit. Nakaharap sya sakin at tinitignan ako habang gumuguhit. Hinayaan ko lang sya.

Habang nakatalikod ako. Niyakap nya ko. Napangiti ako, humarap ako sa kanya. Gusto kong makita ang mukha nya. Gusto kong matitigan ang napakaganda nyang mukha.


Hinalikan nya ko. Ginantihan ko agad ang halik na yun. Sabik na sabik ako sa kanya. Hinalikan ko sya at pasimpleng dinadala na sya sa kama.

Mahal na mahal kita
Mahinang sabi nya. Ganun din ako sayo Zinni. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka.


"dito ka lang sakin. Samahan mo ko ngayong gabi" sabi ko. Tumango sya at muling hinalikan ako.



Gusto kita samahan habambuhay
Sabi nya. Ang sarap pakinggan.
Yun na ata ang pinakamagandang narinig ko.

Gusto ko na sya makasama habambuhay..
Gusto ko na magkapamilya kasama sya..









Sya lang .. Wala nang iba..


------------

Ang Karibal kong Maangas (Complete)Where stories live. Discover now