Chapter 31

418 11 0
                                    


Zinni POV

Kanina ko pa kinoconvince si Prof na wag ako isali pero ayaw nya ko payagan. Naipasa nya na daw. Bakit ako yung sinali nya? Andami kong magagandang classmates eh? Dami may gustong makasali dun bakit ako? Wala akong alam sa ganyan. Dami na namang galit sakin neto.

After ng class, naglakad na ko pauwi. Yung mga classmate kong lalaki at ibang sections, panay ang bati sakin.

Zinni, saan daan mo? Sabay na tayo - si Ram ngunit nginitian ko lang to saka nilampasan. Babaero.

"ang ganda mo kanina ah.. 🙂 You never failed to seduce me " napalingon ako sa nagsalita. Si Mayko, napakalaki ng ngiti nito sakin.
"pwede ba kita ihatid?"

Napakunot ang noo ko. "b..bakit?" sagot ko.

"gusto ko lang" si Mayko.

"tss" naglakad na ulit ako pero sumusunod sya. "wag na, may makakita pa satin kasalanan ko pa"

"hindi ah, tara na" bigla nyang hinatak yung kamay ko. Alam nyo namang napakakulit ni Mayko.

"ayoko! wag ka ngang makulit" inis na sagot ko. Ayoko sumama pero napakakulit nya. Nagulat ako dahil biglang may tumanggal ng hawak nya sakin.

"H..Harvey?" ako.

"tara" Seryoso sya sa pagkakasabi nya nito. Si Harvey na bigla yung humatak sakin at naiwan si Mayko. Pero sumunod pa din si Mayko at hinarang kami.

"tss? Teka pare sandali nga. Bakit ka nangingielam dito? ano ka ba nya ha?" galit na sabi nito.

"bakit di mo sya(zinni) tanungin kung ano kami?" -Harvey.

Tinignan ako ni Mayko at nag-aabang ng sagot. Gusto ko si Mayko, gustong gusto. Pero ayoko na ehh.. Si Alexa naman pinili nya bakit pa nya ko ginugulo? Lumayo ako kay Mayko at pumunta sa likuran ni Harvey. Hinawakan ko ang braso nya, para akong nagtatago kay Mayko. Alam ko kasi kaya ako ilayo ni Harvey sa kanya. Hindi ko magawa eh dahil may nararamdaman pa ko, kaya kahit si Harvey na lang maglayo sakin sa kanya.

" si Harvey na lang maghahatid sakin" sabi ko.

"a..ano to?! Pinagseselos mo ko tama?" tumaas bigla boses ni Mayko. "halika na!" sabi nya. Lumapit sakin si Mayko pero iniwas ako ni Harvey sa kanya. "Zinni pls. Halika na! Hindi na ko natutuwa" si Mayko.

"di ba may girlfriend ka? Bakit di yun ang ihatid mo?" si Harvey.

"Mayko sige na.. Si Harvey na lang maghahatid sakin"sabi ko. Hindi ko kayang tingnan si Mayko kasi hindi na maganda ang timpla ng mukha nya.

Nagulat ako dahil biglang dumating si Alexa kasama si Gretchen. Napatingin kami ni Harvey sa kanila.

"M..Mayko, kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala?" bigla syang hinalikan nito sa pisngi. Samantalang si Mayko'y nanatiling masama ang tingin samin ni Harvey.

"pakisabihan naman yang boyfriend mo? Para kasi balak pa maghatid ng iba? Di ba dapat ikaw hinahatid nya?" sarkastikong sabi ni Harvey.

"w..wait? I don't get it?" si Alexa.

Magsasalita pa lang si Harvey. Pero ngumiti na si Mayko. Biglang nagbago ang mood nya. Yung galit nyang mukha bigla bigla naging masaya. Hinarap nya si Alexa at.. H..hinalikan ito sa harap ko.

Sumisikip na naman ang dibdib ko. Inakbayan nya 'to.

"wag mo sila pansinin" sabi nya kay Alexa "tara na, ihahatid ko na ang prinsesa ko" nakangiting sabi ni Mayko. Inalok nya ang braso nya sa babae at agad naman itong niyakap ni Alexa. Ang gag* mo talaga! Bakut ba ganyan sya? Sawa sawa sa babae? Ako tapos yung isa tapos ako tapos yung isa ulit?? Ano ba talaga?? Sobrang kapal!

Ang Karibal kong Maangas (Complete)Where stories live. Discover now