Chapter 12

507 15 4
                                    

Mayko POV

"honey Jorge. Maghanda ka nang makakain. Andito ang boyfriend ni Zinni" sabi ng papa nya. Nung una natatakot ako sa papa nya pero mabait naman pala. Malaking tao lang talaga.

Agad lumabas ng kusina ang mama nya. Ang ganda ng mama nyaaa.

"hello po mama" agad akong nagbless at bumeso sa mama nya. Nagulat ito syempre ang gwapo ko eh.

Pagtingin ko kay Zinni, hala parang kabang kaba sya.

Umakbay ako sa kanya.
Relax akong bahala bulong ko.

"anak sya ba yung dumalaw sayo nun sa hospital?" tanong ng mama nya.

"o..opo" si Zinni.

"opo ako po yun pero di pa po nya ko sinasagot nun. Kanina lang po nya ko sinagot, ayaw nya po kasi ako papuntahin dito kaya ngayon lang po ako nakapunta"

Ouch. Binatukan ako ni Zinni.
Ano bang sinasabi mo. Umuwi ka na pls.

"Zinni, anak bakit mo sinasaktan si Mayko? Parang di ka babae nyan. Umayos ka" sabi ng mama nya.

"sorry po" nalungkot mukha nya. Napansin ko. Parang di sya masyadong makakilos ng maayos. Parang limitado sya gumalaw.

Inakbayan ko si Zinni at ngumiti.
"ok lang po sanay na ko sa anak nyo at yun nga po gusto ko eh sinasaktan ako hehe" siniko nya yung tagiliran ko.

"Zinni ano ba" si papa nya.

"atsaka bakit ka ba nakasumbrero" tinanggal ng mama nya yung sumbrero nya. "magpalit ka ng damit mo"

Umakyat si Zinni para magpalit. Nagpabili naman ang papa nya ng alak.

Dumating ang kuya Zico nya at binati ako. Eto pala ang kasing edad ko.

"buti ay ayos ka na" sabi nito. Isa pala sya sa sumagip sakin. Isa sa pinagkakautangan ko ng loob. Nakasundo ko agad ang kuya nya dahil mahilig din ito sa movies gaya ko.

"taga san ka nga ulit hijo" sabi ng papa nya.

"dyan lang po sa kabilang village. Pwede po kayong dumalaw pag gusto nyo. Ako lang naman po sa bahay"

"talaga? Sige pag free ako puntahan kita"

May nag aaway sa likod namin. Mga kapatid nya din ata.

Asan na kasi tshirt ko ilabas mo na!.- Ziro

Wala nga sakin anong gagawin ko! - Zanti

Ikaw huli kong nakitang may suot! - Ziro

Bakit ko susuotin yun papangit ng mga damit mo! - Zanti

Ina ka talaga bakla! - Ziro

"hoy! Kita nyong may bisita dyan pa talaga kayo nagtalo!" papa ni Zinni.

"magsiakyat nga kayo!" si kuya Zico nya. Magkaugali at magkatindig ang papa at kuya nya.

"ok lang po" sabi ko.

Maya maya'y bumaba na si Zinni. Natulala ako. Sheet.

Ang ganda..

Bakit anlakas ng dating nya lalo na pag nakalugay ang buhok nya.
A..ang iksi ng short nya. Nakatshirt sya na fitted. As in .. Ang sexyyy...

*dugdug*

"masyado ka ata natutulala sa anak ko" si papa nya.

"ahh.. Ang ganda po kasi nya" dumiretso ito sa kusina at tinulungan ang mama nya.

Ang Karibal kong Maangas (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon