Chapter 32

396 12 3
                                    

Zinni POV

(school)

"hindi kita papatulan" yun lang sinabi ko kay Alexa.

Nakasalubong ko sya at galit na galit sya sakin. Hindi ko naman alam bakit na naman sya nagagalit.

"siguraduhin mo lang! You don't know where I came from? But I know where you from" si Alexa.

Umalis din 'to agad kasama mga kaibigan nya. Parang may laman sinasabi nya. Hindi ako takot sa kanya pero kilala ko si Alexa. Galing din sya sa mga mayayamang angkan. Alam ko na ang mga kagaya nila ay mga di nagpapaapi. Pero ano namang gagawin nya sakin? Di ako natatakot dahil wala naman akong tinatago. Tss.

Lalayo na lang ako kay Mayko para wala nang gulo.

-------

Papunta na ko sa bldg C ng mapansin ko si Mayko na papunta na sa kinaroroonan ko. Haysss.. Bakit ba ayaw pa nya tumigil! Ako inaaway ng girlfriend nya eh!

"Zinni!" sigaw nya. Nagmadali ako pabalik. Gusto ko nang makalayo sa kanya. Sinusundan nya pa din ako! Tumigil ka na plss. Pinahihirapan mo buhay ko eh!

*boogsh*

Nakabanggaan ko si Harvey. Nagkalat mga libro ko kaya dali dali nya kong tinulungan.

Nagmamadali ako dahil baka maabutan ako ni Mayko.

"bakit ka ba kasi nagmamadali?" si Harvey pero di ko yun pinansin. Napalingon ako, malapit na si Mayko samin. Kailangan may gawin ako.

"H..Harvey tulungan mo ko pls. Ilayo mo ko kay Mayko!" sabi ko. Nakatingin lang sakin si Harvey that time. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya.

Sakto pagdating ni Mayko! Inis na inis ang mukha nito sakin. At nadatnan kaming magkasama ni Harvey. Ramdam kong galit sya! Bigla na lang nya ko hinatak!

"napipikon na ko sayo!" kinakaladkad nya ko palayo "kung sino sino pang lalaki nilalapitan mo!" seryosong galit si Mayko. Seloso sya sa totoo lang. Pero wala syang karapatan magselos. Unang una, never naging kami. Kahit kelan di ko pa sya sinagot. Sya lang talaga kung umasta akala mo kami na.

Maya maya'y humarang na si Harvey saming dalawa.

"bitawan mo nga sya" si Harvey.

"put*angina naman pare.. Bakit ba ayaw mo tumigil!?" si Mayko.

"ikaw ang ayaw tumigil!" si Harvey. "bakit ka ba ganyan makaasta! Girlfriend mo ba sya?" alam kong inis na inis na si Mayko kay Harvey.

"OO! Kaya pls.. Ok tayo eh pero hayaan mo muna kami pls!" si Mayko. Pilit ko tinatanggal ang kamay nya sa braso ko pero masyado tong madiin.

"hahaha talaga? Kayo?"si Harvey. "teka lang ah.. Zinni bakit di mo sabihin sa lalaking to na sinagot mo na ko" si Harvey.

"h..huh?" nagulat ako sa sinabi ni Harvey. Anong sinasabi nya?

"bakit di mo sabihin sa lalaking to na nagkabalikan na tayo, hatid sundo na kita ulit at kilala ako ng pamilya mo" si Harvey.

Ano daw??? Haysss sabi ko ilayo nya ko. I mean.. Umalis kami.. Ganun.. Hindi ganyan.

Hinarap ako ni Mayko. "t..totoo ba?" nakakunot ang noo nya. Galit ang mga mata nya. Galit sya sakin. Para din syang si papa pag nagagalit. Tumitiklop na kaming magkakapatid.

Tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko. "h..hayaan mo na lang kami" yun na lang sinabi ko. Sinakyan ko na baka tumigil.

"a..ano nga?! Totoo ba?!!" tanong nya. Gulong gulo mukha ni Mayko. Sa tingin ko'y di sya makapaniwala. Tumakbo ako sa likod ni Harvey. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata nya na galit na galit sakin.

"Di ba sabi ko intayin mo ko? Bakit ba di ka makapag-intay?!" -Mayko.
"saglit na lang oh?" hindi ako makasagot. Hindi ko talaga maintindihan ano bang paghihintay ang sinasabi nya. "pa'no tayo?"

"w..walang tayo Mayko, k..kahit kelan hindi naging tayo" sabi ko.

Nakita ko ang mangiyak ngiyak nyang mata na galit na galit sakin.

"tara na" hinatak na ko ni Harvey at hindi na sumunod si Mayko.

"so ganun na lang yun?" sigaw nya. Nadidinig kong dumadaldal sya kahit palayo na kami "alam ko nagsisinungaling ka lang sakin!" si Mayko. "Zinni ano ba?!"

"wag ka nang lumingon," sabi ni Harvey habang nakaakbay sakin. Hindi ko na nilingon si Mayko.

Di pa tayo tapos!
Yun yung huli kong narinig sa kanya.



------------ the end ------- joke haha --------


A/N: Sorry po late na mag-update. Sobrang busy huhu pero salamat pa din sa mga nagbabasa. Pipilitin kong matapos to.



-----------

Lumipas ang araw, hindi ko na nakausap si Mayko. Pag nagkakasalubong kami nilalampasan nya lang ako.

Hindi gaya nang dati na malayo pa lang napakalaki ng ngiti sakin.

Nakikita ko din na napakasweet nya kay Alexa. Sobraaa
Na dahilan para madurog ang puso ko.

Hatid sundo na din ako ni Harvey. Kahit anong sabihin ko, ayaw nya tumigil at kung umasta sya akala nya ata kami na. Kiniclear ko na walang kami pero di nya pinapansin at tuloy tuloy lang ang pagkwento nya ng kung anu ano, at madalas sya nagchechange topic pag inoopen ko. Ayaw na ayaw nya kong palalapitin kay Mayko. Tinapon nya yung phone ko at pinalitan ng bago. Parehas kami ng phone at ang tanging contacts lang dun ay sya at ang pamilya ko. Hindi sa gusto ko pero tinatamad talaga ako makipag-argument sa kanya kaya hinahayaan ko na lang.

Bumaba na ko ng kotse nya.

"uwi muna ako, wala akong klase. Hinatid lang talaga kita. Mamaya 5pm sharp, sunduin kita dito" si Harvey.

"Harvey, di ba sinabi ko na. Kaya ko umuwi mag-isa" sabi ko. Di nya yun pinapansin.

"see you maya" sabi nya saka nya pinaandar ang sasakyan. Haysssss

Bahala nga sya. Ok, Wala namang masama. Wala naman nang Mayko na magagalit. Isa pa, si Harvey dahilan at nagkita kami ni kuya Zanti nung nakaraan. Hinanap nya to para sakin. Pero ayaw na umuwi ni kuya sa bahay. Nirerespeto ko na lang kung anong gusto nya.

Naglakad ako papasok sa school. Habang naglalakad may dalawang couple na nauuna sakin. Ambabagal maglakad. Sa paa lang nila ako nakatingin. Ambagal nakaharang sa dadaanan ko. Tss.

Iniangat ko ang ulo ko at dun ko napagtanto na si Alexa at Mayko yun.

Nakayakap si Mayko sa bewang ni Alexa. Napakaganda't gwapo nila. Ang perfect tingnan, mas bagay sila kesa samin. Pagtatawanan sya kung ako lang ang makakarelasyon nya, napabuntong hininga na lang ako eh.

Maya maya'y.. Napahinto ako sa paglalakad.

Kitang kita ko na hinalikan ni Mayko si Alexa. Yung halik na yun.. Kagaya ng halik nya sakin.

Tumutulo na pala ang luha ko ng mga oras na yun habang nakatingin sa kanila.













Masaya ka ba ngayon Mayko?














Nung nakaraan lang ako yung mahal mo.. Pero ngayon..










Nabigla ako dahil habang hinahalikan nya si Alexa bigla syang tumingin sa side ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at umiba ng tingin. Shocks. Baka akala nya.. Nakatingin ako sa kanila..

Muling bumalik ang tingin ko sa kanila. Pero malayo na sila..



------------

Ang Karibal kong Maangas (Complete)Where stories live. Discover now